Nakatagpo na ng bagong pag-ibig si Joseph Marco sa Russian model na si Dasha Romanova.
Ngayong Huwebes, August 6, ipinakilala ni Joseph si Dasha bilang kanyang girlfriend at "missing piece" daw sa kanyang buhay.
Tila patay na patay si Joseph sa nobya, base sa sweet photos na ibinahagi ng Kapamilya actor sa Instagram.

May kuha pa sila sa loob ng kotse kunsaan masuyo nilang hinalikan ang isa't isa.
Sa iba pang litrato ay magkahawak ang kanilang kamay o kaya naman ay nagsusubuan ng ice cream.

Romantic naman ang vibe ng isang litrato kunsaan nakaupo sila sa batuhan na ang view sa likuran ay city lights.
Yakap pa ni Joseph si Dasha roon.

Sabi ni Joseph sa caption ng kanyang Instagram post: "At times I would find myself crying with happiness.
"The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness.
"I’ve never felt so safe and secured like this."
Bukas din si Joseph sa pagsasabing gusto niyang laging magkasama sila ni Dasha.
"Now I know that you’re the missing piece I’ve been trying to find. You bring so much joy and love to my life.
"I always look forward to being home with you and spending time with you. You have the sweetest and most loving heart.
"Thank you for loving me and accepting my love in return. I love you today and for all my tomorrows."
Noong Miyerkules, August 5, unang ipinost ni Joseph ang isang glass frame kunsaan nakapaskil ang memorable moments nila ni Dasha na magkayakap at magkahalikan.
"You are the one I’ve waited for," saad sa caption niya.

"BREAKFAST EVERY DAY"
Hilig ni Joseph ang baking at cooking, at ginagamit niya ang kanyang culinary talent para lalong mapaibig si Dasha.
Kamakailan lang ay hinandaan niya ng healthy breakfast ang nobya.
Sa Instagram post ni Dasha noong July 31, kinunan niya ng litrato si Joseph at ang oats with fruits na hinanda ng binata.
Caption ng dalaga, "beautiful breakfast for me by amazing person."
May kahawig ding litrato si Joseph sa kanyang Instagram feed kalakip ang mensaheng "I’ll make you breakfast every day."

JOSEPH'S BREAKUP WITH FILIPINO-ITALIAN GIRLFRIEND
Tila nito lang quarantine nagkagustuhan sina Marco at Dasha.
Noong Marso ay karelasyon pa ni Joseph si Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi.
May lahing Pinoy at Italian si Celeste na isa ring model.
Naiulat noon ang pagiging besotted boyfriend ni Joseph. Minsan ay sinorpresa niya si Celeste ng bouquet of red roses kahit walang espesyal na okasyon.
Bukas din si Joseph sa pagsabing gustung-gusto niyang hinahalikan ang nobya kapag magkasama sila.
"Hard to sit here and be close to you, and not kiss you," caption ni Joseph sa litrato nila ni Celeste sa isang restaurant.
Pero ngayon ay burado na sa Instagram feed ni Joseph ang mga litrato nila ni Celeste. Wala na ring bakas ng pagmamahalan nila sa Instagram feed ng beauty titlist.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
