Derek Ramsay on marrying Andrea Torres: "Siguro in the next two years, it has to happen."

by Melba R. Llanera
Jul 31, 2020
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: “I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why. I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different. I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."
PHOTO/S: Instagram

Tinawanan lang ng magkasintahang Derek Ramsay, 43, at Andrea Torres, 30, ang balitang nagdadalantao na raw ang aktres at ang ama ay si Derek.

“Natawa nga kami sa tsismis na buntis siya about two, three weeks ago,” sabi ni Derek nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Zoom, noong July 27.

“Wala, natawa lang kami na everyone thought she might be pregnant.

“Hindi ko nga alam kung saan galing yung news na ‘yan. Natawa lang kami.

“It's not naman harming any of us, but it's not true."

September 25, 2019 nang aminin nina Derek at Andrea ang tungkol sa kanilang relasyon. Nagkakilala sila at nagkagustuhan habang ginagawa ang Kapuso primetime series na The Better Woman.

Kumusta na sila ngayon?

Ayon sa Kapuso hunk, "Andrea and I are doing very, very well. Tumutulong nga siya sa pagmu-move ng bahay.

“Nakakatuwa nga, yeah, we're very, very happy. I'm very, very happy.”

Continue reading below ↓

IS THIS FOR KEEPS?

Marami rin ang umaasang sila na ang magkatuluyan. Pero napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Sagot ni Derek, "Yung tungkol naman sa kasal, most definitely napag-uusapan na namin ‘yan.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.

“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.

Continue reading below ↓

“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."

Patuloy niya, "Siguro in the next two years, it has to happen.

“Like I've said, this relationship is so different and napi-feel ko na panghabang-buhay na talaga ito.

“Everybody gets along, her parents get along with my parents, my parents get along with her parents.

“My friends love Andrea, her friends like me.”

Sambit pa ni Derek, "Sana panghabang-buhay na talaga ito."

NEW NORMAL

Mahigit apat na buwan na ang nakalilipas mula nang nabago ang takbo ng buhay ng lahat ng Pilipino—artista man o hindi—dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Ngayon ba ay nakapag-adjust na si Derek sa tinatawag na “new normal”?

Saad niya, "I'm okay, I'm very happy, but at the same, medyo stressed ako.

“Kasi nasa process ako of moving into my home. Ako mismo ang naglilipat ng mga gamit kasama ang mga kasambahay ko.

“Kasi nga, because of the pandemic, it's hard to hire people. Magpapasok ka sa bahay mo, di natin alam… so just trying to be safe.

Continue reading below ↓

“Pero naka-cope na ako sa new norm. It took a while to adjust, pero ang importante, naka-adjust na ako."

Ayon kay Derek, ang pinakamahirap ngayong may pandemic ay hindi niya nakita ang kanyang pamilya sa matagal na panahon.

“Kasi I'm very close to my family. Hindi ko sila nakikita for the entire pandemic.

“Tagaytay sila, tapos si Andrea di ko rin nakita. Na-miss ko talaga ang pamilya ko.

“But yung conversation namin during the pandemic were quality conversations.

“There's both positive and negative in what happened."

Continue reading below ↓

Tulad ng halos lahat ng mga artista, on hold din ang lahat ng mga proyektong nakalinya sanang gawin ni Derek.

Aniya, "Actually, ang dami kong projects na naka-lineup before this pandemic hit. Lahat muna yun nakatengga ngayon.

“Ayoko namang mag-umpisa ngayon kasi lahat nakatengga pa, delikado ngayon 'coz the numbers are still rising.

“May offer naman sa akin ang GMA, inaayos lang kung paano ang gagawin para safe lahat ng mga tao.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on relationship with Andrea Torres: “I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why. I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different. I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results