Clint Bondad answers netizens calling his Instagram post "weird, creepy"

by Rachelle Siazon
Aug 9, 2020
One comment to Clint Bondad's latest Instagram post reads: "Do not follow the demons, do you think that hell is cool?"
PHOTO/S: @clintbondad Instagram

Hindi napigilan ng netizens na tawaging "creepy" at "weird" ang agaw-pansing Instagram post ni Clint Bondad.

Nagbahagi kasi si Clint ng litrato ng imahe ng tao na ang ulo ay hayop na may sungay.

Hindi mawari kung maskara lang iyon, pero tila mala-kulto ang dating dahil sa mga kandilang nakapalibot sa nakaluhod na imahe.

Caption ni Clint: "What sin do I bring 4 U

"If not eXcitment

"No one likes 2 resist curiosity."


Continue reading below ↓

Nangilabot ang karamihan sa netizens na nakakita ng kakaibang post ni Clint.

"Do not follow the demons, do you think that hell is cool?" tanong ng isang netizen.

Sagot ni Clint na tila hindi apektado: "cool? No."

"What is that @clintbondad so weird," tanong ng isa pang netizen.

Wala sa hulog ang sagot ni Clint.

Aniya, "yes. I have tits" at "they jiggle."

Continue reading below ↓

Isa pang nabagabag na netizen ang nagsabing "perfect example" daw si Clint ng isang "anti-Christ."

Sana raw ay makahanap ng "peace" si Clint at mawala na sa "darkness" na tila kinaroroonan daw ng model-actor.

Hirit uli ni Clint, "perfection is my curse" at siya raw ay "just an actor."

HOT STORIES

PRAYERS FOR CLINT

Ang iba ay pinayuhan siyang magdasal dahil tila nalilihis daw siya ng landas.

Continue reading below ↓

May nag-post pa ng Bible verse, pero sabi lang ni Clint dito: "only words."

Paalala ng isa pang netizen, "Why don't you seek God instead of posting like that? God loves you sir clint."

Sagot ni Clint, "who said I don't?"

Continue reading below ↓

Palagi raw kasama si Clint sa dasal ng isa niyang Instagram follower.

"God NEVER Gives up on you. So why are you giving up yourself?

"you'll always be in my Prayers. Miracles do happen. #PowerOfprayer."

Komento naman ni Clint, "I obey only the body."

"Don't go to the dark, life is better when you seek for the light. I'm praying for you," mensahe ng isa pang follower ni Clint.

Continue reading below ↓

Matalinhagang sagot ng binata, "within dark there is no light."


Sa isang netizen na nagsabing "creepy" ang kanyang post, nilinaw ni Clint na hindi naman daw niya pinapayong sambahin ang imaheng ibinahagi niya.

Aniya, "just don't pray on it and you will be fine."

Continue reading below ↓

Pero walang malinaw na paliwanag si Clint kung ano ang hugot ng kanyang post.

on PRIDE AND MOVING ON

Malaman ang mensahe ng isang netizen na nagsabing, "Sometimes our enemy is our pride."

Sang-ayon si Clint, "but that's my sin."

Continue reading below ↓

Na-curious ang iba pang netizen kung ikatatahimik ng kalooban ni Clint ang pagbabahagi ng cryptic posts sa social media.

Dagdag na tanong kay Clint, "Or is it easier to be angry?"

Sabi ni Clint, "hmmm I am actually always peaceful."

May nagtanong kung baka kailangan na ni Clint magpatingin sa "therapist" na maaaring makatulong sa pag-counsel sa binata.

Continue reading below ↓

"Covered" naman daw ng "insurance" ang consultations sa therapist.

Natawa lang si Clint at sinabihan ng "love u" ang concerned netizen.

Simpleng payo naman ng isang commenter, "Move on."

Paiwas na sagot ni Clint, "2 u? Haha u make me laugh."

Continue reading below ↓

STILL IN THAILAND with thai billionaire

Noong July 20, naiulat na si Clint ay siyam na buwan nang nakabase sa Thailand kasama ng Thai transwoman billionaire na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip.

Si Anne ay nagpakilalang malapit na kaibigan ni Clint, at parang magkapatid raw ang turingan nila.

Sinita noon ni Anne si Clint na itigil ang cryptic posts nitong wala daw katuturan bago raw makaapekto sa ibang tao.

Nag-post pa si Anne ng litrato nila ni Clint kunsaan mapapansing mahaba ang balbas ng model-actor, tulad ng hitsura nito sa kanyang latest pictures.

Noong August 1, nag-post si Clint na kasama niya si Anne sa isang lugar na may view ng buildings at city lights.

Bahagi ng caption ni Clint: "Don't let people who don't understand friendship tell u how to do anything.

"U don't choose u find.

"Get rid of them in ur life! If they don't understand it then they don't have it... And then they cant give it. Sadly."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One comment to Clint Bondad's latest Instagram post reads: "Do not follow the demons, do you think that hell is cool?"
PHOTO/S: @clintbondad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results