Ikinaalarma ni Bea Alonzo. 32, ang mensahe ng administrators ng kanyang fan pages sa social media.
Ayon sa mga ito, may mga nag-aalok bilhin ang fan pages ng Kapamilya actress na may malaking following.
Malaki rin daw ang offer na bayad.
Sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) kahapon, July 19, ibinahagi ni Bea ang mensahe ng mga tagahangang gumawa ng fan accounts para sa kanya.
“Had to post this. Woke up to these messages from my supporters.
“I wonder why these people would offer to buy these accounts all of a sudden? For what?"
Ayon pa sa aktres, may narinig siyang nakatanggap ng kaparehong alok ang fan pages ng ibang mga artista.
“Also heard that diff fan groups of diff ABS-CBN artists received the same offer today. You be the judge.”
May ulat din ang ABS-CBN News online na may kahalintulad na alok sa fan pages ng Kapamilya stars na gaya nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual.

ACCOUNT IS NOT FOR SALE
Sa isa pa niyang post, ibinahagi ni Bea ang mensahe ng isang tagahanga na may fan account din.
Ito ay mula sa administrator ng Bea-Ian (Veneracion) fan account.
Nakalagay sa caption ng fan, "Like abscbn my BeaIan precious acc is not for sale po.
"Pra lang to sa mga lovesko @beaalonzo and papa ih."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
