PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DJ Loonyo’s ex girlfriend says dancer playing “pa victim” in Magpakailanman episode; DJ Loonyo’s camp reacts

DJ Loonyo's ex-girlfriend steps out and accuses the dancer of lying.
by Bernie V. Franco
Published Jul 19, 2020
Dancer-choreographer DJ Loonyo (left) is in the middle of another issue. His ex-girlfriend Aika Flores (right photo) writes a long message on Facebook revealing the alleged lies of DJ Loonyo after his life story was told in Magpakailanman.
PHOTO/S: YouTube (DJ Loonyo) / Facebook (Aika Flores)

“WAG KANG PA VICTIM!”

Parte ito ng mensahe ng isang female dancer na dating nakarelasyon at naanakan ng dancer/choreographer/online celebrity na si DJ Loonyo, a.k.a. Rhemuel Lunio.

Nag-react ang female dancer na si Aika Flores dahil hindi raw niya maatim ang mga kasinungalingan ni DJ Loonyo matapos ipalabas ang life story nito sa Magpakailanman, ang drama anthology sa GMA-7.

Itinampok ang buhay ni DJ Loonyo—na ginampanan ni Jak Roberto—sa episode ng Magpakailanman nitong Sabado, July 18.

Ilang oras pagkatapos ng palabas, isang mahabang Facebook post ang inilabas ni Aika upang ituwid ang umano’y kasinungalingan ng dating karelasyon.

Pagtutuwid ni Aika, hindi raw totoo ang itinampok sa istorya na itinaboy niya si DJ Loonyo nang gusto nitong makita ang kanilang anak.

Pumanaw na ang bata.

AIKA CLAIMS STORY WAS TWISTED

Paglilinaw ni Aika sa kanyang post, nagkulang si DJ Loonyo sa kusa para makita ang anak.

Kinuwestiyon din ni Aika ang sinseridad ng choreographer nang unang nagsabi ito na gusto niyang makita ang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng post ni Aika (published as is): “year 2014 isang taon na baby natin FIRST TIME mong mag reach out sakin. nagtext ka gusto mo dalhin ko anak ko sa mall show niyo gusto mo makita.

“WOW!! anak ko ang gusto mo pumunta sayo? sa mall show niyo pa? bakit?

“papasikat ka para kunwari nagpapakatatay kana?”

Tumanggi raw si Aika sa gusto ni DJ Loonyo at sinabihan itong puntahan ang anak kung gusto raw talagang makita ito ng choreographer.

Pero hindi raw nagpakita si DJ Loonyo, bagamat alam niya kung saan nakatira ang mag-ina.

Pagpapatuloy ni Aika: “ano ginawa mo? after ng convo natin na yun? diba wala na?? isang attempt isang rejection tapos wala na! nasan ang SINCERITY mong makita anak mo??”

Akusasyon pa ni Aika: “nagawa mo ngang landiin yung kaibigan ko bat anak mo di mo magawan ng paraan??”

Dito binanggit ni Aika na taliwas sa katotohanan ang kwento sa Magpakailanman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“SA KWENTO MO MAY PATABOY TABOY PA KONG GINAWA DAHIL PINUNTAHAN MO ANAK MO? KELAN NANGYARE YON???”

Pangalawang beses daw subukan ni DJ Loonyo na makita ang anak noong 2017, pero hindi na naman natuloy.

Lahad ni Aika: “hinihingi mo num ko sa friend ko at panahon non binigay ko number ko dahil WILLING NAMAN TALAGA AKO ang problema ikaw! puro ka pa FAME!

“kung gusto mo talaga makita anak mo non edi sana nakita mo na dahil di ko siya nilalayo sayo IKAW ANG LUMAYO SAKANYA!”

Ang una at huling beses raw nakita ni DJ Loonyo ang kanilang anak ay nang pumanaw na ito.

Kung pagbabasehan ang timeline na binanggit ni Aika, nasa edad tatlo o apat na taong gulang ang anak nila nang pumanaw.

Tinawagan daw ni Aika si DJ Loonyo para ibalita ang pagkamatay ng kanilang anak.

Sa pagkukuwento ni Aika, malinaw na malalim ang galit niya kay DJ Loonyo: “madaling araw tinawagan agad kita tulog kapa non sabi mo bihis ka lang punta kana ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“NASOBRAHAN KA ATA SA BIHIS KASI NAG BOOTS KAPA E AKALA MO ATA SASAYAW KA??

“hello!! nawala anak mo non di yun raket na kailangan mo pumorma! nagawa mo pa kasi pumorma non anong sense? emergency matter nakapag boots kapa??

“ikaw pinagbihis ko sakanya sa burol niya sabi ko first and last time mo siyang bibihisan kaya ikaw bahala.”

Sinagot daw ni DJ Loonyo ang gastos sa chapel at sa mga bayarin, at pinaghatian nila ni Aika ang lupang paglilibingan ng anak.

Pero ang claim daw ni DJ Loonyo sa Cagayan de Oro, kung saan siya nakatira, ay siya ang gumastos sa lahat.

“pinagmamalaki mo sa cdo na ikaw nga gumastos lahat! hanggang huli HAMBOG ka! at kung ikaw nga lahat? ano naman?? utang na loob parin ba ng anak ko sayo yun???”

Pinuna rin ni Aika ang dancer/choreographer na nagbida raw sa sarili sa eulogy ng sariling anak.

“libing ng anak mo, ano sinasabe mo sa speech mo? pogi ka, nirerepresent mo bansa natin sa ibang bansa etc. DIBA MAHAL MO NGA ANAK MO!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“nakakatouch yung sinabe mo e! sensya ah ayan kasi tumatak sa isip ko sa mga nonsense mong pinagsasabe na puro kayabangan!”

Ginipit din daw ni DJ Loonyo si Aika dahil hindi ipinangalan sa kanya ang titulo ng lupang pinaglibigan ng anak, kahit pinaghatian nila ang pagbili rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“hanggang sa huli talaga gusto mo kong pahirapan! so ayun buti nalang pagkatapos ng sobrang pagtatalo e tinrasfer mo sakin yung titulo,” sabi ni Aika.

Binanatan din ni Aika si DJ Loonyo dahil hindi na raw ito dumalaw sa puntod ng anak mula nang mailibing.

“tapos ng libing? DINALAW MO BA ULE?? kelan pa yun 2017 pa 2020 na NADALAW MO BA???

“AFTER NG LIBING NIYA NI ISANG BESES DI MO NA SIYA DINALAW! KAYA WAG KANG PA VICTIM!”

AIKA RECOUNTS LOVE STORY WITH DJ LOONYO

Ikinuwento ni Aika sa kanyang post ang love story nila ni DJ Loonyo.

Sa kanyang paglalahad, binanggit ni Aika ang mga pagkakataong may pagsisinungaling umano si DJ Loonyo sa kanya, sa simula pa lamang ng kanilang relasyon.

Nagsimula raw ang kanilang kuwento nang maging contestant ang grupo ni DJ Loonyo sa programang kinabibilangan ni Aika.

Ayon sa Facebook, si Aika ay dating dancer sa Show Up: Ang Game Show ng Bayan, isang variety show sa Philippine Television Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa simula pa lang daw ng panliligaw ni DJ Loonyo, may babaeng nag-message na kay Aika.

Nagpakilala raw ang babae na girlfriend ni DJ Loonyo sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro.

Nang kausapin ni Aika si DJ Loonyo ukol dito, itinanggi raw ito ng choreographer at sinabing “sponsor” lang niya ang babae.

Naniwala naman daw si Aika dahil “uto uto” pa siya noon at gusto niya si DJ Loonyo.

Nang magtapos daw si Aika sa kolehiyo, ipinakilala niya sa mga magulang si DJ Loonyo bilang boyfriend.

Ikinuwento ni Aika nang pilitin daw siya ni DJ Loonyo na pumunta sila sa Cagayan de Oro at magbakasyon doon ng dalawang linggo.

Pumayag si Aika sa gusto ng nobyo, pero hindi itinago ito ni Aika sa kanyang mga magulang.

Pero ang dalawang linggo ay umabot daw ng limang buwan dahil hindi raw tinupad ni DJ Loonyo ang sinabi nitong ibibili niya si Aika ng ticket pauwi ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahon daw na iyon, hindi na maganda ang relasyon nila ni DJ Loonyo.

Madalas daw mahuli ni Aika ang nobyo na may kausap na ibang babae.

Kaya sa tulong ng isang kaibigan, nakabili ng ticket si Aika at sinabi kay DJ Loonyo na babalik na ito sa Maynila.

Pero isang araw bago bumalik sa Maynila, nalaman daw ni Aika na buntis siya.

Ani Aika: “hahanapin mo palagi sa umaga magugulat ka nasa cr palaging dala ang laptop wala ka naman naririnig na sounds.

“babae ako, di ako robot na walang pakiramdam para di magselos at panahon na yun di ko alam na buntis ako. BINUNTIS MO AKO AT ALAM MO YUN.”

Tiniyak daw ni DJ Loonyo sa kanya na pananagutan niya ang anak kay Aika.

Pero pagbalik daw sa Maynila ay nanlamig na sa kanya si DJ Loonyo.

Dahil daw alam ni Aika ang password ni DJ Loonyo sa social media, natuklasan nitong nakikipaglandian ang choreographer sa ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Aika: “tapos isang araw bigla kang tumawag sakin, tanda mo pa ba?? GUSTO MO IPALAGLAG YUNG BATA.

“nagmakaawa ako sayo sa phone na para sa bata ayusin natin. nagkasundo tayo ule sumunod ka sa manila at kinausap natin parents ko. don tayo nag stay samin.”

Pero kahit daw nagsama sila sa bahay ni Aika, naging “toxic” daw ang kanilang pagsasama.

HOT STORIES

Inakusahan ni Aika si DJ Loonyo na nagbubuhay-binata, at inatupag ang pagti-training para maging member ng isang dance group.

“wala nga tayong maipon ipon sa sinasabe mong “para sa panganganak ko” pero go sinuportahan kita,” himutok ni Aika.

Sa due date ni Aika, nagkaroon daw sila ng pagtatalo, at lumayas si DJ Loonyo.

Hanggang sa manganak si Aika ay hindi na raw nagpakita si DJ Loonyo.

Makalipas lang daw ang isang buwan ay nabalitaan ni Aika na may iba nang karelasyon ang dancer-choreographer.

Banat ni Aika: “ISANG BUWAN PALANG AKONG NANGANAK NON PINILIT KO RUMAKET SUMAYAW AKO KAHIT PWEDENG IKAPAHAMAK KO WALA E MAY ANAK AKONG BUBUHAYIN! HABANG IKAW SAYAW SAYAW LANG SA TV BUHAY BINATA?? WALANG SUSTENTO!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIKA: “KARAPATAN KONG SABIHIN ANG TOTOO.”

Hindi na raw makaya ni Aika ang kasinungalingan ni DJ Loonyo nang mapanood ang episode ng Magpakailanman kaya binasag niya ang kanyang katahimikan.

Post nni Aika: “di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to.

“di ko naman na kailangan talaga pabanguhin pangalan ko as his ex girlfriend pero as the mother of his child sobra na.”

Buwelta niya kay DJ Loonyo: “NANANAHIMIK NA ANAK KO. NANAHIMIK AKO NANG ILANG BESES. KAILAN BA MATATAPOS YANG PAGPAPASIKAT MO??

“BIGYAN MO NAMAN NG KATAHIMIKAN ANAK KO DAHIL DI MO NA NGA SIYA BINIGYAN NG TATAY! TIGIL NA RHEMS!”

Rhems ang palayaw ni DJ Loonyo.

“KUNG GUSTO MO MAGPASIKAT WAG KANA GUMAWA NG PANSARILING STORYA O KWENTO MO PARA BUMANGO KA! MABAIT KANG KAIBIGAN AT ANAK PERO SANA NAGING MABAIT KARING TATAY KAHIT DI NA AS PARTNER.

“NAWALA ANG ANAK KO NG DI KA NAKILALA. WALANG GUILT SA PUSO KO DAHIL ALAM NATING DALAWA NA IKAW ANG PUMILI NON.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“KAYA SANA KAHIT KONTI LANG PAKITA MO NAMAN NA MAHAL MO SIYA.

“WAG MO NA ICLAIM NA MINAHAL MO SIYA DAHIL AKO NASASAKTAN PARA SA ANAK KO.

Pangwakas na pahayag ni Aika: “di ako nakikipagpagandahan dahil wala po ako non kaya wag niyo na ko ibash.

“karapatan ko lang sabihin yung totoo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DJ LOONYO, IVANA ALAWI, AND CLAIRE GOMEZ ISSUE

Samantala, kung magbabalik-tanaw, ang mga ilang bahagi ng kuwento ni Aika ay may pagkakahawig sa isyung kinasangkutan ni DJ Loonyo noong Mayo at Hunyo.

Nadawit sa isyung ito ng choreographer ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi at isang non-showbiz girl na si Claire Gomez.

Mayroon nang malaking following ang team-up nina DJ Loonyo at Ivana, na tinawag na LooVana.

Maituturing na online sensations sina DJ Loonyo at Ivana.

Bagama't wala pa silang relasyon, hindi itinatanggi ng dalawa na may espesyal silang pagtitinginan kahit hindi pa sila nagkikita nang personal.

Naka-base si DJ Loonyo sa China, kung saan meron siyang dance studio.

Noong Mayo, isang video ang inilabas ni DJ Loonyo dahil sa pamba-bash sa kanya. Inakusahan siyang pinagsabay niya sina Ivana at Claire.

Sa paliwanag ni DJ Loonyo, bagama’t naging malapit sila ni Claire, sinabi nitong ang totoong tinatangi ng kanyang puso ay si Ivana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas din ng video si Claire dahil sa matinding pambabatikos na natanggap niya mula sa supporters nina DJ Loonyo at Ivana.

Sa video, nilinaw ni Claire na nakipag-ugnayan sa kanya si Ivana para tanungin kung ano ang namamagitan kina Claire at DJ Loonyo.

Hindi rin itinanggi ni Claire na nagkaroon siya ng kalituhan dahil ang alam niya ay may espesyal na pagtitinginan na sa pagtian nila ni DJ Loonyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malinaw, sinabi ni Claire na itinago sa kanya ni DJ Loonyo ang tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Ivana.

Mukhang hindi rin sinabi ni DJ Loonyo kay Ivana ang tungkol kay Claire.

DJ LOONYO RELEASES OFFICIAL STATEMENT

Nakarating sa kampo ni DJ Loonyo ang post ni Aika na kumokontra sa episode ng Magpakailanman.

Kaninang madaling araw, naglabas ng official statement ang kampo ng dancer na ipinost sa kanyang social media accounts.

Ayon sa pahayag, inasahan na ng kampo ni DJ Loonyo na magkakaroon ng iba’t ibang reaksyon sa istorya dahil “it was told through the eyes of the creative staff of the program.”

Partikular ding sinagot ng “team” ni DJ Loonyo ang mga pinakawalang pahayag ni Aika.

Binanggit dito na may kinalaman ang creative team ng programa sa itinakbo ng istorya sa Magpakailanman.

“DJ Loonyo conducted an interview to share intimate and publicly unknown details about his life for the coverage, with the request to omit or leave out some sensitive parts, particularly pertaining to his son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We, as management and team, signed a contact allowing the program to enhance certain aspects of his life, because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling.”

Nakipagtulungan daw sila sa writing staff para limitahan ang pagtalakay sa past love story ni DJ Loonyo, palitan ang totoong pangalan ng mga karakter, at “edit out parts that were not as true to life.”

Pero nagpaliwanag ang kampo na ang pagsasalaysay sa kuwento ni DJ Loonyo “was respectfully told as was possible, and shed light on both the positive and negative aspects of his life.”

Nauunawaan daw nila kung hindi lahat ay pumabor sa naging takbo ng istorya “because in situations like this, emotions run high and there are really the chance that someone can speak negatively.”

Humingi rin ng paumanhin ang kampo ni DJ Loonyo kung may mga taong na-offend sa pagsasalaysay ng buhay niya.

“We genuinely mean no offense, nor wish any ill or harm on anyone, most of all that of his son.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinatuwiran ng kampo na kung pagbabasehan ang Magpakailanman episode, hindi naman daw ipinakitang walang kapintasan si DJ Loonyo.

“[H]e is far from being a perfect person, and public perception these days is quite a big deal.”

Nakalulungkot man daw, nauunawaan nila ang mga negatibong lumalabas laban sa choreographer.

Nangatuwiran din sila na wala silang anumang masamang intensiyon nang pumayag silang ibahagi ang kwento ni DJ Loonyo sa pamamagitan ng Kapuso drama anthology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dancer-choreographer DJ Loonyo (left) is in the middle of another issue. His ex-girlfriend Aika Flores (right photo) writes a long message on Facebook revealing the alleged lies of DJ Loonyo after his life story was told in Magpakailanman.
PHOTO/S: YouTube (DJ Loonyo) / Facebook (Aika Flores)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results