“You are not alone.”
Bahagi ito ng mensahe ni Sharon Cuneta para sa panganay na si KC Concepcion, na hanggang ngayon ay tila dinaramdam pa rin ang pagkakaroon ng hiwalay na magulang.
Kahapon, August 12, ibinahagi ni KC sa Instagram ang teaser ng interview sa kanya ni Luchi Cruz-Valdes para sa Usapang Real Life, ang TV5 program na magsisimula ngayong Sabado, August 15.
Sa video ay naiiyak na ikinuwento ng 35-year-old actress ang pagkakaroon na ng sari-sariling pamilya ng mga magulang niyang sina Sharon, 54, at Gabby Concepcion, 55.
Inamin ni KC na mayroon siyang “complex” na patunayan ang sarili para maging proud sa kanya ang mga magulang.
Saad niya, “Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family.
“They’re both married, they both have children with their husbands and their wives.
“Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin.
“Gusto ko may mga gagawin na ikaka-proud nila. Gusto ko lang na maging proud sa akin.”

SHARON SAYS SHE, KC, AND GABBY WILL ALWAYS BE FAMILY
Pagkalipas ng ilang oras, nag-post si Sharon sa Instagram ng reaksiyon sa pahayag ni KC.
Ayon kay Sharon, hindi kasalanan ni KC na magkaroon ng hiwalay na magulang.
Bagamat hindi raw talaga maiiwasan ang paghihiwalay nila ni Gabby, gugustuhin pa rin daw niyang ibalik sana ang panahon para protektahan si KC.
“My eldest, this baby girl, should never have been made to feel alone...
“She didn’t choose to be born into a family that started out with so much love only to be broken apart into a million pieces, like her mother’s heart...
“If I could...I would turn back the clock, and though I know the break-up still would have happened, I would try to shield her innocence from time...
“But the part of life I gave her isn’t mine...Yet I would...If only I could...”
Hindi rin daw magbabago ang katotohanang minsan silang naging buong pamilya.
“And in a sense, whether we - or they - like it or not, we three still always will be, my Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion.”
Mensahe ni Sharon kay KC: “Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents.”
Ibinahagi rin ni Sharon na plano raw sana nila noon ni Gabby na magkaroon ng marami pang anak.
“If you’d had a brother, did you know your Papi would’ve named him Gavin? And your Mama of course, would’ve insisted on another name or two for him. Just like you. [sparkling heart emoji]”
“I forget how many of you we planned to have. But I wouldn’t have minded having 5 more like you. [smiling face emoji]”
Pangwakas na mensahe ni Sharon sa panganay na anak: “You are not alone. If anything, there’s more of us on both sides for you!
“Still...I feel you anak. Mija. Our baby girl. Kristina Concepcion”
Bukod sa screenshot ng video clip ni KC, kalakip din ng post ni Sharon ang isang lumang family photo—karga ni Sharon ang baby pa lang noong si KC, kasama si Gabby at ang ama ng aktor na si Rollie Concepcion.

Sharon: “pls tag her papa.”
Sa comments section, nakiusap si Sharon sa kanyang followers na i-tag si Gabby para makita nito ang kanyang mensahe.
Naka-block daw kasi ang dating mag-asawa sa isa’t isa.

Ipinaliwanag naman ng isang netizen na hindi pwedeng mag-block ang isa’t isa sa Instagram. Kapag blinock ng Instagram user ang isang follower, hindi na masisilip ng follower ang posts ng nam-block.
Sabi pa ng netizen, mukhang si Sharon ang nam-block kay Gabby kaya hindi makikita ng aktor ang posts ng singer-actress.
Pakiusap ng netizen: “hindi ka naman daw po block ni Gabby, ikaw ho yata ang namblock sa kanya.
“Please unblock mo na po para makita nya ang post mo. Kahit hindi na po muna magfollowan.”
Sagot ni Sharon: “di nga?! Di ko lam yon. Yoko try. Takot ako! Hahaha”

FROM REEL TO REAL
Sina Sharon at Gabby ay sikat na reel-life love team noong early '80s.
Dalawang beses ikinasal sina Sharon at Gabby.
Una, sa isang secret civil wedding noong July 23, 1984. Sinundan ito ng engrandeng church wedding nila sa Manila Cathedral on September 23, 1984.
Eigteen years old lang noon si Sharon, habang 19 naman si Gabby.
Isinilang si KC noong April 5, 1985.
Naghiwalay sina Gabby at Sharon noong 1987 o tatlong taon matapos silang ikasal.
Pagkatapos ma-annul ang kanilang kasal noong 1993, pinakasalan ni Sharon si Senator Kiko Pangilinan noong April 28, 1996.
Nabiyayaan sila ng tatlong anak: sina Frankie, Miel, at Miguel.
Si Gabby ay may apat pang anak na babae mula sa tatlong ina: si Garie Concepcion, 31, na anak niya sa dating partner na si Grace Ibuna; si Cloie Syquia-Skarne, 25, na anak niya sa dating asawa na si Jenny Syquia; at sina Samantha at Savannah, na anak ng aktor sa kanyang asawa ngayong si Genevieve Yatco Gonzales.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
