Netizens decoding Clint Bondad cryptic posts reach more than 1M

by Rachelle Siazon
Jul 17, 2020
Clint Bondad's mysterious countdown stirs up netizens and leads them into thinking he'd drop a shocking announcement, but everyone waited in vain. Clint, however, continues to allude to "Sam" and "Cat" in his bizarre posts.
PHOTO/S: @clinbondad Instagram

Umabot sa higit isang milyong netizens ang sumilip sa Instagram stories ni Clint Bondad, na hinihinalang nagpaparinig sa magkasintahang Catriona Gray at Sam Milby.

Trending sa Twitter ang pangalan ni Clint mula Huwebes, July 16, hanggang umaga ng Biyernes, July 17.

As of 8 A.M. ng July 17 ay higit 93,000 ang tweets tungkol sa kanya.

Ito ay matapos kumalat ang iba't ibang teorya ng netizens na sinubukang gawan ng interpretasyon ang mga matatalinhagang posts ni Clint.

THE COUNTDOWN

Nagsagawa si Clint ng 24-hour countdown at nagpahiwatig na tila mayroon siyang pakakawalang pasabog na announcement sa social media.

Ang deadline ng countdown ay 1 a.m. ng July 17, pero walang inilabas na malamang update ang dating Kapuso actor.

Tila paasang sabi ni Clint sa kanyang hiwa-hiwalay na Instagram Stories:

"Loading..."

"I think the internet crashed."

"Man... Sorry, newd to take care of hackers."

Continue reading below ↓

Aware si Clint na marami ang nag-aabang sa kanyang posts dahil ipinakita pa niya ang bilang ng 1,614,073 netizens na sumilip sa kanyang Instagram Stories.

Ipinakita rin niyang daan-daang libo ang dumagdag sa kanyang Instagram followers, na kahapon lang ay umangat sa 500,000 followers hanggang sa umabot na ng higit 700,000 followers.

Continue reading below ↓

Caption ni Clint, "What is happening?"

Mayroon pa siyang post na nagsasabing, "I am virus in everyone's head I am T[h]e ex."

MISSING CATRIONA GRAY?

May mga ilan pang ni-repost si Clint na mensahe sa kanya ng netizens.

Isa rito ay nagbahagi ng meme na marami ang gising ng 1 a.m. sa paghihintay sa iaanunsiyo ni Clint, habang mahimbing nang natutulog ang model-actor.

Continue reading below ↓

"Maybe you just miss @catrionagray?" komento naman ng isang netizen.

Continue reading below ↓

May mga munting pahaging kasi si Clint na kesyo "walking Google" daw ang tawag sa kanya noon ng mga kaibigan ni "Cat," na kilalang palayaw ni Catriona.

Binanggit din ni Clint ang "irony" na wala siyang "allergy" sa kahit ano maliban sa mga pusa.

HOT STORIES

clint keeps netizens guessing

At nito ngang umaga ng Biyernes, may hiwa-hiwalay ulit na Instagram Stories si Clint kung ano nga ba ang ginagawa niya.

Continue reading below ↓

Pero wala pa ring malinaw na kasagutan ang dating Kapuso actor.

Pagkatapos ay muling binanggit ni Clint ang pangalang "Sam," at saka ipinahiwatig na hindi isyu sa kanya kahit hindi siya "cool" sa paningin ng iba.

"Poor Sam hahaha

"I am a man of focus

"Lesson 2 We dont look cool."

Continue reading below ↓

"NETIZENS' REACTIONS: "NAPUYAT KAKAINTAY KAY CLINT..."

Samantala, kakatwa ang iba't ibang reaksiyon ng netizens na "napuyat" sa paghihintay sa wala sa countdown ni Clint.

May umidlip at nag-alarm pa para lang i-check ang Instagram Stories niya.

Continue reading below ↓

Idinaan pa sa biro ng ibang netizens na ang totoo ay may ipo-promote lang na produkto si Clint.

Continue reading below ↓

May iba namang netizens ang nagsabing hindi nakakatuwa kundi "creepy" ang social media posts ni Clint.

OTHER NETIZENS: ENOUGH WITH THE FALSE SPECULATIONS

Sabi pa ng iba, mukhang "troubled" si Clint at kailangan ng "psychological help" base sa mga kakaibang social posts nito.

Hindi rin daw tama na may ibang netizens na nagpapakalat pa ng "false narratives" nang walang sapat na basehan.

Continue reading below ↓

Lalo pa't may ibang taong mga nadadawit sa isyu kaugnay nina Clint, Catriona, at Sam.

May nagsabi pang tigilan na ang pagpapa-trend kay Clint sa Twitter para manahimik na ito, dahil mas maraming mahalagang isyu sa bansa ang dapat pagtuunan ng pansin.

Bahagi ng isang tweet ng netizen: "enough na yung nag-antay sa countdown kagabi pero walang nangyari. tama na yung mga spekulasyon na walang katotohanan."

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng isang commenter, "luh, todo effort pag-aralan yung code sa ig ni clint pero di kaya ma-educate sarili sa mga nangyayari sa pilipinas."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad's mysterious countdown stirs up netizens and leads them into thinking he'd drop a shocking announcement, but everyone waited in vain. Clint, however, continues to allude to "Sam" and "Cat" in his bizarre posts.
PHOTO/S: @clinbondad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results