Catriona Gray seeks NBI's help to track persons behind fake topless photo 

by Rachelle Siazon
Jul 21, 2020
Miss Universe 2018 Catriona Gray shows up at the NBI office to personally ask the authorities to track the persons accountable for the proliferation of her fake topless photo.
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @catriona_gray Instagram

Personal na humarap si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo ang pagpapakalat ng fake topless photo niya sa social media.

Naganap ito ngayong Martes ng hapon, July 21.

Nangako si NBI Deputy Director Jun de Guzman na mananagot ang may pakana ng pag-upload sa Internet ng sinasabing topless photo ng beauty queen.

"The reason why the NBI will be conducting an investigation is to determine the persons accountable for this posting in the social media," saad ni de Guzman sa ulat ng reportr news online.

Dagdag niya, "Kahit sinong tamaan niyan, icha-charge namin."

"VICIOUS ATTEMPT" TO MALIGN CATRIONA

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Catriona nang dumating siya sa NBI office. Pero kasama niya ang kanyang legal counsel na si Atty. Christopher Liquigan ng Alonso and Associates Law Offices.

Iginiit ni Liquigan na "fake" at "digitally altered" ang kumakalat na topless photo umano ni Catriona sa social media.

Continue reading below ↓

Pahayag ng abogado: "We strongly denounce the vicious attempt to tarnish the good name of Ms. Gray."

Pinaalalahan din ni Liquigan ang netizens na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita nila online.

"At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media."

the "digitally altered" photo

Una nang kinondena ng abogado ni Catriona na si Atty. Jojo Alonso ang malisyosong balitang may nude photo umano ang beauty queen.

Sa isang Facebook post ni Atty. Joji noong July 19, ipinakita niyang kuha sa video shoot para sa isang clothing brand ang sinasabing topless photo ni Catriona.

Kung susuriin ang video, na may petsang February 2014, nasa bathtub si Catriona na puno ng bubbles habang kumakanta.

May mga sumunod na eksena ring nakasuot si Catriona ng lingerie na produkto ng ineendorso niyang brand.

Pero walang anumang parte ng video na makikitang nude o naka-topless si Catriona.

Continue reading below ↓


Sinundan ni Atty. Joji ang kanyang Facebook post ng isang official statement na nagsasabing hindi makatarungan ang paninira sa isang "innocent soul" na gaya ni Catriona.

Handa raw magsagawa ng "legal action" ang abogada sa sinumang maglalatlaha at magpapakalat ng fake topless photo ng 26-year-old beauty queen.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray shows up at the NBI office to personally ask the authorities to track the persons accountable for the proliferation of her fake topless photo.
PHOTO/S: Jerome Ascaño / @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results