PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janine Gutierrez grills dad Ramon Christopher about his love life: “Do you want to get married again?”

Janine Gutierrez recalls time when her dad was heartbroken.
by Bernie V. Franco
Published Jul 1, 2020
Janine Gutierrez dad Monching
Actress Janine Gutierrez asks father Ramon Christopher if he has a special someone and if he is willing to marry again.
PHOTO/S: YouTube (Janine Gutierrez

Ginisa ni Janine Gutierrez ang love life ng ama niyang si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez, 49.

Tinanong ni Janine ang kanyang tatay kung may karelasyon ba ito ngayon at kung may balak pa ba siyang magpakasal uli.

May 17 taon nang hiwalay si Monching sa ina ni Janine na si Lotlot de Leon, 49.

Apat ang anak nina Monching at Lotlot—sina Janine, 30; Jessica, 29; Diego, 23; at Maxine, 19.

Nakapag-asawa na muli si Lotlot.

Ikinasal siya sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury noong December 2018.

Sina Monching at Lotlot ay parehong anak ng showbiz royalty.

Si Monching ay anak ng Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales sa veteran actor na si Eddie Gutierrez.

Si Lotlot naman ay adopted daughter ng Superstar na si Nora Aunor at ng dramatic actor na si Christopher de Leon.

JANINE PUTS DAD IN THE HOT SEAT

Tampok si Monching sa Youtube video na in-upload ni Janine noong Father’s Day, June 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nagbato si Janine ng random questions sa ama.

Tanong ni Janine: “Do you want to get married again?”

Mabilis na sagot ni Monching: “No.”

Janine: “You don’t want na?”

Monching: “Yeah.”

Sanay na raw si Monching maging single at kuntentong makasama ang kanyang mga anak.

“I’m sanay na.

“I’m sanay na to be binata… tapos with you lang, okay na,” pagtukoy ni Monching sa mga anak.

Sundot ni Janine, may “chicks” ba si Monching?

“Sometimes. Oooops…” may agam-agam na sagot ng aktor.

Ibinuko naman ni Janine na wala pang ipinapakilalang babae sa kanilang magkakapatid ang ama.

“Actually, we haven’t met anyone. Papa never introduced a girl or anything,” pambibisto ng Kapuso actress.

Pabiro pang naghamon si Janine na magpakilala kung sino man ang secret girlfriend ng ama.

“So if you would like to come forward, please comment in the comment section,” ani Janine.

“No!” natatawang sagot ni Monching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbiruan ang mag-ama dahil tila ninerbiyos si Monching.

“Nabasa yung kili-kili ko, e,” sabi ng aktor.

HOT STORIES

JANINE RECOUNTS DAD’S “EMO” MOMENT

Ikinuwento rin ni Janine nang dumaan noon si Monching sa pagiging “emo” o emotional.

Hindi naman tinukoy ni Janine kung bakit naging “emo” ang ama.

Lahad ni Janine, “Papa used to be emo. It was really funny.

“Papa was emo for, like, a few years.

"He would sit in his car and listen to John Mayer on full blast,” pagtukoy niya sa sumikat na American singer.

Umalagwa ang international career ni John Mayer simula noong 2002 hanggang sa mga sumunod na taon.

Taong 2002 nang magkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagkakalabuan nina Monching at Lotlot.

Thirteen years old pa lamang noon si Janine.

Pagkatapos pag-usapan ang “emo” stage ni Monching, tinanong ni Janine ang ama kung ano ang payo nito sa mga heartbroken.

Sagot ni Monching, “Wala lang, tuluy-tuloy lang…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“If they find someone else that they want to be with, they go.

“If okay naman sila na mag-isa lang sila… ‘tapos ganun, okay na sila dun sa mga nangyayari sa buhay nila, okay lang.

“Kung saan kayo masaya, yun ang gawin ninyo.”

Sa video, pinag-usapan din ng mag-ama nang ipagbuntis ni Lotlot si Janine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong 19-anyos lang sina Lotlot at Monching nang isilang si Janine.

Sabi ng aktor, “true love” niya si Lotlot at gusto niyang maikasal sila kahit mga bata pa sila noon.

MONCHING AND LOTLOT ON GOOD TERMS

Bagamat halos dalawang dekada nang hiwalay sina Lotlot at Monching, nananatili raw maganda ang kanilang turingan para sa kapakanan ng mga anak.

Sa YouTube video ni Janine noong June 7, kasama ang tatlong kapatid, hinarap nila ang tanong kung sino sa kanila ang gustong magkabalikan pa ang mga magulang nila.

Nanatiling tahimik ang apat.

Ayon kay Janine, nagpapasalamat siya dahil nananatiling maayos ang relasyon ng kanilang mga magulang kahit hiwalay na.

“We’re really lucky because our parents still get along, and then whenever it’s someone’s birthday, or graduation, Christmas, New Year, they hang out together.”

Noong March 2018, may Instagram post si Lotlot tungkol sa co-parenting nila ni Monching.

Dumalo noon ang dating mag-asawa sa high school graduation ng bunso nilang si Maxine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption, inilahad ni Lotlot na isinasantabi nila ni Monching ang kanilang pride at mapait na pinagdaanan para sa mga anak.

Pagdating daw sa mga bata, umiiral ang kanilang pagiging mga magulang.

“It’s never about us... but always about our children,” sabi ni Lotlot.

“We have gone through way too much pain, arguments and misunderstandings.

“It wasn’t easy but we both have learned that for the sake of our children our PRIDES should always be set aside.

“Never namin pinagkait ang mga anak namin sa isa’t isa.

“Pagdating sa mga bata it was always a mutual decision.

“We are parents first. Respect.

“That is why sa mga ganitong pagkakataon nagpapasalamat ako sa dios na ginabayan nya kame and I’m thankful that our children are where they’re supposed to be.”

Pinasalamatan pa ni Lotlot ang noon'y boyfriend pa lang niyang si Fadi, dahil sa pagiging maunawain daw nito.

“I’m also very grateful to Fadi the person who God have blessed me to be with for being so loving and supportive. Salamat, Mahal!” mensahe ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MONCHING AND LOTLOT BREAKUP

Unang napaulat ang pagkakalabuan nina Lotlot at Monching noong 2002.

Nang sumunod na taon, 2003, napaulat ang paglisan ni Lotlot sa tahanan nila ni Monching sa New Manila, Quezon City, malapit sa bahay ng ina ng aktor na si Pilita Corrales.

Ang usap-usapan noon, nais ni Lotlot na maging financially independent dahil nakadepende pa rin umano si Monching kay Pilita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumalik noon sa pagtatrabaho si Lotlot.

Noong March 2004, nagkaroon ng iringan sina Pilita at Lotlot dahil sa mga salitang binitiwan ng Asia’s Queen of Songs sa interview niya sa defunct entertainment talk show ng GMA-7 na Startalk.

Ani Pilita, sana raw ay makahanap si Lotlot ng boyfriend “with lots of money.”

Makaraan ang isang linggo, sa defunct ABS-CBN entertainment talk show na The Buzz, inilabas ni Lotlot ang kanyang sama ng loob dahil sa sinabi ng mother-in-law.

Saad niya, "I have a high respect for my mother-in-law that’s why I’m hurt by what she said. She knows who I am and what kind of person I am."

Nito lamang February 2020, nagkaroon uli ng iringan sina Lotlot at Pilita.

Nagsimula ito dahil sa December 2019 tweet ni Janine tungkol sa pagbabalik-telebisyon ng actor-politician na si Bong Revilla.

Nagkataong parehong nasa bakuran ng GMA-7 sina Janine at Bong.

Sa isang online talk show noong February 4, 2020, sinabi ni Pilita na pinagsabihan daw niya ang apong si Janine dahil sa tweet nito laban kay Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabukasan, February 5, sa pamamagitan ng Facebook, kinastigo ni Lotlot si Pilita.

Bagamat may hidwaan ang kanyang ina at lola, maayos ang relasyon nina Janine at Pilita.

Sa katunayan, naging guest ni Janine si Pilita sa kanyang Youtube video nito lamang April.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Janine Gutierrez asks father Ramon Christopher if he has a special someone and if he is willing to marry again.
PHOTO/S: YouTube (Janine Gutierrez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results