Nakiisa si Lauren Young sa panawagan ng ABS-CBN supporters na paboran ng Kongreso ang pag-renew ng 25-year franchise ng ABS-CBN.
Si Lauren, 26, ay Kapuso actress na dating homegrown talent ng Kapamilya network.
Linggo ng tanghali, June 5, nag-tweet siya ng hashtags "#LabanKapamilya" at "#IbalikAngABSCBN."
Kalakip nito ang viral artcard na nagsasabing hindi man siya isa sa 11,000 employees ng ABS-CBN, kabilang siya sa mga Pilipinong nais patuloy na magserbisyo ang network.
Sabi pa sa art card: "I am one with them in calling our Congress to be true representatives of this country and to do what is right, and that is to grant the ABS-CBN franchise."

Ngayong Lunes, June 6, ang huling araw ng pagdinig sa Kongreso hinggil sa ABS-CBN franchise.
May isang netizen ang nagkomento na hanga siya sa pagiging "vocal" ni Lauren, na sumusuporta sa ABS-CBN kahit hindi na siya tiga-roon.
Sabi naman ni Lauren, utang niya sa ABS-CBN ang pagkakaroon ng showbiz career.
Pagbibigay-pugay pa ng Kapuso actress sa ABS-CBN:
"You should never forget where you come from. I owe my career to ABSCBN for giving me a chance and training me.
"Everything I learned there I was able to bring and apply to my work in GMA.
"I’ll always be grateful to them. #IbalikAngABSCBN #LabanKapamilya."

Si Lauren ay kabilang sa Star Magic Batch 13—ang roster of talents mula sa talent management arm ng ABS-CBN—na inilunsad noong 2006.
Naging bida siya sa remake ng prime-time series na Mula Sa Puso, kasama sina JM de Guzman at Enrique Gil, noong 2011.
Lumipat siya sa GMA-7 noong huling bahagi ng taong 2012.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
