Former Manila Mayor Alfredo Lim passes away at 90

by James Patrick Anarcon
Aug 8, 2020
Former Manila Mayor and senator Alfredo Lim passes away at 90.
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras

Pumanaw na ang dating senador at mayor ng Maynila na si Alfredo Lim.

Siya ay 90 years old.

Ayon sa report ng dzBB reporter na si Sam Nielsen, isang kapwa journalist na tinuring na “anak-anakan” ni Lim ang nagkumpirma ng kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang text message at 5:41 PM.

Hindi nabanggit kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng dating Manila mayor.

Ngayong gabi, nag-post sa Facebook ng isang farewell message ang anak niyang si Christy.

Saad ni Christy sa kanyang Facebook post (published as is): "Sobrang sakit! Sabi ko di ako mag popost Dko pa rin Alam Ano nararamdaman ko Pero gusto ko Lang malaman ng lahat na pakiramdam ko ngayon ay Punit punit ako na hindi na kaya mabuo!

"‘Tay ma miss kita sobra yung mga tawag mo sakin pag may Utos ka, ask mo ako oh christy asan ka ngayon sagot naman ako dito sa bahay ‘tay oh punta ka dito may utos Lang ako sayo! Pag andito naman ako sa states mag call ka Christy Kelan ka babalik oh bilhan mo ako ng t shirts yung pamimigay natin sa mga Tao yung magandang design ha! Tapos maglalambing ka christy bilhan mo ako ng food for the gods yung dinadala mo sakin na masarap?

Continue reading below ↓

"Alam mo ‘ Tay isang tawag mo Lang sakin iba yung pakiramdam ko proud na proud ako sa sarili ko na lagi mo ako inuutusan. Ngayon Paano na ako? Dna ako maging proud kasi wala ka na wala ng tatawag sakin? ‘Tay Bakit bigla mo kami iniwan mga 10 years or more ka pa namin gusto makasama Pero wla ka na Paano na ako? Kami? Sabi nila female version mo daw ako sobrang saya ko pag naririnig ko yan kaya Lang wala ka na wala na akong kamukha!

"Dko Alam kung Paano ako magpapatuloy sa buhay na masaya ngayong wlaa ka na! Maraming maraming Salamat sa pagmamahal mo na Walang kaparis! Maraming maraming Salamat na IKaw ang naging TATAY namin! Rest In Peace! Eternal rest grant unto you tatay! Mahal na mahal na mahal kita! Till we meet again. please pray for the repose of his soul"

Continue reading below ↓

Kahapon, August 7, napabalitang isinugod sa ospital si Lim dahil sa COVID-19.

Noon ding araw na iyon ay kumalat sa social media ang diumano’y pagkamatay ni Lim.

Pinabulaanan ito ng kanyang chief-of-staff na si Ric de Guzman at humiling ng dasal para sa dating senador.

Maging ang kasalukuyang mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay pinabulaanan ang balita bagama’t kinumpirma nitong nagpositibo sa COVID-19 si Lim.

Kilala si Lim sa palayaw na “Dirty Harry” dahil sa kanyang controversial anti-crime campaigns.

Dalawang beses naglingkod bilang mayor ng Maynila si Lim. Ang unang termino niya ay mula 1992 hanggang 1998. Muli siyang inihalal bilang alkalde noong 2007 hanggang 2013.

Naging senador naman si Lim mula 2004 hanggang 2007.

Sumabak din sa television hosting noon si Lim, nang magkaroon siya ng sariling programang pinamagatang Katapat, Mayor Fred Lim, isang crime documentary na ipinalabas sa ABS-CBN noong 1998.

Bago maging mayor ng Maynila, in-appoint si Lim bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) ng dating Pangulong Corazon Aquino, mula 1989 to 1992.

Continue reading below ↓

Noong 2000, itinalaga siya bilang Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) ni dating-Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Manila Mayor and senator Alfredo Lim passes away at 90.
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results