PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedienne Donita Nose discharged from hospital after bout with COVID-19; thanks Raffy Tulfo, Willie Revillame

Donita Nose teases Raffy Tulfo to give her work in his show.
by Bernie V. Franco
Published Aug 14, 2020
Donita Nose (center) was discharged from the hospital last August 12 after recovering from COVID-19. She received financial assistance from Raffy Tulfo (left) and Willie Revillame (right).

Na-discharge na ang TV host-comedienne na si Donita Rose matapos ang dalawang linggong pananatili sa ospital dahil sa COVID-19.

Nakalabas siya sa St. Luke’s Medical Center, BGC, Taguig City, noong Miyerkules, August 12.

Ayon kay Donita, umabot sa halos P600,000 ang kanyang hospital bill, kaya laking tuwa niya nang sagutin ito ng broadcaster na si Raffy Tulfo.

Isang araw bago siya ma-discharge, noong August 11, itinampok ang sitwasyon ni Donita sa Idol in Action, ang public service program ni Raffy sa TV5.

Lumapit ang komedyante sa broadcaster, na dati raw parokyano sa comedy bars na pinagtatanghalan ni Donita.

Pinatotohanan ito ni Raffy. Madalas daw niyang kasama ang pamilya sa shows nina Donita Nose, Wacky Kiray, at Vice Ganda noong hindi pa sila sikat.

Nagtanong si Raffy kay Donita kung magkano ang bill nito sa ospital.

Ayon sa komedyante, P300,000 hanggang P350,000 na lamang ang kailangan niya dahil may iba nang nagbigay ng tulong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May mga tumulong naman pong iba. May naipon naman po ako, yung sa ‘kin po, kahit papa'no, ilalagay ko na din yung pera kong natitira.”

Pag-amin ni Donita, naging mahirap sa kagaya niyang comedy-bar performer ang nakalipas na limang buwan dahil tuluyan silang nawalan ng trabaho.

Maraming comedy bars ang nagsara bunsod ng pandemya.

Kaya naman daw ibinenta ni Donita ang iba niyang mga gamit nitong mga nakalipas na buwan para magkapera.

Sa huli, nag-commit si Raffy ng P500,000 na tulong kay Donita para makalabas ito ng ospital.

Laking pasasalamat ni Donita sa tulong ng Kapatid news anchor.

Biro pa ng komedyante, “Wala po akong work, baka kailangan niyo po diyan ng tagahawak ng papel, tagabasa ng messages, o anuman. Kaya ko pong gawin iyan. Pwede lang po kahit pangkain lang po araw-araw.”

Biro ni Raffy, marunong bang sumayaw si Donita para maging dancer sa kanyang public service program?

Sagot ni Donita, “Oo naman. Lahat naman po. Alam niyo naman talented tayo, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kahit naka-costume pa ‘yan. Kahit an’ng pagawa niyo sa akin, kaya ko po.”

Natatawang sabi naman ni Raffy, “Pwede.”

DONITA NOSE THANKS WILLIE

Sa kanya namang Facebook Live kahapon, August 13, isa-isang pinasalamatan ni Donita ang iba pang mga tumulong sa kanya.

Lubos-lubos ang pasasalamat niya kay Willie Revillame para sa lahat ng tulong nito noon pa man.

Nang maospital daw si Donita, ang TV host ang una niyang hiningan ng tulong.

“Actually, tinext ko talaga siya, ‘Kuya, alam mo na may COVID ako, ganito, ganyan.’

"Hindi naman siya nagdalawang-isip na magbigay ng tulong sa ‘kin. Agad-agad yun nagpadala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi binanggit ni Donita kung magkano ang tulong na ibinigay sa kanya ni Willie.

“Si Kuya Wil po talaga, hindi lang sa ganitong bagay siya nakatulong sa ‘kin. Sa buhay ko talaga siya nakatulong.

“Kahit i-set aside natin yung naospital ako, wala po talagang kabayaran yung ginawa niya sa ‘kin.

"Kasi hindi naman po talaga ako magiging artist, hindi ako makikilala kahit papa'no, kung hindi naman dahil kay Kuya Wil. Si Kuya Wil po talaga isa sa mga taong tumulong sa akin para maging ganito.”

Mensahe niya kay Willie: “Tinulungan mo na ako sa aking career, tinulungan mo pa rin ako ngayon sa aking pag-oospital.”

Nakilala si Donita sa telebisyon nang maging co-host siya ni Willie sa Wowowin noong 2015.

Pero isa siya sa mga natanggal nang mag-reformat ang show noong 2018. Nito lamang June muling napanood si Donita sa Wowowin.

Pero nabanggit ni Willie sa July 28 episode ng kanyang show na hindi na pumasok ang komedyante sa Wowowin pagdating ng July 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkalipas ng dalawang linggo, nabalita ang pagsugod ni Donita sa ospital dahil suspetsang may COVID-19 siya.

Hindi naman tinukoy ni Willie ang dahilan kung bakit wala na sa show si Donita mula July 10.

Walang nabanggit si Donita kung patuloy pa siyang mapapanood sa Kapuso game show sa mga susunod na araw.

ON FRONTLINERS AND COVID-19 PATIENTS

Sa kanyang Facebook Live at sa panayam niya kay Raffy Tulfo, ibinahagi ni Donita kung gaano kahirap ang sitwasyon sa ospital nang siya ay ma-confine.

Ayaw na raw sana niyang magpaospital dahil inaasahan niyang mahirap ang kalagayan ngayon sa mga pagamutan.

“Kasi magiging mahal at mahirap talaga. Nakapadaming pasyente. Napakadami. Punuan po talaga, maniwala po kayo sa akin.

“Talagang pila. Ang dami-dami po talaga ngayon sa ospital. Yung floor namin, lahat sa 11th floor, lahat ng nandoon, COVID po yun,” saad niya.

Hindi rin daw makalimutan ni Donita ang kalunos-lunos na kalagayan ng ibang mga pasyente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Andami ko pong cases na nasaksihan, na talagang sobrang hirap, sobrang nakakaawa po talaga yung mga sitwasyon nila.

“Kaya nga't natutuwa nga po ako, 'Thank you, Lord, talaga hindi ako umabot sa point na kailangan akong lagyan ng tubo.'

“Pero yung iba po talaga, ang hirap pag nakikita ko sila.”

Saludo raw si Donita Nose sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya.

“Nakikita ko yung pagod niyo, yung hirap niyo… sa suot niyo pa lang na PPE, masks, lahat, face shield…

“’Yung halos nagmo-moist na yung face shield niyo dahil yung hininga niyo, dun na lang umiinit.

“Nakita ko yung hirap, tapos papasukin niyo ako sa room ko every four hours para i-check yung vitals.”

Naging mabuti raw ang trato sa kanya ng medical staff habang nagpapagaling.

“Kahit COVID patients kami, alam niyong delikado kaming pasyente, hindi kayo natatakot.

“As in, nakikipag-usap pa kayo sa ‘kin, nakikipagkwentuhan pa kayo sa ‘kin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanawagan din si Donita na huwag pandirihan ang mga tinamaan ng virus.

Saad niya, “Huwag na po nating pandirihan yung may COVID, huwag po natin silang i-chismis. Baka mamaya pag chinismis niyo, kinabukasan kayo meron na rin pala, di ba?

“Actually po, ang kailangan nila pagsuporta at pang-unawa. Sa totoo lang, hindi naman po nakakadiri. Delikado yung sakit, pero kaya natin iwasan kung mag-iingat lang po tayo.

“Sa sitwasyon po naming may COVID, kailangan po namin ng lakas ng loob sa immune system po namin.

“Pag kami po ay nai-stress, bumababa lalo yun. Ang sinabi sa akin ng doktor, ‘Kailangan huwag kang ma-stress. Magpalakas ka.’”

Ngayong Biyernes, August 14, higit 153,000 na ang naitalang COVID-19 cases sa bansa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Nose (center) was discharged from the hospital last August 12 after recovering from COVID-19. She received financial assistance from Raffy Tulfo (left) and Willie Revillame (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results