Dominic Roque drops another hint on rumored romance with Bea Alonzo

by Bernie V. Franco
Jul 22, 2020
Dominic Roque posts a new photo on Instagram hinting that he is smitten with a mysterious girl. However, there is an obvious clue that the girl he is referring to is none other than Bea Alonzo.
PHOTO/S: Instagram

Isa na namang clue ang ibinigay ni Dominic Roque, 30, na lalong nagpalakas sa hinalang may namamagitan sa kanila ni Bea Alonzo, 32.

Nitong Martes ng gabi, July 22, nag-post si Dominic sa Instagram ng larawan ng dalawang tao—isang babae at isang lalaki.

Nakaupo ang dalawa sa isang tila ramen restaurant. Natatakpan ng curtain ang kanilang mga mukha, maliban sa bahagi ng kanilang baba.

Bagamat may divider sa pagitan nila, mahihinuha ring nagtitinginan sila base sa anggulo ng kanilang mga ulo.

Mapapansin na ang lalaki ay nakasuot ng black T-shirt na may malapad na horizontal red stripe sa gitna.

Naka-black blazer naman ang babae, na nakasalumbaba gamit ang kanang kamay. May suot ding gold bracelet o watch ang babae.

Base sa location na nakalagay sa post, kuha ang larawan sa Tokyo, Japan.

Tanging caption ni Dominic dito: “tila ako’y nabighani… [heart emoji]

Continue reading below ↓

IT'S DOMINIC AND BEA!

Noong November 2019, nag-post si Dominic sa Instagram ng larawan ng biyahe niya sa Tokyo, Japan.

Sa larawan, kasama niya si Bea at isang katrabaho mula sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na nangangalaga sa career nila

Tugma ang mga outfit nina Dominic at Bea sa kasuotan ng dalawang tao sa recent post ni Dominic.

Pareho rin ang kanilang mga pose sa picture.

Kaya kumpirmadong sina Bea at Dominic ang nasa larawang ipinost ng aktor sa Instagram kagabi.

Ibig sabihin nito, ang tinutukoy ni Dominic sa kanyang caption na “tila ako’y nabighani” ay walang iba kundi si Bea.

Kung ita-tap ang photo, makikitang naka-tag si Bea rito.

Bea Alonzo Dominic Roque

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang balitang ito, trending topic si Dominic sa Twitter dahil sa kanyang Instagram post.

RELATED STORY

PREVIOUS CLUES

Noong February 2020, naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdalo ni Dominic sa isang party na inorganisa ni Bea.

Isa itong baby shower para kay Thalia Agbayani, girlfriend ng kapatid ni Bea na si James Carlos.

Continue reading below ↓

Si Thalia ay anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani.

Sa isang group photo na ipinadala ng isang netizen sa PEP.ph, makikita si Bea kasama sina James Carlos, Thalia, at ina ng aktres na si Me-Ann.

Sa front row ay nakaupo si Dominic.

Ang caption dito ng netizen: “Is bea and dom a couple now? Bakit nasa family gathering sya ni beas family?”

Continue reading below ↓

Nito lamang Abril, nag-post ng larawan sa Instagram si Bea kasama ang kanyang pet dog, isang Maltese.

Ginamitan ng camera trick na upside-down reflection ang larawang ito ng aktres at ng kanyang aso.

Mabilis ang mga mata ng netizens.

Natandaan nilang may kuha si Bea na ginamitan ng ganitong camera trick sa kanyang Japan trip noong November 2019.

Ang naka-credit sa shot—si Dominic, na kasama ni Bea sa Japan.

Abril din ay may espekulasyong magkatuwang sina Bea at Dominic sa relief efforts para sa frontliners.

Si Bea ay gumawa ng face shields para sa mga health workers noon.

Sa isang larawan, makikita si Bea na nasa tapat ng bahay at inihatid ang raw materials para sa paggawa ng face shields.

Sa likuran ni Bea ay makikita ang isang pick-up truck na kulay itim.

Hinihinalang kay Dominic ang naturang sasakyan dahil kapareho ito ng kulay ng pick-up vehicle ng aktor.

May nag-circulate din noong isang stolen shot, kung saan makikita sina Bea at Dominic, kasama ang isang taga-Star Magic, na nasa grocery.

Continue reading below ↓

Noon pa man, simula nang maglabasan ang mga clue na ito, sinabi ng supporters ng dalawa na walang masama kung may namamagitan sa kanila dahil pareho silang single.

Ang huling nakarelasyon ni Bea ay si Gerald Anderson. Napaulat ang paghihiwalay nila noong July 2019.

Wala namang napapaulat na karelasyon si Dominic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque posts a new photo on Instagram hinting that he is smitten with a mysterious girl. However, there is an obvious clue that the girl he is referring to is none other than Bea Alonzo.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results