Agot Isidro on Jinkee Pacquiao’s luxury-bikes post: “Puede ba, konting sensitivity man lang?”

by Jet Hitosis
Jul 9, 2020
Singer-actress Agot Isidro (left) to former Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao (right): "Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho... Puede ba, konting sensitivity man lang?”
PHOTO/S: @agotisidro, @jinkeepacquiao on Instagram

Pinasaringan ng singer-actress na si Agot Isidro ang misis ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Umapela si Agot, 53, ng “sensitivity” kay Jinkee, 41, matapos na ipinost ng huli sa Instagram ang mga pag-aaring luxury bicycles.

Ang couple bikes ay mula sa Paris-based luxury retailers na Hermes at Louis Vuitton.

July 3 nang ipinost ni Jinkee ang picture ng mga bisikleta, na nasa kanilang mansyon sa General Santos City.

Caption ni Jinkee: “His and Hers.”

Continue reading below ↓

Ayon sa report ng British newspaper na Daily Mail, October 2013 nang ini-launch ang handmade bicycles ng Hermes sa halagang $10,750 (PHP531,265) bawat isa.

RELATED STORY

Wala namang available na presyuhan sa LV bikes, na inaasahang mataas din ang halaga.

Nagtaas pa ang presyo ng LV bikes matapos nitong bilhin noong 2016 ang high-end bicycle brand na Pinarello.

AGOT: HASHTAG NOUVEAU

Ngayong Huwebes, July 9, ni-retweet ni Agot ang news item tungkol sa couple bikes ni Jinkee.

Walang binanggit na pangalan si Agot sa kanyang tweet, pero malinaw na direkta ang mensahe niya sa misis ng senador na world boxing champion.

Sinabi ni Agot na alam ng buong mundo na bilyonaryo ang pamilya Pacquiao.

At hindi raw dapat pinakikialaman ng iba kung anuman ang gawin ng pamilya sa kanilang yaman.

Gayunman, dahil sa apat na buwan nang COVID-19 pandemic, marami ang naghihikahos sa buhay.

Sana raw ay magkaroon ng kahit “konting sensitivity” si Jinkee sa pagpo-post ng mga mamahalin nitong bisikleta sa panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Mababasa sa tweet ni Agot (published as is): “Alam namin na marami kayong pera.

“At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya.

“Puede ba, konting sensitivity man lang?”

Continue reading below ↓

Gumamit pa si Agot ng #nouveau, isang French word na ang ibig sabihin ay bago.

Karaniwang ginagamit ang salita sa pagpapaikli sa noun na “nouveau riche.”

Ayon sa Merriam-Webster, ang nouveau riche ay “a person newly rich.”

MARRIED TO THE RICHEST PINOY ATHLETE

Hindi ikinakaila ni Manny, 41, na laki siya sa hirap.

Pero dahil sa matagumpay niyang boxing career sa nakalipas na 25 taon, kinikilala na ngayon si Manny bilang isa sa greatest professional boxers of all time.

Continue reading below ↓

Pang-92 si Manny sa World’s Highest-Paid Athletes ng Forbes Magazine noong 2019, sa yamang $26 million (PHP1.3 billion).

Gayunman, ang tayang ito ng Forbes ay batay lang sa kinita ni Manny sa boxing at sa endorsements nito.

Sabihin na lang natin na siya ang pinakamayamang Pinoy athlete.

Pangalawa si Manny sa pinakamayamang senador sa bansa, sa kitang PHP3 billion, batay sa kanyang Statements of Assets Liabilities and Networth (SALN) noong 2019.

Naungusan siya nang kaunti ni Senator Cynthia Villar, na may PHP3.5 billion na yaman.

Taong 2000 nang ikinasal si Manny kay Jinkee, at mayroon silang limang anak.

Nahalal na vice governor ng Sarangani si Jinkee noong 2013.

Tinapos lang ni Jinkee ang isang termino, at pagkatapos ay pinagtuunan na ng atensiyon ang kanyang pamilya at ilang negosyo.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Agot Isidro (left) to former Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao (right): "Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho... Puede ba, konting sensitivity man lang?”
PHOTO/S: @agotisidro, @jinkeepacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results