Umamin ang baguhang singer na si Miguel Odron na siya ay gay.
Inilabas niya ang kanyang “coming out story” sa pamamagitan ng Instagram noong June 30, ang huling araw ng Pride Month.
Dito ay ipinaliwanag ng 25-anyos na singer-songwriter kung bakit nagdesisyon siyang hindi ipaalam sa publiko ang tungkol sa kanyang sexual orientation.
Nakilala si Miguel nang sumali siya sa Idol Philippines, ang reality singing competition ng ABS-CBN, noong 2019.
Sa audition pa lang, nagmarka na si Miguel sa judges na sina Regine Velasquez, Vice Ganda, Moira dela Torre, at James Reid.
Malaki kasi ang kanyang pagkakahawig kay James Reid.

Si Miguel ay hinirang na fifth placer sa Idol Philippines, kung saan si Zephanie Dimaranan ang itinanghal na grand winner.
MIGUEL’S COMING OUT STORY
Sa kanyang mahabang Instagram post, nilagyan ito ni Miguel ng titulong “MY COMING OUT STORY.”
Ayon sa singer, hindi niya kinailangang umamin noon dahil "my mom just knew."
Lahad pa ni Miguel, “In college, I fell in love with a boy and brought him home, and that was that. No questions asked.
“The news spread in my family, so I never really got to experience that big coming out moment. Until now I guess.”
Sa simula pa lang daw ay nakipag-usap na siya sa producers ng Idol Philippines na huwag nang pagtuunan ang kanyang pagiging gay.
Pero paglilinaw ni Miguel, “To be clear, I’ve never been ashamed of being gay.
“Everybody in my close circle knows and accepts me and anybody who doesnt is no longer in that circle.”
Malaki raw ang pasasalamat ni Miguel sa Star Music na nauunawaan ang kanyang pinanggagalingan.
Ang Star Music ay ang music label ng ABS-CBN.
Saad niya, “I made that choice on Idol not because I wanted to present a fake version of myself to all of you, but because I wanted your focus to be on my voice, my music and my writing.
“Being gay is as interesting to me as the number of hairs on my head or the size of my feet.
“I thought it would just be a distraction from the music.”
MIGUEL'S MUSIC
Gayunpaman, sa paglabas daw ng mga kanta ni Miguel naging mahirap nang hindi harapin ang topic.
"I'm finding it harder and harder to stay quiet about this," paliwanag niya. “My music is very autobiographical.”
Sa katunayan daw, may fans na natutunugan na ang totoong pagkatao niya dahil sa pakikinig sa kanyang mga kanta.
Sabi nga ni Miguel, "[It's] also made me realize how irresponsible it is for me to stay silent about this.
“I’ve tried to live with radical authenticity for most of my adult life, and to have suddenly put myself in a closet I was never in is a really weird experience.”
Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang supporters kung hindi siya nagpakatotoo noong una.
Pero, paglilinaw ni Miguel, hindi niya itinanggi ang kanyang sekswalidad. Nanahimik lamang siya.
Sabi ng Idol Philippines fifth placer, “If youve supported me and you feel hurt reading this or you feel lied to, I am sorry that you feel this way and I am still so thankful for the support all of you have given.
“I wanna make it clear that I never lied about my sexuality, I never pretended to be straight.
“I chose to stay quiet about a very small but very personal part of me.
Paalala ni Miguel sa kanyang fans, “I am still the same person. It would be a nightmare for any of you to listen to my songs with a 'Miguel is gay' lens.
“My songs are meant to be mirrors to your own experiences, and I hope it stays that way.”
Noong 13-anyos pa lamang siya, lumipad si Miguel, kasama ang ina at kapatid na lalaki, sa Indiana, U.S.A., at doon na nanirahan.
Noong 2019, bumalik siya sa Pilipinas at sumali sa Idol Philippines sa paghahangad na makilala bilang isang singer.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
