PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso star Eugene Domingo posts words of comfort amid ABS-CBN shutdown

Kapuso star Eugene Domingo has a message for her Kapamilya friends.
by Rachelle Siazon
Published Jul 3, 2020
Kapuso star Eugene Domingo to her friends and former colleagues in ABS-CBN: "Ang sigurado ko lang ay gusto ko kayong yakapin."
PHOTO/S: trulli via @eugenedomingo_official Instagram

Simple pero madamdamin ang pagpapaabot ni Eugene Domingo ng lakas ng loob sa mga kasamahan sa industriya na tiga-ABS-CBN.

Si Eugene ay Kapuso actress-host na napapanood sa weekly comedy anthology na Dear Uge.

Ngayong Biyernes, July 3, ni-repost ni Eugene ang quote na nagpapakita ng suporta sa Kapamilya network.

May written text ito na "ISANG MAHIGPIT NA YAKAP ABS-CBN" at hug emoji na nakayakap sa logo ng network.

Masalimuot ang imbestigasyon ng Kongreso sa mga isyung may kinalaman sa hinihinging franchise renewal ng ABS-CBN.

Pero sabi ni Eugene, "I may not understand many things because it is difficult for my small brains already...

"Ang sigurado ko lang ay gusto ko kayong yakapin. #industrylove."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EUGENE'S PROJECTS IN ABS-CBN AND gma-7

Noong panahong nasa ABS-CBN pa si Eugene, nakilala siya sa galing niya sa comedy bilang sidekick ni Ai-Ai dela Alas sa mga pelikulang Ang Tanging Ina Mo, Ang Cute Ng Ina Mo, at Ang Tanging Ina Mo Last Na 'To.

Kabilang din siya sa mga ABS-CBN series na Marina, Kampanerang Kuba, at Kokey.

First lead role ni Eugene ang box-office film na Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme noong 2009.

Sa GMA-7, pinagbidahan niya ang Kapuso series na Jejemom at naging main TV host ng Celebrity Bluff.

OTHER STARS SUPPORTING ABS-CBN

May iba ring Kapuso stars na naghayag ng suporta sa ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng Aktor, ang bagong tatag na League of Filipino Actors, naglabas ang grupo ng official statement tungkol sa layunin nilang malayang bumuo ng kwentong makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Nais din nilang magkaroon ng "organisadong tinig" sa mga mahahalagang isyu na makakaapekto sa film and TV industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rito ay ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa TV and radio broadcast operations ng ABS-CBN noong May 5.

Na nasundan ng pagpapatigil sa pag-ere ng Kapamilya shows sa ABS-CBN TV Plus at Sky Direct via Channel 43, noong June 29.

Bahagi ng statement ng Aktor: "Ipinasara ng NTC, base sa kwestyonableng opinyon ng Solictor General, ang ABS-CBN sa paraan na kaduda-duda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At habang mabagal at magulo ang proseso ng pagdinig, apektado na nang pagsara ng operation ng pinakamalaking media outlet ang 11,000 manggagawa at empleyado nito."

Mayroong 30 members ang Aktor. Kabilang sa grupo ang Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Glaiza de Castro, Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Gabby Eigenmann, Lauren Young, at Mikoy Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Eugene Domingo to her friends and former colleagues in ABS-CBN: "Ang sigurado ko lang ay gusto ko kayong yakapin."
PHOTO/S: trulli via @eugenedomingo_official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results