Ryza Cenon is five months pregnant

by Rose Garcia
Jul 1, 2020
Ryza Cenon on admitting that she is pregnant: "Kung hindi ko rin naman po kasi aaminin ang totoong sitwasyon ko, ako rin naman po ang mahihirapan. Kapag lalabas ka, kailangan mo pang magtago. Mas maganda yung wala kang iniisip kung lumalabas ka or may gusto kang gawin."
PHOTO/S: Instagram

“Buntis po ako."

Ito ang pasabog na pag-amin ni Ryza Cenon.

Ayon sa 32-year-old VIVA contract star, twenty weeks o limang buwan na ang ipinagbubuntis niya.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa pamamagitan ng online video chat kahapon, June 30.

Halata sa hitsura niya na siya ay masaya.

Nagdesisyon daw si Ryza na aminin sa publiko ang totoong sitwasyon niya para hindi niya kailangang magtago.

Paliwanag niya, "Kung hindi ko rin naman po kasi aaminin ang totoong sitwasyon ko, ako rin naman po ang mahihirapan.

"Kapag lalabas ka, kailangan mo pang magtago.

"Mas maganda yung wala kang iniisip kung lumalabas ka or may gusto kang gawin."

WHO IS THE DAD?

Tiyak na marami ang nagulat na magiging ina na si Ryza dahil nitong mga nakaraang buwan ay walang nababalitang bago niyang karelasyon.

Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling naging boyfriend niya ay ang aktor na si Cholo Barretto.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph, sinabi ni Ryza kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Ito ay ang boyfriend niya sa kasalukuyan na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer mula sa Bacolod City na naka-base ngayon sa Manila.

Ayon kay Ryza, sinadya niyang hindi ipaalam sa publiko ang tungkol sa bago niyang relasyon.

Continue reading below ↓

“Nag-decide rin po kasi ako na i-private na lang siya.

"Parang before, di ba, yung naging relationship ko na non-showbiz.

"Parang ngayon, ganun na lang din po ang ginawa ko.

“Kasi po si Miguel, private rin po kasi na tao, kaya nirerespeto ko yun.”

Nagkuwento rin si Ryza kung paano sila nagkakilala.

“Si Miguel, nakilala ko po siya last year ng end of June. After po naming mag-Belgium sa General’s Daughter," pagtukoy ng aktres sa nilabasang teleserye sa ABS-CBN.

“Ipinakilala po siya sa akin ng friend ko, manager ng bank na si Ms. Maricar.

"Tapos, yun na po.

"Halos seven months din po siyang nanligaw sa akin.

"And then, ang work po niya, cinematographer po siya. Sa likod po siya ng camera.”

Base sa profile niya sa IMDb, si Miguel ang cinematographer ng mga pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity (2019), The Girl In the Orange Dress (2018), at T'yanak (2014).

Continue reading below ↓

HOT STORIES

WEDDING BELLS, SOON?

Wala pa raw sa plano nina Ryza at Miguel ang magpakasal sa ngayon.

Ayon kay Ryza, “Wala pa po, mas priority po namin ang baby.

"Pero siya, willing siyang pakasalan ako. Pero ako po yung hindi pa ready.

“For me kasi, it’s too early para mag-decide.

"Any age naman, puwede kang magpakasal.

"Pero mas magandang mag-build muna ng foundation sa relationship."

Paliwanag niya, “Kasi, kung magde-decide ka nang agad-agad, baka mauwi lang sa hiwalayan. Ayoko naman po ng ganun.

"Mas maganda po na maging strong muna yung bond, lalo na ngayong may baby pa.

"Kasi, nag-jump na po kami ng level. Hindi na kami dumaan sa process na magpakasal muna.

"Kumbaga, may responsibility na, at mas maganda yun dahil mate-test kaming dalawa kung paano matatayo ang foundation.”

HOW RYZA FOUND OUT SHE is PREGNANT

Ikinuwento rin ni Ryza na nang malaman niyang buntis siya ay naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Continue reading below ↓

“April 3 po, nag-P.T. [pregnancy test] ako, pero hindi po siya malinaw.

"Kasi yung isang guhit, malabo.

"April 9 ko na po nalaman na pregnant po ako."

Sa madaling salita, it’s a quarantine baby?

"Yes, yes po!" bulalas ni Ryza.

"Talagang gumawa kami ng paraan para magkaroon ng pass para malaman.

"Kasi, nakatatakot na baka nga buntis ako, tapos hindi namin maalagaan."

Nasa plano ba talaga nilang magka-baby na?

Ayon kay Ryza, handa na siyang maging isang ina.

Nag-alala kasi siya noong baka hindi mabiyayaan ng anak dahil nagkaroon siya ng problema sa uterus.

“Well, dati pa naman po, di ba, yun naman po ang hinihiling ko.

"Kasi, di ba, minsan, napi-feel ko na napi-pressure ako sa mga friends ko, na ako na lang po.”

Ang tinutukoy niyang mga kaibigan ay sina Chynna Ortaleza, LJ Reyes, at Isabel Oli na pawang may mga asawa't anak na.

“Parang tinanggap ko na, hindi ako mabubuntis!” natawang sabi ni Ryza.

Continue reading below ↓

“Pero yun nga, nalaman ko na binigyan ako ng blessing ni Lord.”

Pero inamin ng aktres na kinabahan siya nang malaman niyang nagdadalantao siya.

“Actually, mixed emotion,” pakli ni Ryza.

“Hindi ako naniniwala, kinabahan ako.

"Ang una kong tinawagan, yung handler ko. Sinabi ko agad sa kanya.

"Kasi, pumasok agad sa isip ko yung dalawang movies na naka-pending na ginagawa ko.

"Naabutan kami ng lockdown.”

Ang manager ni Ryza na si Veronique del Rosario ang isa sa mga una niyang sinabihan, at nag-sorry rin daw siya.

“Nag-sorry po ako kasi meron nga po akong ginagawang movie, tapos biglang ganun ang nangyari.

"Siyempre, nahiya po ako.

“Pero sabi naman po niya, blessing iyan, naiintindihan naman daw po nila, huwag ko na lang daw isipin. 'Mag-iingat ka.'”

Ang dalawang pelikula ni Ryza ay ang Sa Muli at ang Kunwari Mahal Kita, na babalikan daw niya ang shooting sa 2021.

TO HER FANS AND BASHERS...

Sa huli, sinabi ni Ryza na inaasahan na niyang hindi mawawala ang mangba-bash sa kanya.

Continue reading below ↓

“Siyempre po, lalo na po ngayon, sobrang dami nilang time na mang-bash!” natatawang sabi niya.

Pero ang mga tagahanga niya, umaasa ang aktres na magiging masaya para sa kanya ang mga ito.

“Ang message ko po sa mga fans, sana happy sila, kasi happy naman po ako.

"Matagal ko naman pong dinasal ito kaya, yun nga, sana ay maging masaya na lang po sila sa akin, at ipagdasal po kami na maging okay ng anak ko sa sitwasyon ngayong pandemic.

“At sa mga mangba-bash, God bless.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on admitting that she is pregnant: "Kung hindi ko rin naman po kasi aaminin ang totoong sitwasyon ko, ako rin naman po ang mahihirapan. Kapag lalabas ka, kailangan mo pang magtago. Mas maganda yung wala kang iniisip kung lumalabas ka or may gusto kang gawin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results