Clint Bondad to Sam Milby: “How about we have a little chat”

by Bernie V. Franco
Jul 13, 2020
Clint Bondad (left) sends a message to Sam Milby (right). Clint is the former boyfriend of Catriona Gray, who is now in a relationship with Sam.
PHOTO/S: @clintbondad and @samuelmilby on Instagram

Nag-reach out si Clint Bondad, 26, kay Sam Milby, 36.

Ngayong Lunes ng umaga, July 13, ipinost ni Clint sa Instagram Story ang screenshot ng pagpapadala niya ng mensahe kay Sam.

May time stamp itong “Yesterday 5:34 pm,” kaya posibleng ipinadala ni Clint ang message kay Sam noong Linggo ng hapon, July 12.

Sa screenshot, matutukoy na nag-message si Clint kay Sam via direct messaging sa Instagram.

Ito ang message ng celebrity na si Clint sa aktor na si Sam: “Want to become my client?”

Caption pa ni Clint: “How about we have a little chat”.

Si Clint ay isa ring businessman at tila pinasok na ang fitness industry.

Wala namang banggit kung para saan ang business proposal niya sa Kapamilya actor.

Wala nang iba pang sumunod na update si Clint tungkol sa pagpapadala niya ng message kay Sam.

Si Clint, Filipino-German model-turned-actor, ang dating boyfriend si Miss Universe 2018 Catriona Gray, 26.

Continue reading below ↓

Si Sam, isang Filipino-American, ang current boyfriend ni Catriona, na Filipino-Australian.

HOT STORIES

NETIZENS REACT

Samantala, hindi nakaligtas sa mga mata ng followers ni Clint ang nakaiintrigang Instagram Story post niya.

Sunud-sunod ang mensahe kay Clint ng netizens. Nangungulit at inuusisa si Clint kung sumagot sa kanya si Sam.

May nagtanong din kung "pampakaba" ba ito ni Clint kay Sam.

Continue reading below ↓

Pero walang isinagot si Clint, bagamat aktibo itong sumagot sa iba pang komento.

Narito ang ilang komento ng mga mausisang netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Sam na magkarelasyon sila ni Catriona nito lamang May 2020.

Pero sa kabila nito, low-key ang couple dahil pagkatapos ng announcement ni Sam, wala silang posts sa social media tungkol sa kanilang relasyon.

Kinumpirma ni Catriona na hiwalay na sila ni Clint noong February 2019, pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Continue reading below ↓

Pero late 2019 daw ay nagkakaproblema na sila. Ibig sabihin, mahigit isang taon ang nakalipas bago nakipagrelasyon muli si Catriona.

Samantala, sa social media post ni Clint noong March 2019, inako niyang siya ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sila ni Catriona.

Hinayaan daw niyang umikot ang kanyang mundo kay Catriona.

NETIZENS SURPRISED BY CLINT’S NEW LOOK

Simula noong July 10, Biyernes, ay naging aktibo muli sa social media si Clint pagkatapos ng apat na buwan.

Pero sa kanyang pagbabalik, maraming tagasuporta ni Clint ang nagulat sa bagong hitsura niya.

Kapansin-pansin ang malaking ipinagbago ng pangangatawan niya, bagamat muscular pa rin.

Pero ang higit na nakatawag-pansin sa netizens ay ang mahaba at makapal na balbas ni Clint.

Karamihan din sa recent posts ni Clint ay gamit niya ang hashtag na #DarkYogi.

Ang Yogi ay isang taong bihasa sa Yoga, gayundin sa meditation, na pawang mga gawi mula sa relihiyon sa India.

Continue reading below ↓

Sa kanyang post noong Biyernes, nagpahiwatig si Clint na nasa fitness industry siya at tutulungan niya ang mga taong gustong magkaroon ng malusog at magandang pangangatawan.

Bahagi ng kanyang post: “Soon I will come out with the easiest fitness plan that the fitness industry has EVER seen!”

Continue reading below ↓

Nabanggit din niya na maglulunsad siya ng fitness plan via YouTube.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad (left) sends a message to Sam Milby (right). Clint is the former boyfriend of Catriona Gray, who is now in a relationship with Sam.
PHOTO/S: @clintbondad and @samuelmilby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results