Sa edad na 51, ikinasal ang aktres na si Maritoni Fernandez sa non-showbiz partner niyang si Mon Dayrit.
Idinaos ang civil wedding sa Parañaque City Hall ngayong Martes, July, 7.
Ibinahagi ni Maritoni sa Instagram ang litrato nila ni Mon ilang minuto matapos silang ikasal.
Simpleng caption ni Maritoni: “My forever.”
Sa isa pang Instagram post, magkayakap na nagpakuha ng picture ang newlyweds.
Post niya: "Nothing fancy, just love. [heart emoji]"
Sa latest post ng Filipino-British actress-entrepreneur ay solo lang siya sa litrato.
Ngiting-ngiti siya habang hawak ang kanyang wedding bouquet.
Caption ni Maritoni: “This is the day the Lord has made.
“After 51 years, I have found my forever.
“Today, I became Mrs. Dayrit!”
CELEBS ARE HAPPY FOR MARITONI
Binati si Maritoni ng kapwa celebrities niyang sina Lorna Tolentino, Heart Evangelista, Coney Reyes, Carmi Martin, Eric Quizon, at Geneva Cruz.





Sa Facebook naman nag-post ng mga litrato si Mon bago ang wedding ceremonies.
Ayon sa profile nito sa Facebook, si Mon ay chief administrative officer ng isang investments company.
May dalawang lalaking anak si Mon sa dating karelasyon.
Dalawa rin ang anak ni Maritoni: ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez, 25; at si Liam, 15.
Anak ni Maritoni si Lexi sa dating asawang si Alex Alvarez.
Si Liam naman ay anak ng aktres sa dating boyfriend, ang modelong si Hans Montenegro.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
