Beauty Gonzalez responds to netizen questioning her police special ops training

by Rachelle Siazon
Jun 26, 2020
Kapamilya actress Beauty Gonzalez says yes to "call of duty" as she undergoes police special ops training under Philippine National Police-Aviation Security Group. She insists it's not for a show, but for her desire "to serve" the country.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez Instagram

Nilinaw ni Beauty Gonzalez na legit at hindi para sa isang acting role ang pagsailalim niya sa training ng special operations unit ng Philippine National Police-Aviation Security Group.

Kahapon, June 25, ipinost ni Beauty sa Instagram ang litrato kunsaan may hawak siyang baril.

Nakasuot siya ng all-black police gear ng Special Operations Unit (SOU) para sa weapons and tactics training na sinalihan niya.

Continue reading below ↓

Handa raw si Beauty na lumaban para sa bayan kung kinakailangan.

Sabi niya sa caption (published as is): "Don’t Tread On Me [snake symbol] Weapons and tactics training with the Men and Women of the Police Special Operations Unit, Aviation Security Group.

"Not for a Show, Not to train for a show, But to serve, in any possible way i can, When called upon."

Sa comments section, may netizen na kumuwestiyon na tila masyadong perpekto ang "pose" ni Beauty sa paghawak niya ng baril.

"I wonder if regular citizen undergoing the same training can strike a pose as such," napaisip na tanong ng commenter.


Continue reading below ↓

Mala-eksena sa ABS-CBN action-drama series na FPJ's Ang Probinsyano ang dating ni Beauty sa litrato.


Pero paglilinaw ng 29-year-old actress, hindi siya umaarte kundi nagkataong nakunan siya ng magandang litrato sa gitna ng training.

"It’s actually not a pose but part of a drill.

"The Photographer just happened to be at the right place at the right time to get this interesting shot."

Continue reading below ↓

Tila nakumbinsi naman ang netizen.


"CALL OF DUTY"

Ngayong Biyernes, June 26, ibinahagi ni Beauty ang iba pang litrato kasama ng mga kasabay niya sa training.

Kahit tirik ang araw ay mukhang kinarir ng aktres ang pag-aaral para sa police special ops ng PNP-Aviation Security Group.

Caption ng kanyang Instagram post: "Call Of Duty PH S.O.U Aviation Security Group."

Continue reading below ↓

Halatang nag-enjoy si Beauty, base sa iba pa niyang litrato kunsaan salu-salo sila ng batchmates niyang kumakain ng pizza.

Sa official website ng PNP-Aviation Security Group, nakasaad na ang SOU ang in-charge sa pagbibigay ng "technical and operational support" para sumaklolo sa hijacking incidents, anti-terrorist operations, at bomb disposal sa mga airport.

Continue reading below ↓

Layunin din ng SOU na makatulong sa search and rescue operations at iba pang crisis response activities sa bansa.


HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Beauty Gonzalez says yes to "call of duty" as she undergoes police special ops training under Philippine National Police-Aviation Security Group. She insists it's not for a show, but for her desire "to serve" the country.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results