Johnny Manahan to congressmen: "The Marcoses stole ABS-CBN from the Lopez family in 1973! Please do not steal it again!!!"

by Erwin Santiago
Jul 5, 2020
Johnny Manahan: "ABS-CBN is not perfect. No one said it was. It is open to criticism and is willing to correct mistakes and take concrete steps to improve itself. So let us not throw away the baby along with the bathwater!!!"

"The Marcoses stole ABS-CBN from the Lopez family in 1973! Please do not steal it again!!!"

Ito ang matalim na pakiusap ni Johnny Manahan sa mga kongresista na desididong ipasara ang ABS-CBN.

Si Manahan ang kasalukuyang chairman emeritus ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na responsable sa career ng mahigit 300 artista ng pinakamalaking broadcast station sa Pilipinas.

Sa open letter niya sa "gentlemen of congress," na ibinahagi sa social media accounts ng Star Magic ngayong Linggo, July 5, sinariwa ni Manahan ang halos limampung taon niya sa entertainment industry.

Bago pinamunuan ang Star Magic, iba't ibang klase ng trabaho ang ginawa ni Manahan sa Kapamilya network.

Bungad niya, "I am Johnny Manahan. Next year will be by 50th year in the Entertainment Industry.

"In the 1960's I attended the dedication of the ABS-CBN studios in the Bohol Ave. address and started my career as a gofer, designer, music coordinator, crane operator, floor director and finally as a Director in 1970."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang martal law, kabilang ang ABS-CBN sa mga kompanyang kinamkam ng gobyerno noong 1973.

Dahil dito, sa loob ng 13 taon, naging "Indie/Freelancer" si Manahan sa lahat ng TV channels sa Pilipinas—2, 4, 5, 7, 11, at 13.

Nang mapatalsik ang mga Marcos noong 1986, sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution, kabilang si Manahan sa umakyat sa pader upang palayain ang ABS-CBN compound mula sa militar.

Kasama niya raw noon ang dating APO Hiking Society member na si Jim Paredes at ang yumaong aktor na si Johnny Delgado.

Kasunod nito ang pagbabalik ni Manahan sa ire-relaunch noong ABS-CBN.

"... and when Freddie Garcia (FMG) asked me to transfer 2 of the highest rating shows I had in channel 13 to restart a sputtering ABS-CBN re-launch, this started my 34 years journey with the nascent ABS-CBN Corp."

Dito raw niya nakilala ang Lopez family at ang Lopez organizations.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Manahan, "None compares to them when it comes to a progressive, meritorious, compassionate and decent organization. Maybe the Ayala and Gokongwei gangs."

Ang mga Ayala at Gokongwei ang dalawa sa nangungunang business families sa Pilipinas.

GANG OF 4

Kasunod nito ay pinatamaan ni Manahan ang tinawag niyang "Gang of 4" na gustong tapusin ang "long run" ng ABS-CBN.

Ito ay sa pamamagitan raw ng "niggling, petty-fogging, and hair-splitting, they have unearthed technicalities that only a talmudic scholar or medieval philosopher would appreciate."

Kabilang sa gumigisa sa ABS-CBN sa pagdinig sa Kongreso sina SAGIP Representative Rodante Marcoleta, Anakalusugan Representative Michael "Mike" Defensor, at Cavite Representatives Elpidio Barzaga Jr. at Jesus Crispin "Boying" Remulla.

Sa kabilang banda, sabi ni Manahan, "ABS-CBN is not perfect. No one said it was.

"It is open to criticism and is willing to correct mistakes and take concrete steps to improve itself.

"So let us not throw away the baby along with the bathwater!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huling bahagi ng kanyang open letter ay nakiusap si Manahan sa mga mambabatas na bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Pahayag ni Manahan: "It was right to bring to light the true conditions of the workplace and the pittance received by technical crews and artists working 22-24 hours per day. You got that right Cong. Mike!

"I hope you, Cong. Boying and your fellow lawmakers in the committee and in the House as a whole appreciate the ABS-CBN record of Entertainment and Public Service and find it in your hearts to grant a re-issue of the ABS-CBN franchise.

"Millions of people around the world depend on it."

Diin niya sa huli: "The Marcoses stole ABS-CBN from the Lopez family in 1973! Please do not steal it again!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas, July 6, ay muling didinggin sa Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Inaaasahang pagkatapos nito ay magbobotohan na ang mga miyembro ng committee on legislative franchises kung bibigyan nila o hindi ng prangkisa ang network.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan: "ABS-CBN is not perfect. No one said it was. It is open to criticism and is willing to correct mistakes and take concrete steps to improve itself. So let us not throw away the baby along with the bathwater!!!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results