Gerald Anderson directly asked if he's in a relationship with Julia Barretto

by Rachelle Siazon
Aug 11, 2020
Gerald Anderson neither confirms nor denies rumored romance with Julia Barretto. On keeping mum about his love life, he says, "Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business."
PHOTO/S: @juliabarretto / @nhilanhils / @andersongeraldjr Instagram

Magkarelasyon nga ba sina Gerald Anderson at Julia Barretto?

Ito ang diretsahang tanong kay Gerald hinggil sa matagal nang usap-usapan sa showbiz circles na "in a relationship" sila ni Julia.

Komento ng isang entertainment reporter, "The more that you are silent about it, the more that chismosos and chismosas are insisting about it. Paki-unlock mo nga iyang love rumors na iyan once and for all."

"Ang ganda ng segue, ha," napangiting bungad muna ni Gerald.

Pero hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Gerald ang balitang may unawaan sila ni Julia.

Paiwas na sagot ni Gerald, "Siguro, unang-una, ayoko na rin pag-usapan ang isang taong wala naman din dito.

"Walang koneksiyon sa ginagawa natin ngayon.

"Respeto na rin po siguro sa kanila. Labas po tayo diyan..."

Hindi man niya nasagot ang tanong, kalmado at maayos na ipinunto ni Gerald na nais lang daw niyang manahimik tungkol sa kanyang personal na buhay.

Continue reading below ↓

"Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin 'yan sa ibang tao," ani Gerald.

Hindi naman maiwasang tanungin si Gerald tungkol sa isyu dahil magkasunod silang sumalang ni Julia sa Zoom presscon para sa Love Unlock ngayong Martes ng hapon, August 11.

Nauna ang presscon ni Julia at ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia na bibida sa "E-numan," na bahagi ng two-part digital film na Love Unlock.

Sumunod ang "Hook-up" na ang mga bida ay sina Gerald at Arci Muñoz.

Sinagot naman ni Gerald kung ano ang mga katangiang natuklasan niya sa sarili na makakatulong sa oras na pumasok siya sa isang relasyon.

Sabi ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Siguro yung patience, understanding, yung selflessness na kapag pumasok ka sa isang relasyon, hindi na lang sarili mo ang iniisip mo, may partner ka na."

Mahalaga rin kay Gerald na siya ay maging good "provider."

Continue reading below ↓

"I think, more than anything, makapag-provide ka para sa kanya, at maramdaman niya na kapag kasama ka, lagi siyang ligtas."

HOT STORIES

JULIA'S MYSTERY "LOVED ONE"

Lumalabas na hindi pa rin natitigil ang espekulasyon kung may espesyal na ugnayan nga ba sina Julia at Gerald.

Pareho nilang mahigpit na ginaguwardiyahan ang mga bagay na may kinalaman sa kanilang love life.

Nang magdiwang ng 23rd birthday si Julia noong Marso, nagpahiwatig siya na tanging mga kapamilya ang nakasama niya sa isang intimate dinner sa kanyang bahay.

Special mention sa kanyang Instagram post ang isang "loved one" na hindi niya pinangalanan, pero kasama rin daw niya sa kanyang kaarawan.

Nanindigan noon si Julia na ngayong 23-anyos na siya ay gusto niyang maging malaya para umibig.

Sa panayam ng Magic 89.9 FM noong May 11, 2020, tumangging magdetalye si Julia kung single siya o taken na.

Ang mahalaga ay "happy" raw ang estado ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

"If there’s something that you really wanna last and work out, protect it as much as you can," sabi ni Julia.

Dagdag ng aktres, "Don’t share so much about a relationship that is supposed to be just between two people."

THE GERALD-BEA-JULIA-JOSHUA CONTROVERSY

Hindi kaila sa publiko ang kontrobersiyang nakapalibot sa halos magkasunod na celebrity breakups noong 2019.

Una rito ay sina Julia at Joshua, na umaming naghiwalay bandang end of June at first week of July 2019.

Makalipas ang ilang linggo, noong July 21, 2019, pumutok ang balitang may pinagdaraanang problema si Bea Alonzo at may kinalaman ito sa nobyo niyang si Gerald.

Agaw-pansin ang pag-react ni Bea sa mga litrato kunsaan namataang magkasama sina Gerald at Julia sa birthday party ng kaibigan nilang si Rayver Cruz.

Noong July 23, 2019, naiulat sa PEP.ph ang impormasyon ng isang source ng Cabinet Files na umamin si Gerald kay Dennis Padilla na nanliligaw siya sa anak nitong si Julia.

Continue reading below ↓

Sinasabing nagkausap daw sa telepono sina Gerald at Dennis matapos mag-aalala si Dennis kung bakit si Julia ang sinisisi sa breakup nina Gerald at Bea.

Umamin din si Gerald na hiwalay na sila ni Bea.

Ayon naman kay Bea, wala siyang ideya na break na sila ni Gerald dahil bigla na lang siyang na-ghosting ng aktor.

Sinabi iyon ni Bea sa panayam ng ABS-CBN News noong July 27, 2019.

NO TRUTH TO CHEATING ALLEGATIONS

Pero sa kasagsagan ng kontrobersiya, mariing pinasinungalingan ni Gerald na si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Sa ulat ng TV Patrol noong August 5, 2019, inilahad ni Gerald na sunud-sunod daw ang naging pag-aaway nila ni Bea hanggang sa nagkaroon sila ng "one big fight."

Pagkatapos daw noon ay aminado si Gerald na "umiwas" na siyang makipag-communicate kay Bea.

Aniya, "Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup. Para sa akin, it’s always been our personal issues, things that we… things inside our relationship."

Continue reading below ↓

Kinabukasan, August 6, 2019, nanindigan din si Julia na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Kung anu-anong masasakit na salita raw ang tinamo ni Julia, gayong hindi umano totoo ang alegasyong siya ay "third party."

Ayon pa kay Julia, lalong hindi totoo ang akusasyong niloko niya si Joshua dahil apat na buwan na silang hiwalay, at malinaw raw sa kanilang walang sangkot na third party dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson neither confirms nor denies rumored romance with Julia Barretto. On keeping mum about his love life, he says, "Ganun po talaga yung character ko. I mind my own business."
PHOTO/S: @juliabarretto / @nhilanhils / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results