Judy Ann Santos calls out foul-mouthed basher insulting Ryan Agoncillo

by Rachelle Siazon
Jun 29, 2020
Judy Ann Santos on Ryan Agoncillo's foul-mouthed basher: "ayoko sanang patulan ka.. pero tama si ryan.. baka kelangan mo ng taong papansin sayo.. eto.. pinapansin ka na.."
PHOTO/S: @ryan_agoncillo Instagram

Dismayado ang mag-asawang Judy Ann Santos, 42, at Ryan Agoncillo, 41, sa wala sa lugar na panggigigil sa galit at pagmumura ng isang basher kay Ryan.

Inakusahan ng basher na walang kuwentang asawa ang Kapuso actor-host dahil hindi man lang daw nito mapagbigyan ang request ni Judy Ann ng personal massage.

Pabiro kasing nakipagpustahan si Judy Ann na kapag nai-shoot niya sa bowl ang hawak na egg shell ay may premyo siyang massage mula kay Ryan.

Base iyon sa latest Judy Ann's Kitchen episode sa Youtube, kunsaan si Ryan ang nagbi-video kay Judy Ann habang nagluluto ang Kapamilya actress ng banana waffle at omelette.

Nang ma-shoot ang egg shell sa bowl, napapasayaw na sabi ni Judy Ann, "May masahe ako."

Natatawang kontra naman ni Ryan, "Nope. I got hassled. It's on record. I didn't say yes to the bet."

Noong araw ring iyon, June 27, nag-post si Ryan sa Instagram ng picture ni Judy Ann.

Continue reading below ↓

Dito inulan ng mura si Ryan ng basher.

Pati magulang ng Eat Bulaga! co-host ay dinamay pa sa umano'y hindi magandang pagpapalaki rito.

Bahagi ng mensahe ng basher sa comments section (published as is):

"ANO ULIT SABI MO NUNG SINABI NI JUDAY NA MAMASSAGE MO SYA KASI NASHOOT NYA ANG SHELL NG EGG

Continue reading below ↓

"TAPOS SAGOT MO: I GOT HASSLED I DIDNT SAY YES TO DO THAT!!!

"G*** KA LANG TALAGA U*** ANG YABANG MONG BANSOT KA PALIBHASA PATAY NA PATAY SI JUDAY SA IYO

"P******** MO PARA TANGGIHAN SI JUDAY G***"

Nakarating kay Ryan ang katakot-takot na masasamang salitang ibinato sa kanya ng basher.

Continue reading below ↓

Sa halip na magalit, inintindi ni Ryan ang basher na halata raw na kulang sa pagmamahal.

Nagsabi pa ang actor-host na maaari siyang i-direct message ng basher kung gusto nito ng makakausap sa kung anumang problema nito.

Pahayag ni Ryan (published as is): "ang taong nanakit kadalasan may pinagdadaanan pero walang umiintindi at patuloy na nasasktan.

"kung ito ang paraan mo ng pagtawag ng pansin, sige paglalaanan kita ng panahon. baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.

"dito natin itigil ang sakitan. ano bang problema? maaring dito ka sumagot o kahit mag DM ka. pakikinggan kita."

Continue reading below ↓

JUDY ANN: "PATAY NA PATAY AKO SA ASAWA KO..."

Umalma rin si Judy Ann sa wagas na pagmumura ng basher, hindi lang kay Ryan kundi pati sa mga magulang nito.

Masakit daw iyon dahil magulang din ang turing niya sa kanyang in-laws.

Wala naman daw nagawang masama ang mister, at hindi na raw dapat pang gawing isyu ang pagtanggi ni Ryan sa bet.

Sabi pa ni Judy Ann: "At oo.. patay na patay ako sa asawa ko dahil asawa ko sya.. may problema ba?

"Ganun kami maglambingan, tulad ng iba ring mag aasawa...

"ayoko sanang patulan ka.. pero tama si ryan.. baka kelangan mo ng taong papansin sayo.. eto.. pinapansin ka na..

"baka sakaling sa paraang ito makaramdam ka ng may mga taong makikinig sa sentimyento mo.."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

BASHER CLAIMS TO BE JUDY ANN'S FAN

Maya-maya pa ay nagkomento ulit ang basher na nagsabing "mahal" niya si Judy Ann kaya ganoon na lang ang gigil niya kay Ryan.

Balik-sagot ni Ryan: "mabuti naman sumagot ka na.

"maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal na hindi ikaka baba ng dignidad mo bilang tao at ng kahit sino man.

"sana maliwanagan ka't mahimasmasan."

Pinayuhan din ni Ryan ang basher na tigilan na ang pagkalat ng negative vibes at gamitin ang oras nito sa makabuluhang bagay.

Paalala ni Ryan: "wag mong hintayin na singilin ka ng kaluluwa mo."

Continue reading below ↓

BASHER INSISTS RYAN DOESN'T DESERVE JUDY ANN

Ayaw namang patalo ng basher, na hindi sang-ayon na kailangan niyang magbagong-buhay.

Wala sa hulog na komento pa nito: "HINDI KO SASAYANGIN ANG BUHAY KO KASI HINIHINTAY KO PA SALUHIN SI JUDE MULA SA IYO!

"NAIINIP NA NGA AKO BAKIT KASI PINAPATAGAL MO PA!!!

"HUWAG MO NA PATAGALIN PUTCHA!!"

Continue reading below ↓

Tinanggap na lang din ni Ryan na wala na siyang magagawa sa kung anumang pinanggagalingan ng basher.

Sagot na lang niya: "desisyon mo yan."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on Ryan Agoncillo's foul-mouthed basher: "ayoko sanang patulan ka.. pero tama si ryan.. baka kelangan mo ng taong papansin sayo.. eto.. pinapansin ka na.."
PHOTO/S: @ryan_agoncillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results