PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinay vlogger Mika Salamanca apprehended in Hawaii for violating quarantine rules

She posted bail worth $2,000 or around PHP98,669.78.
by Nikko Tuazon
Published Jul 26, 2020
Pinay vlogger Mika Salamanca was apprehended in Hawaii on Friday, July 24, 2020 for violating the state's 14-day mandatory self-quarantine rule for foreign tourists and returning residents.
PHOTO/S: @mikslmnc on Instagram

Hinuli ng local authorities ng Honolulu ang 20-year-old Filipino vlogger na si Anne S. Salamanca—o mas kilala bilang Mika Salamanca—noong umaga ng July 24.

Ito ay dahil sa paglabag ni Mika sa 14-day mandatory self-quarantine rule ng Hawaii para sa foreign tourists at returning residents.

Kilala si Mika bilang isang singer at social media influencer. Mayroon siyang mahigit 2.3 million subscribers sa YouTube, 1.1 million followers sa TikTok, at 1.6 million followers sa Instagram.

Ayon sa ulat ng KITV4 Island News, dumating si Mika sa Hawaii noong July 6, Lunes.

Napag-alaman ng Hawaii Tourism Authority ang paglabag ni Mika sa quarantine rules apat na araw mula nang dumating ito.

Nakarating sa mga kinauukulan ang TikTok videos ni Mika at ng mga kasama nito kung saan nagsayaw sila sa Sephora store sa Ala Moana Center, nag-dine in sa isang Korean restaurant sa Ke'eaumoku Street, at nag-hike sa Lanikai.

Ang mga videos na ito ay hindi na makikita sa TikTok account ni Mika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na ulat ng KITV4 Island News noong Huwebes, July 23, sinabi ni Mika na may law enforcers na pumunta sa kanilang tinitirhan sa O‘ahu noong July 9 or 10. Sinabi raw ng mga ito na maaari siyang lumabas kung sakaling negatibo ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

MIKA SAYS SORRY

Noon ding July 23 ay nag-upload si Mika ng video sa kanyang YouTube channel upang linawin ang isyu at ihingi ng tawad ang paglabag nito sa quarantine protocols ng Hawaii.

Pahayag ni Mika, "Gusto ko pong mag-sorry sa lahat ng misunderstanding, and sa lahat ng nakikita niyong mali sa internet.

"Inaamin ko po na nagkamali po ako. Nung time na dumating po kami dito sa Hawaii and agad po kaming lumabas."

Ayon pa sa vlogger, "As far as I can remember, na-settle na po namin yun. Meron pong nag-report and nag-complain about dun.

"So yung mga law enforcer po, pinuntahan po nila ako dito sa bahay kung saan ako nagka-quarantine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sila po mismo yung nagsabi sa akin na, 'You're not in trouble. If you're negative, you can go out.' Which is, sa lahat po ng test na kinuha ko po, negative po ako.

"After po nilang pumunta sa bahay, kinabukasan pumunta na po kami ng hospital para mag-take ng swab test. Yung nakuha po naming result dun is negative din."

Diin nito, "Sorry po. Wala po ako na-spread na virus."

Nilinaw naman ni Hawaii Attorney General Clare Connors na wala sa kanilang investigators ang magsasabi kay Mika na maaari na itong lumabas kahit hindi natatapos ang self-quarantine period basta negatibo ang resulta ng test.

Saad nito, "None of my investigators would convey that information, as it is incorrect.

"The fact Ms. Salamanca has so many followers makes her actions that much more dangerous and concerning.

"The spread of misinformation can have very severe consequences during an emergency situation like we are in now."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

14-DAY QUARANTINE

Sinabi rin ng singer-vlogger sa kanyang video na natapos niya ang 14-day quarantine noong July 19.

Lahad niya, "Kahit na sinabi po ng law enforcers na, 'You can go out pag negative ka,' nag-stay pa rin po ako sa bahay ng 14 days. Tinapos ko po yung quarantine ko.

"Dumating po ako sa Hawaii ng July 6, and yung last day po ng quarantine ko is July 19.

"So, pwede na po ako lumabas ng July 20.

"Pero para makasigurado po na baka tama nga sila na [July] 20, last day ng quarantine ko, tumawag po kami sa law enforcers ng Hawaii para sa COVID-19.

"Actually, five times na po kaming tumawag ngayon and lahat po sila sinabi na 19 is yung last day ko, and 20, pwede na po akong lumabas."

Ayon pa kay Mika, binisita umano siya ng law enforcers ng Honolulu noong gabi ng July 22 upang tanungin tungkol sa kanyang violation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, last night din po, dumating din po yung pulis dito para i-clarify lahat.

"Kung meron po talaga akong nilabag, feeling ko dapat ngayon nasa presinto na po ako.

"Pero lahat po ng law enforcers na nakausap namin na sinabi na, 'You're not in trouble and we're good.'"

Muling paghingi nito ng tawad, "Again, sorry po. Naiintindihan ko po yung frustration ng mga tao. Alam ko naman po na sobrang serious matter ng COVID."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POSTING BAIL

Inilagay rin ni Mika ang quarantine hotline number ng Hawaii sa kanyang video para sa mga taong gustong kumpirmahin kung naayos nga ba ang kanyang isyu.

Ngunit umapela ang local authorities na hindi na ito kinakailangan, dahil baka makadagdag traffic lang daw ito sa kanilang phone lines.

Nakapag-post si Mika ng bail, na nagkakahalaga ng $2,000 o PHP98,669.78, sa tulong ng kanyang pamilya.

Si Mika ang 24th quarantine violator mula sa O'ahu na hinuli ng opisina ng Attorney General.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinay vlogger Mika Salamanca was apprehended in Hawaii on Friday, July 24, 2020 for violating the state's 14-day mandatory self-quarantine rule for foreign tourists and returning residents.
PHOTO/S: @mikslmnc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results