“FAKE!”
Ito ang babala ni Joey de Leon, 73, sa kanyang social media followers tungkol sa mga kumakalat na fake accounts gamit ang kanyang pangalan.
Paglilinaw ng original Eat Bulaga! (EB) host, tanging sa Twitter at Instagram lang siya may accounts.
Pareho ring verified ang accounts niya sa dalawang social media apps.
Post ni Joey nitong Biyernes ng, August 14: “WARNING: MAY KUMAKALAT SA ILANG PAGES AT FORMAT (hindi dito)TUNGKOL SA AKIN. GINAMIT AKO in other words.
“ITO LANG PO ANG TANGING LUGAR KO at sa Twitter. WALA NA. Tigilan nyo ko!”
Pagkalipas ng isang oras, sinundan niya ito ng isa pang babala sa kanyang posers.
Tinukoy rin ni Joey sa Facebook ang mga gumagawa ng pekeng accounts gamit ang kanyang pangalan.
“WARNING: WALA AKONG FAKEBO este, Facebook! NO FB, only EB,” pagtukoy niya sa GMA-7 noontime show.
Aniya pa, “Yung mga nagpapakalat ng FAKE ay Rated PG—-Pekeng Gamitero, Paid Germs, Pos-ka sa Gimik, bahala na kayong maglagay ng sarili nyong meaning! Stay fake este, safe!”
FANS DISMAYED BY THEIR IDOL'S POSERS
Tiniyak naman ng avid followers ng veteran host-comedian na hindi sila maloloko ng mga posers ni Joey.
Si Joey ay may 1.4 million followers sa Instagram at 2.5 million followers sa Twitter.
Alam daw nilang peke ang mga ito dahil hindi nila taglay ang wit at humor ng kanilang idolong tinagurian nilang Master Henyo.
Narito ang komento ng fans ni Joey.





Kung titingnan sa Facebook, may ilang accounts nga na ginamit ang identity ni Joey, kagaya ng kanyang pangalan at mga larawan.
Wala namang ibang post ang iba, maliban sa paggamit ng identity ng Eat Bulaga! host.
May isa ring fan page, gamit ang pangalan at mga larawan ni Joey at kapansin-pansin sa mga post nito ang pagbebenta ng mga gamit.
Narito ang screenshot ng ilang Facebook page na ginamit ang pangalan at larawan ni Joey.


Bukod pa rito, may kumalat ding quote card sa Facebook taglay ang mukha ni Joey at diumano'y quote na galing sa kanya, na pumuna sa mga pulitiko.
Peke ang quote na galing daw sa Kapuso host-comedian.
Bukod kay Joey, maraming kilalang personalidad ngayon ang biktima ng mga naglalabasang fake quote cards.

Samantala, sa patuloy na pag-angat ng social media ngayong digital era, kapansin-pansin din ang pang-aabuso rito ng maraming netizens.
May mga personalidad ang nagbabala sa kanilang supporters tungkol sa mga gawaing ilegal, kagaya ng hacking at paglikha ng fake accounts para manloko ng iba.
Kabilang sa mga nabiktima nito sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Liza Soberano, Pokwang, at marami pa.
Nariyan din ang trolls na lumilikha ng maraming fake accounts para kumita ng pera.
Sa utos ng mga nagbabayad sa kanila, gumagawa ng fake accounts ang trolls para sa personal na interes ng kliyente, gaya ng paninira sa kalaban nito.
Talamak ang kalakaran ng trolling pagdating sa pulitika, kagaya ng sa panahon ng eleksiyon.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
