Social distancing and proper disinfecting strictly observed at day one of Ramon Revilla Sr. wake

by Jerry Olea
Jun 28, 2020
Ramon Revilla sr. wake
After entering a disinfecting booth, one has to disinfect again using a pedal-powered alcohol dispenser and then wear plastic covers over footwear to be allowed to enter the viewing room where Ramon Revilla Sr.'s remains are.
PHOTO/S: Jerry Olea

Unli-alcohol at unli-facial mask sa unang araw ng lamay ni dating Senador Ramon Revilla Sr., 93—Jose Acuña Bautista sa totoong buhay—nitong Hunyo 27, Sabado, 2:00-8:00 PM sa Revilla Mansion sa Bacoor, Cavite.

Pagpasok sa gate, meron nang alcohol at facial mask sa registration area.

'Tapos, dadaan ka sa Auto-Disinfectant Passage System para mag-alcohol muli at i-disinfect ka for 15 seconds.

Ramon Lamay

Continue reading below ↓

And then, stay ka sa waiting area kung saan may limang mesa. Apat ang mga upuan sa bawa’t mesa. May mga extra monoblock chairs.

Upang huwag mainip ang mga naghihintay, may malaking LED screen kung saan ipinapalabas ang mga pelikula ng yumaong legendary action star.

Ramon Revilla Sr. wake

Continue reading below ↓

Malawak ang bakuran ng compound at nakakalat doon ang mga korona ng bulaklak.

Sa harap mismo ng mansion, may dalawang alcohol dispenser na de-pedal.

Susuutan ng plastic ang iyong mga sapatos bago ka pumasok sa pinto.
Hindi ka agad-agad makakapasok sa mismong kuwarto kung saan nakalagak ang remains ng Agimat ng Masa.

Ramon Revilla Sr. wake

Continue reading below ↓

Kontrolado ang bilang ng tao sa loob. Kailangan munang may lumabas bago ka makapasok.

Sa loob, may dalawang kadete na nagbabantay sa remains ni Mang Ramon.

Habang nagtatanod ang dalawang

Labinlima ang mga upuan para sa mga naglalamay. Magkakalayo ang mga ito.
May limang extra seats, na nakatumpok sa isang sulok.

Continue reading below ↓

Sa tabi ng rack ng mass cards, meron pa ring alcohol at facial masks.

Humigit-kumulang 22 katao lamang ang hinahayaang nasa loob ng kuwartong pinaglalamayan.

Continue reading below ↓

“Ahh, inaayos lang po yung mga bulaklak, and then I’ll show you... I’ll show you, guys, yung daddy ko. So pogi!” bulalas ni Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa Facebook Live, at ipinakita si Mang Ramon na payapang-payapa ang itsura.

“Sa lahat po ng mga nakikiramay... ang amin pong pasasalamat sa inyong lahat!”

Nagbida si Senator Bong sa mga pelikulang Alyas Pogi: Birador ng Nueva Ecija (1990) at Alyas Pogi: Ang Pagbabalik (1999).

May nagpi-piano, pero nasa labas ito ng kuwarto. Hiwalay siya sa nakikiramay.

Continue reading below ↓

Paglabas namin ng mansion, nakita namin ang isang lalaking senior citizen na papalapit kay Senator Bong.

Hindi sila nagkamay. Bagkus ay mabilis na nag-umpugan sila ng siko bilang pagbati.

Hirap kaming makipag-usap kay Mayor Lani Mercado. Naka-face mask at face shield kami, kaya hindi namin siya masyadong marinig.

Kaway-kaway lang kami kina Antipolo City Mayor Andeng Bautista-Ynares, Rowena Bautista-Mendiola, maging sa magkapatid na Cavite Vice Governor Jolo at Bryan Revilla.

Hindi agad-agad nagkakakilanlan ang mga tao sa lamay dahil pawang naka-face mask, at marami rin ang naka-face shield pa.

Namataan din namin sina Congressman Strike Revilla a.k.a. Edwin Bautista, Marlon Bautista, Evelyn Bautista-Jaworski, at Lovely Diane Bautista-Paterno.

Tumambay kami sa kapihan. Ang mga nagse-serve ng kape ay naka-plastic gloves at facial mask.

Continue reading below ↓

Sa dining area, ang mga nagse-serve ng pagkain ay naka-face shield at naka-plastic gloves. Yung iba, naka-face mask pa.

Para sa maseselan, andiyan pa ang mga tissue paper para sa paghawak sa mga pinggan, kubyertos at dessert.

Inaayos pa kung paano ang logistics sa online lamay. Marami kasing senior stars na gustong makipaglamay, lalo na yung mga nakatambal o nakatrabaho ni Mang Ramon.

Kaso, bawal silang lumabas.

“Kung gusto nila, mag-video sila, 'tapos, i-send nila kay Senator Bong para mailagay sa Facebook,” lahad ni Mayor Lani.

“O kung mas techie sila, mag-Zoom necro tayo for daddy. Pwedeng Martes ng hapon.”

Hindi pa finalized ang mga detalye sa public viewing at libing.

8:00 PM ang curfew sa Cavite, kaya nag-aalisan na ang mga nakipaglamay bago mag-8:00 PM.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After entering a disinfecting booth, one has to disinfect again using a pedal-powered alcohol dispenser and then wear plastic covers over footwear to be allowed to enter the viewing room where Ramon Revilla Sr.'s remains are.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results