Muling magma-migrate sa Amerika ang aktres na si Donita Rose, kasama ang kanyang anak, para makapagsimula muli.
Nakatakda silang umalis ng Pilipinas pagkatapos ng dalawang linggo.
Sa katunayan, naibenta na raw ni Donita ang karamihan ng kanyang mga gamit.
“The plan is to migrate back. I have sold a lot of my items.
“I will be staying in San Francisco... let’s see.
“I’m giving myself a year to kind of establish myself and look for a job and all that.
“If it works out, then I’ll be there close to the family. Kasi lahat ng family ko, nasa Amerika.”
Sinabi ito ni Donita sa interview sa kanya ni Dyan Castillejo, via Facebook page ng ABS-CBN Christian Fellowship, noong August 8, Sabado.
Nagbalik si Donita sa Pilipinas noong 2015 kasabay ng paglabas ng balitang nagkakaproblema ang pagsasama nila ng asawang si Eric Villarama, isang Filipino-American.
Kinumpirma ni Donita ang paghihiwalay nila ni Eric, dahil sa “character flaws” at “character issues,” noong July 2016.
Sa isang press conference noong July 2017, ibinalita ng actress-host na naaprubahan ang divorce nila ni Eric noong December 2016.
Ikinasal sila sa Santa Barbara, California, noong June 9, 2003. Nagtagal ang pagsasama nila ng labindalawang taon.
HAPPY WITH HER DECISION
Sa interview niya kay Dyan, sinabi ng 45-year-old actress-host na magse-“semi-retire” siya para matutukan ang pagpapalaki sa anak.
“I’m a single mother. I really made my son my priority,” pagtukoy ni Donita sa 16-anyos na anak na si Joshua Paul "JP" Villarama.
“I’m happy with my decision. I can focus on doing that in the States.
“I want to, in this new phase of my life, maybe enjoy a little more.”
Pag-amin ni Donita, hindi naging madali ang mga nakalipas na taon para sa kanya, partikular sa aspetong pinansiyal.
Hindi raw regular ang pagbibigay ng sustento ng dating asawa para sa kanilang anak.
Nagtrabaho si Donita sa showbiz, pero hindi naging regular ang dating ng mga proyekto. Labis daw siyang naapektuhan at nagkaroon pa ng mga utang.
“The ex, he hasn’t really been helping financially.
"As a result, things have been quite difficult here in the Philippines. And I’ve been working. I still have work naman here and there, but it’s not been consistent.
“And so, living expenses and all those things sometimes takes a long, long time before you are able to take things back and [you’re] way behind on your bills.
“There would be seasons I would feel drowning in debt and sorrows.”
Nagkaroon naman daw ng mga pagbabago sa kanyang buhay, at masaya niyang ibinahagi na wala na siyang utang.
Pero mas minarapat daw niyang bumalik sa Amerika para makapagsimula muli.
CANNOT MAKE ENDS MEET HERE
Tinanong si Donita kung ano ang nag-udyok sa aktres na mag-migrate sa U.S.
Tila nagkaroon ng agam-agam si Donita bago sumagot, dahil baka ito raw ang gawing headline sa mga lalabas na artikulo tungkol sa kanyang interview.
Pero ibinunyag din niya ito sa ngalan ng “transparency.”
Aniya, “I really couldn’t meet the daily needs anymore.”
Sa totoo raw, wala pa namang naghihintay na trabaho sa kanya sa Amerika, pero may mga mga plano na siya para masuportahan silang mag-ina.
“I had a meeting with TFC [The Filipino Channel]. I’d like to still do something with the Filipino community,” sabi ni Donita.
Kung hindi man daw ito matupad, may iba pa siyang option.
“But if not, I’m open naman to other things. I also have a culinary degree.
“I worked in the food industry for almost three years, so I have a lot of experience there.
“So I’m very, very proud of that.
“I started at the bottom peeling potatoes, scrubbing the floor, and umabot na rin ako sa fine dining sa Mandalay Bay,” pagtukoy niya sa tanyag na resort and casino sa Las Vegas, Nevada.

“So I’m super proud. I know my stuff,” ani Donita, na nagtrabaho raw sa KUMI Japanese Restaurant sa Mandalay Bay.
Isa pa sa nais tutukan ni Donita ay ang pagiging food vlogger, na sinimulan niya bago pa man mangyari ang pandemic.
OPTIMISTIC SANFO WILL BE BETTER
Kumpiyansa raw si Donita na magagawa niyang makapagsimula muli sa San Francisco, lalo pa’t nakasuporta ang kanyang pamilya roon.
Aniya, hinikayat daw siya ng ina at kapatid na pumunta sa San Francisco para siya naman ang tulungan nila.
“Actually, my mom in the States is a school teacher. She’s been a school teacher for fifty years.
“We have two houses in the States, and right now my mom is in the process of buying another house."
Sabi pa ni Donita, “I have a roof over my head, my mom can pay my bills because ako naman, my whole life, I’ve been helping my family up until the time that I got married.
“Halos lahat ng pera ko, sa family ko yun. In other words, my family knows that I’ve helped a lot.”
Noong una raw ay hindi siya pumayag sa alok ng ina na bumalik sa Amerika.
Nagbago raw ang kanyang isip nang tumawag ang kapatid na lalaki ni Donita na itinuturing niyang best friend, si Paul Cavett.
Kuwento ni Donita, “He was crying, ‘Mom told me you’re having some issues right now.’ Sabi niya, ‘I don’t wanna see you going through this.’”
Tiniyak daw ni Donita sa kapatid na nabubuhay naman siya at kakayanin ang hamon sa kanyang buhay.
Pero ang sumunod daw na sinabi ng kapatid ang nagpabago sa kanyang isip.
Sabi raw nito kay Donita, “You’ve taken care of me my whole life, it’s my turn to take care of you.”
Masayang pahayag ni Donita, “They are just so excited to have me.”
Late '80s nang pasukin ni Donita ang showbiz at naging miyembro ng dating youth-oriented show ng GMA-7 na That’s Entertainment.
Sumikat si Donita noong dekada ‘90 sa poder ng GMA-7, at nakagawa ng maraming TV projects at mga pelikula.
Gumawa rin siya ng pangalan sa international scene nang maging disc jockey sa MTV Asia at naging cover pa ng TIME Magazine Asia noong 1999.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
