PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas puts bashers in place who tell her "wag ka na makisawsaw" in ABS-CBN issue

K Brosas: "Mapapa shutanginamez ka pa rin!!! Haaayyy!!!!"
by Rachelle Siazon
Published Jul 3, 2020
Comedienne K Brosas insists it's her right to voice dismay about the ABS-CBN shutdown and announce her complaints about the government.
PHOTO/S: @kbrosas Instagram

Hindi napigilan ni K Brosas na sagutin ang mga "epal" na nagsasabing tigilan na niyang maglabas ng hinaing laban sa gobyerno.

Ito ay matapos ihayag ni K na napamura siya dahil sa kalbaryong dinaranas ng ABS-CBN.

Noong June 30, ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-ere ng Kapamilya shows sa ABS-CBN TV Plus at Sky Direct satellite transmission via Channel 43.

Lubha itong ikinalungkot ni K, base sa kanyang Instagram post noong araw na iyon.

"Iba yung bigat SA puso ang araw na to.. pinipilit kong tumawa at magpatawa pa rin pero mapapa shutanginamez kapa rin!" bulalas ni K.

Tila frustrated pang dagdag niya, "Haaaay!!!! Covid ang kalaban baka naka kalimutan nila... Isang mahigpit na yakap kapamilya!"

Kalakip nito ay sad emoji at red, blue, and green hearts na sumisimbolo sa trademark logo colors ng ABS-CBN.

Sa caption, sinabi ni K na in-off niya ang comments section sa kanyang post dahil "baka mag amok nako pag May epal" na bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay K, may "epal" na pilit siyang pinatatahimik sa pakikisimpatiya niya sa Kapamilya network.

Sabi pa niya, "(I’m sure meron yan kaya ako na adjust) .. kapagod naaaaaaaa!!!"


HOT STORIES

"punta ka sa twitter ko... para mabwisit ka"

Kagabi, July 3, ipinost ni K sa Twitter ang screenshot ng pagsagot niya sa Instagram commenter na hindi raw gusto ang pambabatikos niya sa gobyerno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tweet ng Umagang Kay Ganda co-host: "Mula SA Instagram ko.. magpatawa na Lang daw ako lol!

"Sarap sampalin ng mejo kababayad ko Lang na tax na dimunyu!!

"Karapatan ko yan hindi para Lang 'makisawsaw' shuta! Ewan din!"

Base sa screenshot, sabi ng Instagram commenter kay K, "Sana lagi ka na lang magpatawa at wag ka na makisawsaw sa pulitika."

Tila kaugnay ito ng pakikisimpatiya ni K sa ABS-CBN, dahil ito ang recent post niya sa Instagram.

Hindi naman nagpatinag ang komedyana.

Ininis pa niya lalo ang Instagram commenter at sinabing nasa Twitter niya ang kanyang mga hinaing sa gobyerno.

Buwelta ni K (published as is): "punta ka SA twitter ko don ako madaldal sa kaganapan NG gobyernong ito.. para ma bwisit ka lol...

"at pls makitawa kana lang wag kang makialam SA kung ano post ko kc kahit patawa ako NG patawa hindi ako bulag at May boses ako na karapatan nating lahat ganneerrnnn! Bow!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

K'S REACTIONS TO abs-cbn franchise HEARINGS

Kung susuriin ang recent Twitter posts ni K, may ilang beses din siyang naghayag ng suporta sa ABS-CBN.

Dismayado si K sa panggigipit ng ilang kongresista sa Kapamilya network sa ongoing hearings ng prangkisa nito.

Napapalatak na lang ang comedian-singer nang mabasa ang public apology ni Cavite 7th District Representative Jesus Crispin Remulla, hinggil sa ikinilos niya sa flag ceremony sa Kongreso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huli sa isang viral video na nagsusulat ng notes ang mambabatas sa halip na magbigay-galang habang pinatutugtog ang Philippine National Anthem.

Bahagi ng statement ni Remulla: "As usual, the ABS-CBN people are the ones playing it up now on social media. But I will forgive them.

"Ang sa akin ho, I wrote the note-hindi ko ho excuse 'to-because something went into my mind for the questions I will ask tonight...

"Ako'y humihingi ng dispensa sa ating mga kababayan."

Kalakip ng rolling eyes emojis, tweet ni K noong July 2, "Nag sorry pero abs cbn pa rin ang bagsak NG sisi?! Tsk tsk.."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react din si K sa viral quote ng isa pang kongresista na huwag masyadong bilisan ng ABS-CBN ang makabagong teknolohiya sa broadcasting operations nito.

"Kung minsan po ang ating pamahalaan ay hindi masyadong nakakahabol," sabi ni SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta kay ABS-CBN President Carlo Katigbak sa Congress hearing noong June 29.

Patungkol ito sa ABS-CBN TV plus at pay-per-view services na wala pa aniyang nakasasaklaw na batas sa ngayon.

Tweet ni K noong June 30, "Ano daw?? #IbalikAngABSCBN"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang may netizen na kumuwestiyon kay K sa pasimpleng pagkontra niya kay Marcoleta, sagot lang ni K, "Haaaa????"


"GAANO KA KA BUNGOL?"

Pero hindi lang ang umano'y pang-iipit sa ABS-CBN franchise renewal ang hinaing ni K.

May iba pang current events, na aniya, dapat mas maging mapagmasid ang taumbayan.

Hindi raw dapat maging bungol o bingi-bingihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ni K pasado alas dose ng hatinggabi ng July 3 (published as is):

"SA daming palpak na nangyayari, Mula mananita, despedida, swimming etc..

"iba priority imbes covid keme, Di sumunod SA batas na sila nagsabi na sumunod, pero pag ordinary na tao kulong agad o mas Malala pa..

"ang dami NG nag iingay at sumisigaw.. Gaano ka ka bungol?? Nyt!"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne K Brosas insists it's her right to voice dismay about the ABS-CBN shutdown and announce her complaints about the government.
PHOTO/S: @kbrosas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results