Michael V. on social stigma associated with COVID-19: “Iniiwasan ka ng mga tao, kinatatakutan, pinandidirihan.”

by Bernie V. Franco
Aug 3, 2020
Michael V.: “Hindi biro ang magka-COVID. Nawalan lahat ng meaning yung lahat ng gamit ko dito. Ni wala akong ganang mag-set up, magkalikot, mag-PS4, o kahit mag-YouTube, o mag-Netflix, wala…"
PHOTO/S: YouTube (Michael V.)

Nakaranas daw ng pangha-harass si Michael V. at ang kanyang pamilya matapos tamaan ng COVID-19 ang Kapuso comedian.

Ibinahagi ito ni Bitoy, palayaw ni Michael V., sa video na in-upload niya sa kanyang YouTube channel ngayong Lunes, August 3.

Ani Bitoy, hindi biro ang hirap ng pinagdadaanan ng isang COVID-19 patient.

“Ang pinakamatinding makakalaban mo pala during quarantine, e, yung lungkot,” pagbabahagi niya.

Malungkot daw na hindi niya mahagkan at mayakap ang kanyang asawa't mga anak na nasa kabilang kwarto lamang.

Si Bitoy ay may apat na anak sa non-showbiz wife niyang si Carol “Ayoi” Bunagan.

“Paano pa yung severe na mga cases na talagang tinanggalan na ng pag-asa na makita ang mga mahal nila?” katwiran pa ni Bitoy.

Kinumpirma ni Bitoy na positibo siya sa COVID-19 noong July 20, 2020.

Kinukumpleto na lamang Bubble Gang star ang kanyang 14-day quarantine sa kanyang studio sa bahay.

DISCRIMINATION

Naibahagi rin ng GMA-7 artist ang diskriminasyon ng lipunan sa COVID-19 patients dahil siya mismo ay naranasan ito.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Nakakadagdag din sa sakit yung stigma sa mga COVID patients. Para kang tinatakan ng 'reject' ng lipunan.

“Kahit naka-full PPE [personal protective equipment] ka, iniiwasan ka ng mga tao, kinatatakutan, pinandidirihan.

“Ang masama, yung iba hinihiya o hina-harass ka pa.

“Hindi ko na lang idedetalye, pero kami mismo ng pamilya ko, naka-experience kami ng harassment.

“E, wala, ganun talaga, kaya siguro yung iba, ayaw na lang ipaalam na may COVID sila, or worse, kahit may nararamdaman na, ayaw na lang nilang magpa-test.

“Kasi bukod sa siguradong gagastos ka na, dadaanan mo pa yung mga ganun.”

Pero dagdag ni Bitoy, hindi ito ang tamang gawin.

“Although siyempre, hindi tama yun. Dapat maging responsable tayo.

"Hindi lamang para sa mga sarili natin, kundi para sa pamilya natin, mga kaibigan natin, at yung mga tao sa paligid natin na pwedeng maapektuhan."

Payo pa niya, “Huwag niyo na lang inintidihin ang sasabihin ng iba. Ipagdasal niyo na lang sila.

Continue reading below ↓

WHERE DID HE GET THE VIRUS?

Ang isa raw madalas itanong kay Bitoy ay kung saan niya posibleng nakuha ang virus.

Nang inamin ni Bitoy na nagpositibo siya sa COVID-19, nabanggit niyang palaisipan sa kanya kung paano niya nakuha ang virus, lalo’t hindi naman sila madalas lumalabas.

Sa latest video, nagbahagi ang komedyate ng tatlong teorya kung saan niya posibleng nakuha ang virus.

“Nung early July, bumiyahe kami sa Batangas.

"Kahit bahay-kotse-bahay lang yung naging sistema namin, papunta at pabalik, siyempre yun kaagad ang pumasok sa isip ko.

“Dun sa biyahe namin na ‘yon, tatlong tao lang ang medyo nakalapit sa akin, at lahat sila ngayon ay negative,” ani Michael V.

Posibleng pinayuhan ng Bubble Gang star ang tatlo na magpa-test din.

Ang pangalawang senaryo ay kaugnay ng kanilang mga kasambahay.

Ani Bitoy, “Sa apat na kasambahay namin na pina-test din namin, isa ang nag-positive, pero asymptomatic.”

Pero sa palagay raw ni Bitoy, hindi ang naturang kasambahay ang nakahawa sa kanya dahil hindi niya nakakasalamuha ang mga ito.

Continue reading below ↓

“Kumpara sa misis ko at sa mga anak ko, ako yung hindi in-contact sa kanila.

“Si Ayoi at mga anak ko, nag-negative din sa tests, so ibig sabihin hindi ko sa kanila nakuha.

“So, saan ko kaya nakuha yung virus?”

Ani Bitoy, marahil ay sa online deliveries daw niya na-contract ang virus.

“Ang duda ko, deliveries. Pero, FYI, lahat ng deliveries na dumadating, hindi nakakapasok dito sa studio nang hindi sina-sanitize.

“Pero dahil siguro sa sobrang excited ko na mabuo ang studio ko, palagay ko, may mga online deliveries akong nabuksan tapos diretso ginamit ko na agad.

“Sa sobrang atat ko, malamang hindi ko na na-sanitize yung nasa loob nung package.

“Yun lang ang nakikita kong paraan para makasingit yung virus sa loob ng katawan ko.”

Payo ni Bitoy: “Kaya advice ko sa lahat ng gustong magpa-deliver, please lang, maniguro kayo.”

Dahil daw rito, dobleng pag-iingat ang ginagawa nila kapag may deliveries sila.

Continue reading below ↓

“Ngayon, doble na ang dinadaanan ng deliveries namin.

"Una, sina-sanitize, tapos inii-sterilize ng UV light. Hindi lang yung packaging, pati yung laman.”

Sa kaso daw ni Bitoy, kapag may dumadating siyang deliveries, nakasuot daw siya ng face mask, at naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos buksan.

“Hindi biro ang magka-COVID,” babala ni Bitoy.

“Nawalan lahat ng meaning yung lahat ng gamit ko dito.

"Ni wala akong ganang mag-set up, magkalikot, mag-PS4, o kahit mag-YouTube, o mag-Netflix, wala…

“Ayoko nang gumawa ng vlog. Ang gusto ko lang, gumaling na kaagad ako para mayakap ang pamilya ko.”

Nabanggit din ni Bitoy na kumuha siya ng health certificate na nagsasabing “kapag umabot na ako ng 14 days na walang symptoms, e, lalaya na ako.”

Saad pa niya, “At yun ang pinanghahawakan ko, inspiration.”

“I claim, in His name, I’m a COVID survivor.”

Siyam na araw na siyang hindi nakakaramdam ng sintomas nang i-shoot ang kanyang vlog.

Continue reading below ↓

Hopefully raw ay nasa 11th day na siya ng quarantine kapag na-post ang vlog.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V.: “Hindi biro ang magka-COVID. Nawalan lahat ng meaning yung lahat ng gamit ko dito. Ni wala akong ganang mag-set up, magkalikot, mag-PS4, o kahit mag-YouTube, o mag-Netflix, wala…"
PHOTO/S: YouTube (Michael V.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results