PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isabel Rivas undergoes drug test to prove Vivian Velez wrong

Isabel Rivas: "Paano ngayon kung bigla niyang totohanin na ipa-tokhang ako?"
by Jojo Gabinete
Published Jul 13, 2020
Isabel Rivas (left) on undergoing a drug test after Vivian Velez (right) insinuated that she was using illegal drugs : "Alam mo naman ang sitwasyon ngayon, nakaupo siya. Nandiyan siya ngayon sa tabi ng mga Diyos-Diyosan. Paano ngayon kung bigla niyang totohanin na ipa-tokhang ako? So, kailangang suportahan ko ng ebidensiya."
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Sumailalim sa drug test ang veteran actress na si Isabel Rivas ngayong Lunes ng umaga, July 13.

Ito ay upang pasinungalingan ang akusasyon laban sa kanya ng kapwa aktres na si Vivian Velez.

Noong July 11, Sabado, nag-post ng blind item si Vivian sa kanyang Facebook account.

Nakasaad dito: "Dating ingiterang actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako.Tumitira ka pa rin palaka? #maTokhangkaSana"


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat idinaan ni Vivian sa blind item ang kanyang mensahe, mahihinuhang ito ang buwelta niya sa pasaring sa kanya ni Isabel sa Facebook din.

Nag-react si Isabel sa pagbubunyi ni Vivian sa pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN noong Biyernes, July 10. Pinasalamatan din ni Vivian ang mga kongresista na bumoto para hindi mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanyang sariling Facebook post, tinawag ni Isabel na "walang kuwenta" at "ingrata" si Vivian.

Bahagi ng pasaring ni Isabel kay Vivian: "Walang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga...

"nanaba na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sa'yo...

"Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan...ingrata!!!

"45- years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam talaga salitang kaibigan noh!!!

"True character on display here Vivian Velez...empathy man lang sana natutunan mo!!"

DRUG TEST

Kaninang umaga ay nagtungo si Isabel sa isang diagnostic laboratory para magpa-drug test.

Gusto daw niyang patunayang walang katotohanan ang paratang sa kanya ni Vivian na "tumitira" o gumagamit siya ng droga.

"Dyusko, 8:30 a..m. pa lang, pumila na ako sa Hi-Precision sa Little Baguio, San Juan City para magpa-drug test,” sabi ni Isabel sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpa-drug test ako para masira ang kredibilidad ni Vivian Velez dahil wala talaga siyang kredibilidad.

"Pinangalanan niya na addict ako.

"Marami ang nagpadala sa akin sa Instagram. Nasabit na nga kung sino-sino na hindi kasama dito sa problema.

"Isipin mo, pagbibintangan mo na nagda-drugs ako. Napakabigat na akusasyon niyan, may tokhang pa.

"Alam mo naman ang sitwasyon ngayon, nakaupo siya.

"Nandiyan siya ngayon sa tabi ng mga diyos-diyosan. Paano ngayon kung bigla niyang totohanin na ipa-tokhang ako?

"So, kailangang suportahan ko ng ebidensiya."

Si Vivian ang kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines.

Ayon pa kay Isabel, "Ang daming tumatawag na press sa akin, pati radyo, hindi ako sumasagot.

"Ngayon lang ako sasagot dahil meron na akong ebidensiya. Hindi lang ako dakdak nang dakdak."

Negatibo ang resulta ng drug test ni Isabel.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

vivian SHOULD NOT HAVE DONE THAT

Ikinatuwa ni Isabel ang mga mensahe ng suporta na natanggap niya mula sa publiko at sa kapwa artista dahil sa matapang na pagsasalita niya laban kay Vivian.

Pero nalulungkot pa rin daw siya dahil sa mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho.

Ito raw ang dahilan kung bakit sumama ang loob niya kay Vivian, na apat na dekada nang bahagi ng entertainment industry.

Inaasahan ng publiko na makikisimpatiya si Vivian sa mga kasamahan sa industriya, sa kabila ng pagiging masugid na tagasuporta nito ng pamahalaang Duterte.

Saad ni Isabel, "At lalong-lalo na, head siya ng Film Academy of the Philippines.

"Yun ang na-realize ko, yun ang hindi ko naalaala. Hindi niya dapat ginawa ‘yon.

"Ang isyu lang naman... wala akong sinasabi kundi, sana, hindi ka na lang nag-congratulate nang ganyan sa public kasi kasamahan mo kami ng ilang dekada.

"Ilang dekada, hindi lang isang dekada. Hindi lang isang linggo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano ang gusto mong iparating sa mga tumulong sa 'yo? Na tumawag pa sa 'yo ng Miss Body Beautiful? Anong gusto mong maramdaman nila sa 'yo ngayon?

"Na ganoon na lang yun, porke nandiyan ka na sa politics at kailangan mo nang sumipsip diyan, nakalimutan mo na kami?"

Pero sabi rin ni Isabel, "E, ganoon naman siya. Ganyan naman ang ugali niya from ever since, so walang bago."

NOT MAD AT VIVIAN

Nilinaw ni Isabel na hindi siya galit kay Vivian.

Sumama lamang daw ang loob niya nang makita niya ang pagbubunyi ni Vivian sa pagkawala ng ABS-CBN.

Saad ni Isabel, "Patung-patong lang ang sama ng loob ko na nakita ko yung mga post niya.

"Yun ang panahon na parang kare-release lang ng balita na hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN, ang dami kong nakita sa Facebook na mga kaibigan ko na nag-iiyakan, mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN.

"Papaano na sila? Saan sila pupunta? Lost na lost sila. Tao lang ako para hindi ko maramdaman ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos makikita mo ang posts ng isang Vivian Velez?

"Pambihira ka naman, paano mo nakaya na insultuhin ang mga kasamahan mo nang ganyan. Huwag naman, nakadapa na sila, e. Sinisipa mo pa. Para ano?

"Nasaktan lang talaga ako. Nagkaroon ako ng palpitations noong nanonood ako ng news na, finally, wala nang franchise ang ABS-CBN."

Patuloy ng aktres, "Nag-Facebook ako, nakita ko yung iyak ng mga tao, tapos pag scroll ko... Actually hindi ko siya Facebook friend dahil binlock niya ako.

"Nasaktan ako para sa mga tao.

"Hindi ako nakikipag-away sa mga artista, mga kaibigan ko silang lahat."

NO REGRETS

Nanindigan si Isabel na hindi niya pinagsisisihan ang akusasyon niyang "ingrata" si Vivian.

"Kahit saan kami makarating, hindi ko pagsisisihan ang mga sinabi ko, kasi yun ang nasa puso ko.

"Marami ang nagme-message sa akin na mga artista, mga kung sino-sino. Sabi nila, ‘Thank you, bilib ako sa 'yo.’

"Pero nagtataka ako sa ibang mga artista. Anong nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo makapagsalita? Bakit kayo nananahimik kahit ginaganyan kayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagtataka lang ako dahil siguro, natural instinct sa akin na maawa ako sa tao. Hindi ko kaya na yung underdog, uupakan mo pa.

"Para sa akin, kapag binubugbog na at nabugbog na, nasa floor na, aawat ako. Patitigilin ko na dahil tinamaan na, e.

"Ganoon yung pakiramdam ko sa ABS-CBN at sa mga tao. Bugbog-sarado na sila pagkatapos, eto ka, 'Congratulations Congress, you did a good job.'

"Nakadapa na, nasa lapag na, sinisipa mo pa. Mamamatay, e," dagdag na pahayag ni Isabel.

Ikinumpara ni Isabel sa mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN ang nangyari kay George Floyd, ang black American na napatay ng isang pulis noong May 25, 2020.

Ang insidenteng ito ang dahilan para sumiklab ang Black Lives Matter protests sa USA at sa iba't ibang panig ng mundo.

Sabi ni Isabel, "Ano ba yung nangyari sa problema ni George Floyd na namatay dahil yung tuhod ng pulis, inilagay sa leeg niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun lang ‘yon. Ganoon kasimple. Kung nakababa na, nakaposas na, bakit kailangan mo pang tuhuran?

"Bakit kailagan mo pang upakan? Bakit kailangan mo pang mag-congratulate, e, puwede mo naman i-congratulate ang mga ‘yan kapag nakita mo or whatever?"

Pasaring pa niya kay Vivian, "Alam mo naman na nasa social media ka! Alam mong makikita ng lahat ng tao sa industriya na nakasama mo.

"Hindi isang taon... apat na dekada. Apat na dekada is not a joke para sa akin.

"Ewan ko sa kanya. Hindi ko alam. Siyempre, iba siya.

"Nirerespeto ko kung ano siya, pero hindi ko kailangan respetuhin yung ginawa niya.

Iginiit ni Isabel na hindi siya galit kay Vivian. "Bakit ako magagalit sa kanya, sayang lang ang oras ko ‘no!"

FORMER FRIENDS

Ayon kay Isabel, hindi lamang pagiging kapwa artista ang ugnayan nila ni Vivian.

Mga teenager pa lang daw, magkakilala at magkaibigan na sila ni Vivian.

Kuwento niya, "Sixteen years old pa lang kami, kilala ko na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"1958 din ‘yan, December din ang birthday niya.

"Ang boyfriend namin, magkapatid, noong 16 years old ako. Basta, ang alam ko, 16 years old din siya.

"Natutulog siya sa bahay namin, wala pa akong anak noon. Hindi ko pa anak si Richard," pagtukoy ni Isabel sa kanyang panganay na anak.

Nauna raw sa kanya ng tatlong taon sa showbiz si Vivian, na nakilala sa bansag na "Miss Body Beautiful" dahil sa magandang hubog ng katawan.

Pahayag ni Isabel, "Siyempre, sino ba naman ako? Miss Body Beautiful siya kaya minamaliit niya ako. Parang hindi niya ako kilala noong nag-artista na ako.

"Ano naman ang ikai-insecure niya sa akin, e, Miss Body Beautiful nga siya?"

Pagbubunyag pa ni Isabel, may anak na siya nang pasukin niya ang showbiz noong 1980.

"Dyuskopo, e, ni wala nga akong body dahil nanganak na ako.

"Hindi alam ng public na may anak na ako dahil alam ko na makisama sa press. Itinatago ng mga press. Ganoon ako makisama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit ba ako nag-artista? Dahil wala akong kapera-pera. May anak ako.

"Si Joey Gosiengfiao ang tumulong sa akin noong umpisang-umpisa. Pangalawa si Celso Ad Castillo…" pagbanggit niya sa dalawang yumaong direktor na naging instrumento sa pagpasok siya sa showbiz.

Nang hindi na siya gaanong in demand sa pelikula at telebisyon, naging maayos pa rin ang takbo ng buhay ni Isabel.

Aniya, "Marunong lang akong magtipid at marunong akong magdasal. Marunong akong humingi ng direksiyon. Lahat ‘yan, hinihingi sa Diyos.

"Bakit ako nagkaroon ng farm? Kasi hiningi ko sa Kanya.

"Basta ang sabi ko sa Diyos, 'Lord, mawawalan na ako ng project, wala nang kumukuha sa akin. Bigyan mo naman ako ng something para pagtanda ko, hindi naman ako nakatira sa ilalim ng bridge. Lord, maawa sa akin.'

"Iniluhod ko ‘yan ng dekada."

Tumanggi si Isabel na sabihin ang ugat ng kanilang hindi pagkakaunawaan ni Vivian.

Ed's Note: Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Vivian Velez kaugnay ng mga pahayag ni Isabel Rivas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas (left) on undergoing a drug test after Vivian Velez (right) insinuated that she was using illegal drugs : "Alam mo naman ang sitwasyon ngayon, nakaupo siya. Nandiyan siya ngayon sa tabi ng mga Diyos-Diyosan. Paano ngayon kung bigla niyang totohanin na ipa-tokhang ako? So, kailangang suportahan ko ng ebidensiya."
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results