Piolo Pascual gets flak for joining Direk Joyce Bernal in Sagada for SONA shoot

by Bernie V. Franco
Jul 6, 2020
Piolo Pascual, Joyce Bernal Sagada
Sagada Municipality makes public its refusal to have Joyce Bernal (far right) shoot videos in Sagada for reasons of safety. Sources say that Piolo Pascual was with the director's advance team. (Center) Director Joyce having a dialogue with the health task force of Sagada.
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual, Raymundo Basco, Joyce Bernal)

Hindi pinayagang kumuha ng video ang grupo ng film and TV director na si Joyce Bernal sa Sagada, Mountain Province.

Ang video ay gagamitin ng direktor para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27.

Si Joyce, 52, ang muling magdidirek ng SONA ng Pangulo.

Ngayong Lunes, July 6, lumutang ang impormasyon ng pagdayo ng grupo ni Direk Joyce sa Sagada para sa video shoot.

Lumutang din ang impormasyong hindi sila pinayagan ng local government unit (LGU) ng Sagada bilang safety measure dahil sa kinakaharap na health crisis ng bansa ngayon.

Halos siyam na oras ang biyahe mula Maynila papuntang Sagada.

PIOLO IS TRENDING

Ayon sa mga lumabas na impormasyon, kasama sa grupo ni Direk Joyce ang aktor na si Piolo Pascual.

Hindi malinaw kung ano ang partisipasyon ng aktor sa pakay ni Joyce sa Sagada.

Pero dahil dito, trending topic si Piolo sa Twitter ngayong araw.

Continue reading below ↓

Maraming Twitter users ang nadismaya kay Piolo dahil nananatili pa rin daw itong tagasuporta ni Pangulong Duterte, sa kabila ng pinagdaraanan ngayon ng kanyang home network.

Inanunsiyo mismo ng Pangulo sa taumbayan na haharangin niya ang isang panibagong prangkisa para sa Kapamilya network, at minsan na ring sinabihan ng Pangulo ang mga may-ari na ibenta na lamang ito.

Si Piolo ang isa sa prized stars ng ABS-CBN, na ngayon ay nanganganib na tuluyang mawalan ng prangkisa.

Assumption ng marami, kasama si Piolo sa dapat sana'y gagawing shoot ni Direk Joyce para sa SONA material.

Bagamat malinaw ang pakay ni Direk Joyce sa pagpunta sa Sagada, wala namang kumpirmasyon kung bahagi rin si Piolo sa dapat sana'y gagawing shoot doon.

Malinaw na kasama si Piolo, pero posibleng may iba itong gagawin o kukunan.

Kung ganoon nga, maling-mali pa rin ang timing ni Piolo.

Kilala sina Piolo at Joyce bilang malapit na magkaibigan, nagkatrabaho na sila sa ilang proyekto, at magkasama pang nagtatag ng Spring Films, kasama ang talent manager na si Erickson Raymundo.

Ganunpaman, kilalang Duterte supporter si Direk Joyce.

At ngayong nasa bingit ng kamatayan ang ABS-CBN dahil kay Duterte, hindi naging maganda sa panlasa ng supporters ng ABS-CBN na nariyan si Piolo sa grupong may gagawin para sa SONA ng Presidente.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

MISCOMMUNICATION?

Ngayong Lunes ng umaga, sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng Sagada LGU ang pagpunta ng grupo ni Direk Joyce sa kanilang lugar.

Nakatanggap daw ang Sagada LGU ng request sa isang coordinator mula sa Malacañang Presidential Broadcast Staff-RTVM (Radio Television Malacañang).

Nakipag-coordinate daw ang coordinator sa mayor ng Sagada at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) ng lugar.

Nagtanong umano ang RTVM coordinator kung maaaring magtungo ang grupo ni Direk Joyce sa Sagada para kumuha ng video.

Nakasaad sa post, “Accordingly, video materials will be used in this year’s State of the Nation Address (SONA) scheduled on the 3rd Monday of July.

"Both declined the request.”

Sa kabila nito, tumuloy pa rin daw ang grupo ni Direk Joyce sa Sagada.

“On July 5, 2020, word was received that the team was on its way to Sagada,” ayon pa sa FB post ng LGU.

EMERGENCY MEETING

Pagdating ng grupo ni Direk Joyce, isang “emergency meeting” ang ipinatawag ng MDRRMMO, kasama ang Local Covid-19 Task Force at ang direktor.

Continue reading below ↓

Sa pulong, natuklasang nagpadala nga ang kampo ni Direk Joyce ng formal e-mail letter sa Sagada LGU, ngunit ito ay noong “after office hours on July 3, 2020, Friday.”

Nakasaad sa letter na darating sina Direk Joyce sa Sagada Linggo ng gabi, July 5.

Naka-attach din daw sa email ang authorization letter ni Wilfred P. Pabalan, executive director ng Malacañang Presidential Broadcast Staff-RTVM.

Nabanggit ng Sagada Municipality na ang advance party ni Direk Joyce ay escorted ng Philippine National Police sa tinuluyan nilang inn, ang Sagada Cellar Door.

Una raw nagpunta ang grupo ni Direk Joyce sa Sagada Heritage Village Inn, subalit tinanggihan sila “following the local guideline suspended/closed due to the COVID-19 pandemic.”

Sa pulong ng LGU kasama si Direk Joyce at ang manager ng inn, ipinaliwanag ng LGU ang desisyong huwag payagan ang request ng direktor.

Nabanggit nga raw ito sa kanilang response letter sa coordinator ni Direk Joyce.

Continue reading below ↓

“Direk Joyce clearly understood the decision of the body and she was apologetic,” ayon sa Sagada Municipality post.

Umapela raw si Direk Joyce na payagan silang magpalipas ng gabi sa inn “to ensure that their vehicles are ready for the long trip back to Manila.”

Tiniyak naman ng LGU na “our local COVID Task Force will be conducting monitoring activities for Cellar Door management to ensure that those in the establishment undergo a mandatory quarantine.”

Ayon naman sa isang concerned netizen na taga-Sagada, Lunes ng hapon ang pagtulak ng grupo ni Direk Joyce pabalik ng Maynila.

Continue reading below ↓

ALARMED CITIZENS

Consistent ang Facebook post ng LGU sa Facebook post ng Sagada Rural Health Unit.

Sa post ng health unit, nag-present ito ng “facts” tungkol sa insidente, dahil maraming taga-Sagada ang naalarmang may tagalabas na dadayo sa kanilang lugar.

Nakasaad sa post ng Sagada Rural Health Unit: “[It] was only yesterday [Sunday] when the task force was informed that Manila people were already in transit to sagada when they passed by Sinto”.

Ang Sinto ay isang barangay ng Bauko Municipality, na nadadaanan papuntang Sagada galing Manila.

Nabanggit din ng health unit: “14 people were included in the letter, but only 5 arrived yesterday as they were the advance party.”

Ipinost ng unit ang ilang larawang kuha ng pagpupulong nina Direk Joyce at ang LGU ng Sagada.

Makikita ang mga larawan sa Facebook post ni Raymundo Basco, Department of Interior and Local Government (DILG) local government officer VI.

Continue reading below ↓

SAGADA MUNICIPALITY LETTER

Nakipag-ugnayan ngayong Lunes ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maggie Capuyan Fokno, ang taga-Sagada na nag-post ng pagdayo nina Direk Joyce.

Pinadalhan kami ni Maggie ng signed copy ng formal letter ng pagtanggi ng Sagada Municipality sa request ni Direk Joyce makapag-shoot doon.

Mababasa sa liham ang mga dahilan kung bakit tumanggi ang LGU sa request ng direktor.

Una raw, nakasaad sa Section 16 of the Local Government Code of 1991 na ipatutupad ng LGU ang kapangyarihan nito “to ensure and promote the health and safety of its constituents;”

Pangalawa, nariyan ang Sangguniang Bayanihan Resolution No. 110 Series of 2020, na revised resolution kaugnay ng turismo at komersiyo sa Sagada.

Nakasaad dito: “A. Closure and/or Suspension of Tourism such as booking of guests by establishments, all tourist sites and other concerns related to tourism: and

“B. Entry of non-residents coming from red areas is not allowed.”

Pangatlo, bawal ang pagpasok ng mga taong “outside Mountain Province to Sagada has been effective in maintaining the municipality as a COVID-19-free community.”

Continue reading below ↓

Lahat daw ng ito ay pagsunod ng Sagada LGU sa safety rules at protocols upang mapag-ingatan ang munisipalidad sa panahon ng pandemya.

Maraming residente ang nangangamba sa mga tagalabas. Mababasa ito sa pang-apat na rason sa formal letter.

Nakasaad dito: “Sagada, being a 5th Class Municipality is not ready, specifically our health facilities, to accommodate the presence of COVID-19 case in the locality.”

Pirmado ang liham ni Felicito Dula, municipal vice mayor at officer-in-charge ng Sagada COVID-19 Task Force.

Continue reading below ↓

PIOLO IS PART OF DIREK JOYCE'S ENTOURAGE

Sa tulong ni Maggie, may mga source pang nagkumpima na kasama si Piolo sa advance team ni Direk Joyce.

Ipinadala rin sa PEP.ph ang isang screenshot kung saan mababasa ang pagkumpirma ng Sagada Municipality na kasama ang aktor sa five-member advance team na dumayo sa Sagada.

Nakasaad dito: “2 drivers, si Piolo Pascual, Joyce Bernal and another person were part of the advance party”

Nag-react naman si Sagada Mayor James Pooten hinggil sa insidente ngayong Lunes, ayon sa ulat ng SunStar Baguio via Facebook.

Quoted ang alkalde: “We hope to keep Sagada Covid free, hindi nakukuha sa palakasan ito, health kasi ng mga tao ang kailangan.”

Pinabalik ng mayor sa Maynila ang grupo ni Direk Joyce sa kabila ng pagkakaroon ng authorization letter nila mula sa Malacañang.

Ngayong umaga ay nagpadala ang PEP.ph ng direct message kay Direk Joyce, via Facebook at Instagram, upang kunin ang kanyang panig.

Continue reading below ↓

Sinubukan din naming kontakin si Erickson Raymundo, ang manager ni Direk Joyce, ngunit hindi siya sumasagot.

Nagpadala rin ang PEP.ph ng direct message kay Piolo.

Liban dito, nakipag-ugnayan kami sa Star Magic, ang talent-management arm na nangangalaga sa career ni Piolo, para sa reaksiyon ng aktor.

Kaagad daw kaming aabisuhan kung magbigay na ng reaksiyon ang aktor.

Ilalathala namin ang pahayag nina Piolo at Direk Joyce sa oras na makuha namin ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sagada Municipality makes public its refusal to have Joyce Bernal (far right) shoot videos in Sagada for reasons of safety. Sources say that Piolo Pascual was with the director's advance team. (Center) Director Joyce having a dialogue with the health task force of Sagada.
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual, Raymundo Basco, Joyce Bernal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results