Bianca King on why she kept mum about Sofia Andres’s pregnancy: “Its not my story to tell.”

by Bernie V. Franco
Jun 26, 2020
sofia andres bianca king
Bianca King dishes out why she kept quiet about Sofia Andres's pregnancy and talks about their closeness. “[E]ven while we were working together 2 years ago, we were super bonded.”
PHOTO/S: @iamsofiandres on Instagram

Malaya na ngayong nakapagsasalita si Bianca King, 35, tungkol sa panganganak ng malapit na kaibigang si Sofia Andres, 21.

Isa si Bianca sa iilang nakakaalam sa inilihim na pagbubuntis ni Sofia.

Naging magkaibigan sina Sofia at Bianca nang magkasama sila sa ABS-CBN afternoon teleserye Pusong Ligaw, na umere mula April 2017 hanggang January 2018.

Sa Australia namalagi si Sofia habang hinihintay ang pagsilang ng anak nila ng nobyong si Daniel Miranda.

Nagkataon namang nasa Australia si Bianca kaya alam niya ang kondisyon ni Sofia.

Hanggang ngayon ay sa Australia pa rin namamalagi si Bianca.

Inamin ni Sofia ang tungkol sa kanyang seven-month-old baby girl na si Zoe nito lamang Father’s Day, June 21.

BIANCA ON SOFIA’S PREGNANCY

Nitong Lunes, June 22, ibinahagi ni Bianca sa Instagram ang short video na binubuo ng snippets mula sa kanyang cooking videos kasama si Sofia.

Sa comments section, nagsunud-sunod ang komento ng followers ni Bianca tungkol sa kaugnayan nila ni Sofia.

Continue reading below ↓

Sinagot ni Bianca ang ilan sa mga ito.

Komento ng ilan, halata raw ang baby bump ni Sofia sa video.

Pero paglilinaw ni Bianca, nanganak na si Sofia nang i-shoot and videos noong February 2020.

Continue reading below ↓

Pag-usisa ng isa pa, magkaano raw ba sina Bianca at Sofia?

Sagot ni Bianca: “super duper close friends!”

Pinuri naman ng isang netizen si Bianca dahil nanahimik daw ito tungkol sa kalagayan ni Sofia hanggang maging handa na itong umamin.

Sabi ni Bianca: “of course naman. Its not my story to tell. [smile emoji] im just here to support her.”

Continue reading below ↓

Ayon pa sa netizen, bukod kay Bianca, ang dalawa pang nakakaalam sa pagbubuntis ni Sofia ay sina Kathryn Bernardo at Hannah Pangilinan, anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Sundot ng isa pang nagkomento, kaya pala lalong tumibay ang samahan nina Bianca at Sofia dahil kay Zoe, ang baby ni Sofia.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Bianca, bago pa man manganak si Sofia ay close friends na talaga sila.

“well we were this close already before Zoe arrived.

“even while we were working together 2 years ago, we were super bonded.”

Ang iba, natutuwa raw na makitang close pa rin sina Bianca at Sofia kahit matagal nang tapos ang kanilang teleserye.

Continue reading below ↓

Sagot ni Bianca, nananatili silang magkaibigan ni Sofia.

Nag-iwan din ng mensahe sa comments section si Sofia.

Mensahe niya kay Bianca: “I love you very much [smiling face with heart eyes]”

Reply ni Bianca: “@iamsofiaandres I love you too [two girls and hearts emojis]”

Mapapansin namang maraming larawan na magkasama sina Bianca at Sofia sa kani-kanilang Instagram accounts.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca King dishes out why she kept quiet about Sofia Andres's pregnancy and talks about their closeness. “[E]ven while we were working together 2 years ago, we were super bonded.”
PHOTO/S: @iamsofiandres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results