Super Tekla asks for help for newborn baby with birth defect

by Bernie V. Franco
Jun 26, 2020
super tekla emotional
Super Tekla vows to work hard for newborn baby diagnosed with a medical condition: “Talagang siguro lahat susuyurin ko, pero wala kang masusuyod this moment."
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Hindi mapigilan ni Super Tekla ang maiyak nang ikuwento na may nakitang birth defect sa kanyang bagong silang na anak na lalaki.

May anorectal malformation o walang butas ang puwet ng anak ng komedyante.

Isinilang ang anak ni Tekla, a.k.a. Romeo Librada, nitong Lunes, June 22.

Dahil sa kondisyon ng sanggol ay kailangan itong isailalim agad sa operasyon.

“Kaba saka takot ko, ganun na lang. Masakit bilang isang tatay,” emosyonal na lahad ng Kapuso comedian sa 24 Oras, Huwebes, June 25.

Ani Tekla, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon.

“Nilapag ko lahat. Nilalapag ko kung anong kayang mailapag.

“Handa akong mag-start ulit, that’s life…

“But at the end of the day, wala akong pagsisisihan,” aniya habang umiiyak.

HOT STORIES

NOT LOSING HOPE

Himutok ni Tekla, nataon pang dumating ang pagsubok na ito habang may kinakaharap na pandemya ang bansa.

“Sabi ko, ‘Bro, grabe Ka naman. Dito Mo pa talaga binigay itong ganitong situation, na wala akong kalaban-laban, kundi ang humagulgol at maglupasay.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ganoon talaga, that’s life…”

Sa kabila raw nito ay tatanggapin ni Tekla kung ano ang kaloob sa kanya.

“Kung iwi-will ni God na ibigay Niya sa ‘kin, ‘yan ang hihilingin ko, more than that...”

Aminado siyang mabigat ang kanyang dinadala.

“Pero never po akong mawawalan ng pag-asa,” giit niya.

Handa raw gawin ni Tekla ang lahat para gumaling ang anak na nasa ospital, kahit aminado siyang mahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa health crisis.

“Talagang siguro lahat susuyurin ko, pero wala kang masusuyod this moment, wala ka talagang masusuyod.”

Kaya naman kumakatok si Super Tekla sa lahat ng mga taong nais tumulong sa kanya.

“If ever na may taong tutulong… sobrang ano siguro, talagang sobrang blessings at saka siguro... life, pasasalamatan.”

Nakikipaglaban daw siya ngayon para sa buhay ng anak dahil mahalaga ito sa kanya.

Continue reading below ↓

Si Super Tekla ay kasama ng kapwa comedian na si Boobay sa Kapuso late-night comedy show na The Boobay and Tekla Show, pero tigil muna ang taping nila dahil sa enforced community quarantine.

LATEST UPDATE

Samantala, nag-update ngayong Biyernes, June 26, si Super Tekla via Facebook.

Sumailalim na raw sa colostomy ang kanyang anak ngayong araw at nasa intensive care unit para magpagaling.

Bukod sa bagong silang na anak, may isa pa siyang anak na babae—ang 12-anyos na si Airah, anak ni Tekla sa dating asawa.

Sa mga nagtatanong sa current partner ni Super Tekla, tinanong namin ang GMA Artist Center, na kasalukuyang nagma-manage kay Super Tekla.

Minarapat nilang huwag nang banggitin ang pagkakakilanlan ng partner ni Super Tekla komedyante para na rin sa proteksiyon nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla vows to work hard for newborn baby diagnosed with a medical condition: “Talagang siguro lahat susuyurin ko, pero wala kang masusuyod this moment."
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results