Bettina Carlos introduces non-showbiz boyfriend: "You are my answered prayer."

by Rachelle Siazon
Aug 14, 2020
Bettina Carlos finds love anew in non-showbiz boyfriend Mikki Eduardo after years of being a single mom. Her Instagram post reads in part, "Ahhhhhhh truly, every good and perfect gift is from above."
PHOTO/S: @mikki.eduardo / @abettinnacarlos Instagram

Ipinagmalaki ni Bettina Carlos na matapos ang matagal na paghihintay ay nakatagpo na siya ng tunay na pag-ibig.

Ngayong Biyernes, August 14, ipinakilala ni Bettina ang non-showbiz boyfriend niyang si Mikki Eduardo.

Naalala pa raw ng dating TV host-actress nang ipinalanging gusto niya ng lalaking mamahalin siya pati ang kanyang anak na si Gummy.

Kuwento ni Bettina (published as is): "For years I have prayed to the Lord for a man who 'is already who he should be' yung Okay na. Ayos na. 'Wala na kong babaguhin.'

"LORD pwede po ba KUNG MAAARI LANG NAMAN LORD yung ibibigay Mo po ung natrain mo na?

"Yung di ko na po kailangang turuan paano mamahalin at pakikisamahan ang anak ko???"

Napagtanto rin daw ni Bettina na mali ang notion niya noong puwedeng mabago ang pag-uugali ng isang tao sa oras na pumasok ito sa isang relasyon.

Aniya, "Hindi naman kasi pala talaga natin dapat baguhin ang tao. Kasi si Lord lang ang babago at magaayos at maghahanda sa kanila. (At sa atin din) Hehehe."

Continue reading below ↓

Ilang taon na ring single si Bettina, at nangako siya sa sariling hindi siya papasok sa isang relasyon kung hindi ito naaayon sa plano sa kanya ng Diyos.

Tanggap din daw niya kung sakaling mag-isa siya sa buhay balang-araw.

Pero nang makilala ni Bettina si Mikki, kusang-loob daw itong nakipaglapit sa anak na si Gummy.

Patuloy ng 32-year-old former actress (published as is): "And God gave us you, @mikki.e.eduardo.

"I didnt have to wait for you to love G because from Day 0 you have already decided.

"Or teach you how to get along with a child because you are a child at heart.

"And neither did I have to wonder if you know what youre getting yourself into and if youre ready to be a Dad because God Himself already prepared you for that role and placed that desire in your heart...before we even met."

"PERFECT GIFT FROM ABOVE"

Dito raw napatunayan ni Bettina na sinagot ng Diyos ang kanyang dalangin.

"Ahhhhhhh truly, every good and perfect gift is from above. And when the Lord blesses, He adds no sorrow to it.

"You are perfect FOR US, my Love. You are my answered prayer. A blessing from the Lord. I thank God for you everytime I remember you.

"What an amazing God we have noh!"

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ni Bettina ay ilang litrato ng nobyong si Mikki na kasama ang anak niyang si Gummy.


NO LONGER ACTIVE IN SHOWBIZ

Si Bettina ay dating Kapuso actress na naging supporting cast member sa mga teleserye tulad ng Sa Piling Ni Nanay (2016), Because of You (2015), at My Husband's Lover (2013).

Continue reading below ↓

Nakilala rin siya bilang longtime host noon ng Kapuso cooking show na Idol Sa Kusina.


Humigit-kumulang tatlong taon nang hindi aktibo si Bettina sa showbiz, at naka-focus siya sa sariling pastry business.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bettina Carlos finds love anew in non-showbiz boyfriend Mikki Eduardo after years of being a single mom. Her Instagram post reads in part, "Ahhhhhhh truly, every good and perfect gift is from above."
PHOTO/S: @mikki.eduardo / @abettinnacarlos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results