PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Manalo to Congress: "Ano po bang gusto niyo? Padapain ang network?"

Bianca Manalo asks Congress: "Pano na yung mga nagtatrabaho? Wala na?"
by Arniel C. Serato
Published Jul 2, 2020
Bianca Manalo appeals to lawmakers about ABS-CBN's plight: "Congress of the Philippines... puso naman po. 5 million na ang walang trabaho.. mag tulungan po naman sana tayo.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram / Jerome Manalo

Nakikiusap si Bianca Manalo sa mga mambabatas na magkaroon naman sana sila ng puso para sa mga tauhan, talents, manggagawa, at empleyado ng ABS-CBN.

Ito ay kasunod ng pag-shutdown noong June 30 ng digital broadcast ng ABS-CBN TV Plus at SKY Direct, mga kumpanyang pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation.

Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, July 2, nagsumamo ang beauty queen-turned-actress sa mga kongresista dahil milyun-milyong Pilipino na aniya ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Huwag na raw sanang dumagdag pa rito ang mga tauhan ng ABS-CBN.

Sabi ni Bianca sa kanyang post, “Congress of the Philippines... puso naman po. 5 million na ang walang trabaho.. mag tulungan po naman sana tayo.”

Kalakip ng mensahe ng Ang Probinsyano actress ang pakiusap sa Kongreso ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Nakalagay sa quote card ang sinabi ni Katigbak sa ABS-CBN franchise hearing noong June 29.

“Hirap na hirap po ang empleyado namin. Unang-una, sa panahon ng pandemya, mahirap talaga makahanap ng panibagong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If you are retrenched and laid off, you will have to deal with fear and anxiety of not knowing how you will continue to provide for your family.

“Most of our employees are going through this right now, and I wish we could give them the assurance that everything will be okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“ANO PO BA ANG GUSTO NIYO?”

Sa isa pa niyang post, ibinahagi ni Bianca ang full statement ng ABS-CBN hinggil sa pagpaparasa ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN TV Plus at SKY Direct.

Dismayadong pahayag ni Bianca (published as is): “Lahat nalang? Ano po bang gusto niyo? Padapa-in ang network? O tapos po?”

Dagdag niya, paano na raw yung mga taong mawawalan ng trabaho.

Kinuwestiyon din ni Bianca ang pangako ng gobyerno na tulong sa mamamayan.

Dagdag pa niya, “Pano na yung mga nag t-trabaho? Wala na?

"Akala ko ba minsan niyong sinabi na ‘huwag kayo mag-alala, andito ang gobyerno para tulungan kayo. Huwag kayo matakot.’”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ngayon, wala pa ring linaw kung kailan matatapos ang pagdinig ng Kongreso sa ABS-CBN franchise renewal bills.

Ngayong araw, nasa ika-11 araw na ang pagdinig ng Mababang Kapulungan ukol sa prangkisa ng istasyon.

Hayagan at malalim ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN dahil hindi inilabas ng network ang lahat ng campaign ads nito noong huling presidential election bagamat bayad na ang mga ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Manalo appeals to lawmakers about ABS-CBN's plight: "Congress of the Philippines... puso naman po. 5 million na ang walang trabaho.. mag tulungan po naman sana tayo.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram / Jerome Manalo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results