PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donita Nose on dealing with COVID-19 patients: "Huwag niyo ipakita na nandidiri kayo."

Donita Nose on recovering from COVID-19: "I'm getting better and better!"
by Rachelle Siazon
Published Aug 7, 2020
"Huwag niyo gawing biro yung paglabas-labas. Kahit sa mall. Kahit malayo sila. Huwag talaga. Kasi ako, alam ko yung precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao. Pero eto tinamaan. So doble ingat talaga," says comedian Donita Nose who's on his way to recovery from COVID-19.
PHOTO/S: Donita Nose Facebook

Hindi dapat pandirihan ang mga taong tinamaan ng COVID-19.

Ito ang mensahe ng Wowowin co-host na si Donita Nose na tinamaan ng kinatatakutang virus.

Sa kanyang Facebook Live noong August 1, ibinahagi ni Donita ang realidad na may COVID-19 patients na pinandidirihan ng mga kapitbahay.

Paalala niya: "Huwag natin silang i-bully. Huwag natin sila i-judge. Sometimes hindi rin talaga nila kagustuhan yung nangyari sa kanila.

"Kasi yung iba talaga kung makapagsalita, 'Naku, iwasan niyo 'yan! Ganito, ganyan.'

"Huwag ganun. Puwedeng umiwas sa tamang paraan. Pero huwag nating iparamdam sa kanila na nandidiri tayo.

"Kasi mahirap, guys, mahirap talagang magka-COVID, sa totoo lang. Hindi siya ganun kadali, hindi siya ganun kasimpleng sakit."

Dasal at pang-unawa ang higit na kailangan daw ng mga COVID-19 patients.

"Hindi lahat blessed na may tutulong sa 'yo pag naospital ka. So, mahirap.

"Ang kailangan natin, tayu-tayo magtulungan lalo na sa magkakakapitbahay. Kung may kapitbahay kayo na may COVID, ipag-pray niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huwag niyo ipakita na nandidiri kayo. It's not the right way para iparamdam sa kanila...

"Tumulong ba kayo? Instead binababa niyo lang sila, sinasaktan niyo pa yung feelings nila, imbes na gumaling sila."

Pagkatapos ay ibinahagi ni Donita ang personal niyang karanasan sa COVID-19.

July 24 nang unang kinumpirma ni Donita na mayroon siyang pneumonia. Iyon din ang unang araw na na-confine siya sa ospital.

Makalipas ang ilang araw ay lumabas na positibo siya sa COVID-19.

HOT STORIES

DONITA'S SYMPTOMS OF COVID-19

Isang linggo raw siyang dumanas ng "on-and-off" na lagnat, pananakit ng ulo, at pagtatae bago siya nagdesisyong sumugod na sa ospital.

"Nung umpisa, okay lang ako sa bahay. Kasi sa bahay na ako nakaramdam, e. So, talagang nag-isolate ako.

"First, second, third day, kaya ko pa. Pero yung lagnat ko nun, on and off tumataas talaga siya—38 to 39 degrees.

"After mga tanghali, wala akong lagnat, pero kinagabihan meron ulit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero nung naramdam ko na may something na sa dibdib ko, I decided na magpaospital na.

"Feeling ko, kung di pa ako nakapagpaospital that time, feeling ko mas malala pa mangyayari sa akin."

Mangiyak-ngiyak si Donita noong unang araw niya sa ospital. Pang-20 siya sa pila ng mga pasyenteng nais magkaroon ng private room, at umabot ng limang araw bago pa siya nabigyan.

Pero noon ngang August 1, bumalik na ang sigla ng comedian.

Kuwento niya, "Wala talagang mapalagyan. Wala talagang room na available sa sobrang dami ng pasyente. Yun din ang struggles pag nasa ospital ka, saan ka pupuwesto."

NO IDEA WHERE HE GOT THE VIRUS

Hindi pa rin lubos-maisip ni Donita kung saan niya nakuha ang virus.

Sinikap naman daw niyang mag-ingat at sumunod sa safety protocols tulad ng social distancing at pagsuot ng mask kapag siya ay namimili sa grocery at kapag papasok ng trabaho.

Ayon kay Donita, "Ako naman, nagma-mask talaga ako. Hindi ko alam paano siya nakalusot. Hindi ko talaga siya maisip kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako nga, kung nag-grocery ako, pagdating ko sa bahay, naliligo agad ako. Pag lumalabas ako, pag papasok, maliligo agad ako.

"Hindi ko talaga alam kung saan, di mo talaga makikita, e. Hindi mo talaga alam kung nasaan siya."

Tingin ni Donita ay nakasama ang pagdidiyeta at hindi niya pagkain nang tama kaya nanghina ang kanyang resistensiya.

Aniya, "Kasi 'yan ang ginawa ko, diet ako nang diet. Kung gusto niyo, kung ayaw niyo tumaba, kumain kayo nang tama.

"Pero huwag muna kayo mag-diet. Siyempre pag nag-diet ka, humihina katawan mo. So kailangan talaga kumain.

"Kaka-diet ko, ayan, na-diet tuloy ako sa ospital."

Bago nagkasakit ay napapanood si Donita sa Wowowin, ang show na hinu-host ni Willie Revillame sa GMA-7.

Una nang siniguro ni Willie na negatibo siya at pati ibang staff ng show.

RECOVERING FROM COVID-19

Kumpiyansa naman si Donita na tuluy-tuloy ang kanyang paggaling lalo pa't hindi raw malubhang COVID-19 ang dinanas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang pagbabalita niya, "I'm getting better and better!

"Hindi na ako nanghihina. Hindi na ako nahirapan huminga.

"Buti nga di ako umabot sa punto na kailangan magtubo. Awa ng Diyos, naagapan."

Nakakatulog at nakakakain na raw siya nang maayos.

"Maraming progress. I know na palakas na ako nang palakas talaga.

"Thank you sa lahat ng prayers niyo, guys! Grabe talaga. It's really effective guys."

Inaasahan ni Donita na anumang araw ay papayagan siyang makauwi ng bahay. Pero kailangan pa rin daw niyang sumailalim sa required 14-day quarantine.

Sa ulat ng 24 Oras noong August 4, nasa ospital pa rin si Donita, pero masigla niyang sinabi na tuluy-tuloy ang paggaling niya.

Sobra ang pasasalamat niya hindi lang sa medical frontliners na nag-alaga sa kanya kundi sa lahat ng mga tumulong at nagdasal para sa kanya.

Nangako rin si Donita na handa siyang mag-donate ng plasma para makatulong sa ibang COVID-19 patients.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-iwan naman ng mensahe si Donita na iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi rin lang essential ang gagawin.

"Huwag niyo gawing biro yung paglabas-labas. Kahit sa mall. Kahit malayo sila. Huwag talaga.

"Kasi ako, alam ko yung precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao. Pero eto tinamaan. So, doble ingat talaga."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Huwag niyo gawing biro yung paglabas-labas. Kahit sa mall. Kahit malayo sila. Huwag talaga. Kasi ako, alam ko yung precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao. Pero eto tinamaan. So doble ingat talaga," says comedian Donita Nose who's on his way to recovery from COVID-19.
PHOTO/S: Donita Nose Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results