Stand-up comedian Kim Idol dies at 41

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2020
Stand-up comedian Kim Idol, 41, passed away Monday morning, July 13. Four days earlier, on July 9, Kim collapsed while on duty as marshal of the Bureau of Quarantine at the Philippine Arena where Covid patients stay.
PHOTO/S: Instagram

Pumanaw na ang stand-up comedian na si Kim Idol pasado alas-otso ng umaga ngayong Lunes, July 13.

Siya ay 41 taong gulang.

Binawian ng buhay si Kim—Michael Argente sa tunay na buhay—sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City.

Isinugod si Kim sa ospital noong July 9, Huwebes, dahil natagpuan siyang walang malay sa Philippine Arena, na pansamantalang ginawang quarantine facility para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Si Kim ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Naka-duty siya bilang marshal ng Bureau of Quarantine sa Philippine Arena nang magkaroon siya ng AVM o brain arteriovenous malformation.

Continue reading below ↓

"Tangle of abnormal vessels connecting arteries and veins in the brain" ang definition ng mayoclinic.org sa AVM.

Hindi na nagkaroon ng malay si Kim buhat nang dalhin siya sa ospital kaya humingi ng panalangin ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

A MOTHER'S TRIBUTE TO HER SON

Sa kanyang Facebook posts ngayong umaga, ibinahagi ng ina ni Kim, si Maria Taniegra Argente, ang malungkot na balita ng pagpanaw ng komedyante.

Saad ng ina ni Kim, "Anak alam ko lumaban ka para hindi mo kami iwan.

"Pinaalis mo lang kami ng Ate mo dahil hindi namin kaya na mawala ka.

"Maraming nagmamahal sayo anak. We love u!"

Kasunod nito ay nagbigay-pugay ang ina sa namayapang anak.

Tinawag niyang bayani ang anak dahil, kahit mapanganib, pinili ni Kim na maglingkod bilang frontliner ng Bureau of Quarantine.

Published as is:"Magandang alaala ang iniwan mo anak lalo na sa mga Covid Victim na pinasaya mo inawitan mo.

Continue reading below ↓

"Sabi mo bumilis ang kanilang paggaling kasi nawawala ang kanilang lungkot hindi mo lang alam ang takot ni mama pero dahil gusto mo nga mag work bilang Frontliner pumayag na si mama.

"Sobrang saya mo ng ibalita mo sakin na kahit nakasalamuha mo sila negative result mo.

"Sobrang Proud ako sayo anak maraming sumasaludo sayo, para sa akin anak isa kang bayani."

Kahapon, July 12, kabilang si Kim sa mga frontliners ng Bureau of Quarantine na pinarangalan dahil sa apat na buwang paglilingkod at pagpapasaya nila sa mga kababayang may sakit na COVID-19.

Continue reading below ↓

KIM'S FAREWELL MESSAGE?

Noong July 2, nag-post si Kim sa Facebook page nito ng kanyang saloobin tungkol sa pagsasara ng mga comedy bar na Zirkoh at Klownz at ng mga responsibilidad niya bilang frontliner.

Published as is: "Nang magsara ang mga pinagtatrabahuhan namin nung March 15, alam ko na na me posibilidad na hindi na kami magbukas dahil sa haba ng epekto ng pandemya.

"Nanalangin ako ng trabaho, binigyan Nya ako pero delikado.

"Pero di ako nag alinlangan ni nagkaroon man ng kahit konting pangamba. Dahil alam kong Sya ang nagdala sa akin dito at alam ko na tinutulungan Nya akong mabuhay sa gitna ng kahirapang ito.

"At kung ako man ay dapuan ng sakit at mamatay dahil sa Covid-19. Hindi parin ako talo... Dahil mamamatay akong Iglesia Ni Cristo," mensahe ni ni Kim, na tila isang pahiwatig sa pagtatapos ng buhay niya.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Read More Stories About
hardcore fans, Kim Idol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stand-up comedian Kim Idol, 41, passed away Monday morning, July 13. Four days earlier, on July 9, Kim collapsed while on duty as marshal of the Bureau of Quarantine at the Philippine Arena where Covid patients stay.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results