“4 years of ups, downs... and so much more!”
Ito ang bahagi ng nakakakilig na mensahe ni Luis Manzano, 39, para sa girlfriend na si Jessy Mendiola, 27, ngayong ika-apat na anibersaryo ng kanilang relasyon.
June 26, 2016 opisyal na naging magkasintahan sina Luis at Jessy.
Buong mensahe ni Luis sa nobya na ibinahagi niya sa Instagram ngayong araw:
“4 years of ups, downs... and so much more!
“Happy 4th howhow @senorita_jessy”
Sagot ni Jessy sa kanya, “Love you”
Komento naman ng best friend ni Luis na si Alex Gonzaga, mag-propose na ang TV host-actor sa aktres.
Sabi ni Alex, "Luhod na."
Ganun din ang komento ng singer na si Sitti.
Saad ng Bossa Nova singer, "Akala ko may luhod na."
Binati rin ang dalawa ng actress-singer na si Jessa Zaragoza at ng beauty queen na si MJ Lastimosa.
“MORE TO GO”
Nag-post din si Jessy sa kanyang Instagram ng pagbati kay Luis para sa kanilang ika-apat na taon.
Maiksing mensahe niya, “Happy 4th anniversary. I love you.”
Sabi naman ni Luis sa kanyang komento, “4 with so much more to go happy anniversary howhow!!”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika