PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza smartly uses trivia to answer ABS-CBN critics

Kim Atienza engages with ABS-CBN critics by using his trivia knowledge.
by Bernie V. Franco
Published Jul 3, 2020
Kuya Kim
TV host and weather anchor Kim Atienza responds to critics of ABS-CBN in the manner he is best known for—through trivia.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram

Hindi nagpadala sa init ng ulo si Kim "Kuya Kim" Atienza, 53, kahit sunud-sunod na panlalait at pambubusko ang ipinupukol sa kanya ng mga kontra-ABS-CBN.

Kung ang ibang Kapamilya stars ay pumapatol sa mga batikos, ibang approach ang ginamit ni Kuya Kim.

Sinagot ng TV host ang mga kritiko sa paraang nakilala siya—ang pagbibigay ng trivia.

Ginamit ng TV host at weather anchor ang kanyang pagiging trivia master sa pagsagot sa bashers.

Si Kuya Kim ay may higit four million followers sa Twitter.

Bukod sa pagiging It’s Showtime co-host, regular na napapanood si Kuya Kim bilang weather man ng ABS-CBN primetime newscast na TV Patrol.

ALAM NIYO BA NA ANG AMO ay...

Nitong weekend, isang Bible verse ang ipinost ni Kuya Kim sa Twitter.

Sa comments section, may pangungutya ang padasal na tweet ng isang netizen: “AND LORD REPLIED, ‘Enough my son. You’re AMO had enough. Your network must be closed! I mean did you see the sin? How dare you tolerate it?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pa-trivia na sagot ni Kuya Kim: “alam niyo ba na ang AMO ay salitang Español na ang kahuligan ay ‘I Love' Amo te or Te amo means I love you.”

ANG CEDRIC AY....

Sinita rin siya ng isang netizen na may pangalang “Cedric."

Sabi nito kay Kuya Kim: “Pwede ba wag mong gamitin ang diyos. I’m sure alam ng diyos ang mga anomaliya na ginagawa ng abs kaya im sure masaya sya sa mga nangyayari ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sagot naman ni Kuya Kim: “ang Cedric ay isang fictitious name na inimbento ni Sir Walter Scott noong 1819 sa kanyang nobelang ‘Ivanhoe’”

ANG SALITANG ENCANTO...

Ganito rin ang ginawa ni Kim sa isa pang kritiko na kumutya sa ama niyang si BUHAY Partylist Representative Lito Atienza, na ipinaglalaban din ang pagbibigay ng bagong 25-year franchise sa Kapamilya network.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inakusahan ng netizen si Congressman Atienza na may personal interest daw kaya todo ang pagtatanggol sa ABS-CBN, sa kabila raw ng “exposed violations ng bulok na companyang yan.”

Ang twitter name ng netizen ay may salitang “engkanto.”

Reply sa kanya ni Kuya Kim: “Alam niyo ba na ang salitang Encanto sa Español ay charm ang kahulugan at walang kinalaman sa salitang pinoy na Engkanto, isang underworld supernatural character. Walang koneksiyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALAM NIYO BA NA ANG CORNY AY...

Gatong naman ng isa pa kay Kuya Kim: “Wala na kayo sa ere..buti naman para mabawasan ang korning nagtatali talinuhan lang…”

Sagot ni Kuya Kim: “Alam niyo ba na ang corny ay nangangahulugan na ang joke ay promdi o provincial o mula sa isang corn farmer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER TRIVIA FACTS

Narito pa ang ilang pambabatikos sa ABS-CBN na sinagot ni Kuya Kim sa pamamagitan ng trivia facts:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KUYA KIM'S STAND ON DEALING WITH CRITICS

Sa ilang tweets, naipaliwanag ni Kuya Kim kung bakit hindi niya pinapatulan ang galit ng bashers.

Nagtanong ang isang netizen kung maling umalma kapag below the belt na ang tira.

Sagot ni Kuya Kim, lalo lamang magagatungan ang hindi pagkakaunawaan kung hindi ito titigil.

Buong tugon niya: “I’m a Christian. My advice would be what Christ teaches.

“Love your enemy (bullies) and pray for those who persecute you (bashers) It may seem illogical and counter intuitive but this is the only way to stop the cycle of hate.”

Sa isa niyang sagot sa isa pang netizen, nabanggit ng TV host na hindi siya naniniwala sa pagganti sa kapwa.

Sabi niya: "an eye for an eye, if we all followed this, bulag na tayong lahat. No exeption."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host and weather anchor Kim Atienza responds to critics of ABS-CBN in the manner he is best known for—through trivia.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results