Remember when Carmina Villarroel reacted this way when asked about Rustom Padilla?
Jun 26, 2020

Last year sa presscon ng GMA-7 series Kara Mia, hindi maiwasang matanong si Carmina Villarroel tungkol sa unang lalaking kanyang pinakasalan—si Rustom Padilla.

Ayon kay Carmina, hindi niya kayang burahin sa kanyang buhay si Rustom na mas kilala na ngayon bilang BB Gandanghari.

Si Rustom ay nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla at naging ka-love team ni Carmina nung 1990s.

Naging magkasintahan sila at kalauna'y sikretong nagpakasal sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Caloocan nung June 4, 1994.

Taong 1997 nang ihayag nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay at ang pagbubunyag ng kanilang lihim na kasal.

Matapos ang isang taon ng kanilang paghihiwalay, nag-file ng annulment si Carmina na na-grant naman nung 2002.

November 2012 nang muling ikasal si Carmina sa ama ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy, na si Zoren Legaspi.

Labingdalawang taon ang hinintay ng aktor bago ito nag-propose kay Carmina na pinakasalan din nito agad nung mismong gabi ng proposal.

Samantala, si Rustom naman ay nagdesisyong lumisan ng showbiz nung 2001, pumasok sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga housemates nung 2006 (kung saan din siya "nag-out"), at nagpalit ng pangalan at katauhan nung 2009 bilang si BB Gandanghari.

Sabi ni Carmina tungkol kay Rustom / BB: "That's my past. As much as gusto kong kalimutan or burahin, we cannot. I cannot delete those chapters in my life.

"And kung ano 'ko ngayon, kung papa'no 'ko ngayon as a person, it's because of my past. It's because of my... whatever, my experiences before."

Natuto na rin daw ang aktres na huwag nang pagsisihan ang kahit na anong nangyari sa nakaraan.

"You just learn from your mistakes, you just learn from whatever in your past and then, huwag mo na lang gawin ulit.

"Marami naman akong natutunan with that experience and I'm happy and I'm also thankful with what happened with me," patuloy ni Carmina.

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results