PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza thanks father Congressman Lito Atienza for defending ABS-CBN

Kuya Kim to solon-dad: “Salamat ulit papa. I'm so proud of you.”
by Jet Hitosis
Published Jul 7, 2020
Kapamilya TV host Kim Atienza (right) is the eldest son of Buhay Partylist Representative Lito Atienza (left).
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN News, YouTube, @kuyakim_atienza on Instagram

Pinasalamatan ng Kapamilya TV host na si Kim Atienza ang amang si Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa pagbibigay-linaw nito sa mga isyung ibinabato sa ABS-CBN.

Sa tulong ng 78-year-old lawmaker, nalinawan sa franchise renewal hearing ng Kamara nitong Lunes, July 6, na tinutugunan ng ABS-CBN ang anumang reklamong kinakaharap nito sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Kinuwestiyon din ng nakatatandang Atienza ang “pagpapaliwanag” ni Deputy Minority Leader Janette Garin (Iloilo 1st District) sa kinasasangkutan nitong Dengvaxia controversy, gayung prangkisa ng Kapamilya network ang tinatalakay sa pagdinig.

Umani ng papuri si Congressman Atienza mula sa netizens sa ginawa niyang pagkumpronta sa kapwa kongresista.

Dahil dito, Lunes ng gabi, ay proud na nag-tweet si Kim para pasalamatan ang ama.

Tweet ng 53-year-old Matanglawin host: “salamat ulit papa. I'm so proud of you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lito Atienza ay nagsilbing mayor ng Maynila simula 1998 hanggang 2007.

Naging kalihim siya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong 2007-2009, sa termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

ABS-CBN’S REPORTING ON DENGVAXIA MESS

Tulad ng mga nakalipas na pagdinig para mabigyan ng 25-year legislative franchise ang ABS-CBN, pinukol ng mga kongresista ng mga tanong ang mga opisyal ng network.

Pero agaw-pansin ang mahaba at emosyonal na interpellation ni Garin, medical doctor at dating kalihim ng Department of Health (DOH).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inakusahan ng kongresista ng “public health misinformation” ang ABS-CBN.

Kinuwestiyon ni Garin ang pag-uulat ng network sa mga pagkamatay na iniuugnay sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia, batay sa aniya’y maling resource persons.

Huling bahagi ng 2016 nang sumambulat ang umano’y maanomalyang pagbili ng DOH sa Dengvaxia.

Nang mga panahong iyon, si Garin ang kalihim ng DOH.

Ang mas malala, natuklasan ng health experts na sa halip na magbigay-proteksiyon sa dengue, delikado ang epekto ng Dengvaxia sa mga hindi pa dinapuan ng nabanggit na sakit.

Maaari raw maging fatal ang dengue sa naturukan ng Dengvaxia, ayon sa World Health Organization (WHO) at sa mismong gumawa ng bakuna, ang Sanofi Pasteur.

HOT STORIES

ACCUSED OF “PUBLIC HEALTH MISINFORMATION”

Sa pagdinig kahapon, sinabi ni Garin na dahil sa aniya’y maling pag-uulat ng ABS-CBN sa Dengvaxia, duda na ang mga magulang sa lahat ng bakuna.

“Mas masahol pa sa COVID-19 ang public health misinformation,” sinabi ni Garin sa mga opisyal ng ABS-CBN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang sa mga dumalo sa hearing kahapon sina ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak, Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, at Integrated News and Current Affairs Head Ging Reyes.

Dagdag ni Garin, sakaling mabigyan ng panibagong prangkisa, dapat daw ituwid ng ABS-CBN ang paraan nito ng pagbabalita.

“If ever we grant them the renewal of their franchise, all of this should be looked into by ABS-CBN.

“Because when you manage a corporation, success is not measured by money.

“Success is measured by the real difference that you give to our people, not the difference that you mouth off on the presentations that you make," ani Garin.

COMPLAINTS VS KAPAMILYA NETWORK

Nang pagkakataon na ni Congressman Atienza para magtanong, inusisa niya si KBP President Jun Nicdao kung may natatanggap itong reklamo laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Nicdao, simula 2010 ay may 11 reklamo sa KBP laban sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling complaint sa network ay inihain daw noong 2013.

Sinabi ni Nicdao na walo sa 11 reklamo ang kaagad inaksiyunan ng ABS-CBN.

Kasunod nito, pinuna ng dating mayor ng Maynila kung paanong “monopolized” ni Garin ang pagdinig.

Ayon sa beteranong pulitiko, “one-third of this afternoon session” ang nakonsumo ng dating DOH secretary para talakayin ang isyung wala naman daw kinalaman sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Huwag mo nang masyadong ipaliwanag ang sarili mo,” nakangiting sabi ni Atienza kay Garin via Zoom.

Dapat paghandaan na lang daw ni Garin ang pagharap nito sa korte para depensahan ang sarili sa mga kasong may kinalaman sa Dengvaxia controversy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“PREPARE YOURSELF FOR YOUR LEGAL DEFENSE”

Ayon kay Congressman Atienza, inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pormal na pagsasampa ng kaso laban sa dating DOH secretary.

“The DOJ has already recommended your indictment for serious dereliction of duty, reckless imprudence resulting in the death of children,” sinabi ni Atienza kay Garin.

“You prepare yourself for your legal defense and not in these congressional hearings.

“Your cause and your case has got nothing to do with the ABS-CBN franchise application.”

Sakali raw mapatunayang nagkasala si Garin at ang iba pang kinasuhan sa kontrobersiya, may hiling si Congressman Atienza para sa kanila: “I hope you all rot in jail.”

Inulit ni Atienza na hindi sa pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal dapat magpaliwanag si Garin, kundi sa korte.

“Prepare yourself in court," aniya.

“Because you will find yourself soon enough defending your actuations when Dengvaxia was not properly applied to the children of the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EIGHT KIDS ALLEGEDLY DIED OF DENGVAXIA SHOTS

February ngayong taon nang kumpirmahin ng DOJ na nakatukoy ito ng probable cause upang kasuhan si Garin sa pagkamatay ng walong batang naturukan ng Dengvaxia.

Ang mga kasong isasampa ay katulad ng mga binanggit ni Congressman Atienza.

Bukod kay Garin, kakasuhan din ang siyam pang opisyal ng DOH, at ilang dati at kasalukuyang executives ng Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine RITM), at Sanofi Pasteur Inc.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya TV host Kim Atienza (right) is the eldest son of Buhay Partylist Representative Lito Atienza (left).
PHOTO/S: Screengrab from ABS-CBN News, YouTube, @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results