Detach Video

Remember when Angeline Quinto finally revealed the secrets she kept for years?

by Rommel R. Llanes
Published Aug 5, 2020

Marso, 2018, kaharap ang ilang kaibigan sa showbiz press, inamin ni Angeline Quinto ang mga lihim na itinago niya nang ilang taon.

Dahilan ni Angeline kung bakit niya ito inilihim sa lahat, "Hindi ko po pina-cover talaga yun, kasi parang natakot ako.

"Na... kung ano ang isipin ng mga tao. Pero kasi ginawa ko po yun para... Kasi dun ako kumportable.

"At alam ko na malaki po ang naitulong sa trabaho ko."

Ang mga lihim na tinutukoy ng Kapamilya singer-actress ay ang kanyang mga pagpaparetoke.

Sa simula, itinanggi muna ni Angeline ang tsismis na nagparetoke siya ng ilong.

Pero ibinunyag at inamin naman niya ang surgical procedures na ginawa sa kanya ng Belo Clinic.

Ang Belo Clinic ang kilalang beauty and surgical clinic na takbuhan ng karamihang celebrity para sa kanilang beauty enhancement at maintenance needs.

Paglilinaw ni Angeline, hindi siya nagparetoke ng ilong.

Pero pag-amin naman niya, "Yung liposuction na ginawa po sa akin four years ago, yun ang totoo... at yung sa mata."

Lagi raw kasing nagrereklamo ang halos lahat ng nagme-makeup kay Angeline dahil nahihirapan ang mga ito na makeup-an ang kanyang mata.

Nagpalagay raw siya ng guhit sa talukap ng mata.

Ibinunyag na rin niya ang ginawang breast reduction surgery sa kanya ng Belo.

Mula 36-D ay 36-B na lang siya.

Problema raw kasi lagi ang paghahanap ng magkakasyang damit sa kanya dahil sa laki ng kanyang dibdib.

Sabi pa niya sa interview, halos tatlong taon na ang nakalipas nang magpabawas siya ng size kanyang dibdib.

Tinanong pa sa kanya ng kausap na reporters kung ano nasabi ni Erik Santos sa ginawa niyang pagpaparetoke.

Si Erik ang rumored boyfriend niya nung panahon na iyon.

Sagot ni Angeline, "Kung ano naman ang gusto ko, e. Support lang lagi si Erik sa lahat."

Ngayong taon, muli na namang lumutang ang isyu ng pagpaparetoke ni Angeline.

Marahil ay sagot na rin ng singer ito sa mga pumupuna sa kanya na retokada siya.

Sagot naman ni Angeline sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts: "Proud retokada here."

HOT STORIES

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results