PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Fructuoso admits he was pasaway; reveals he once almost gave up on life

Eric Fructuoso reveals how he renewed his faith.
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2020
Eric Fructuoso: “Ako pa rin itong sira-ulo, ako pa rin itong luko-luko… I am the same person. It’s just that I’m trying my best to avoid mistakes. Para walang masabi ang mga tao, para walang masabi ang Panginoon.”
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay

Aminado ang aktor na si Eric Fructuoso, 43, na pasaway siya noong bata pa siya.

Pero napakalaki raw ng kanyang pananampalataya sa Diyos, na naging matibay na sandalan niya nang magkaroon ng matinding pagsubok sa kanyang buhay.

Kuwento ni Eric sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Nag-start ako ng Bible Study noong 2009, pero naging active uli noong March 2020.

“Bilang isang born-again Christian, hindi itinuro sa akin ni God na magtanim ng sama ng loob.

“Ang katawan natin, hindi ginawa ng Panginoon para magdala ng problema.

“During that time, madilim ang ulap natin, it helped hearing that may maaasahan ka pala, may malalapitan ka.

“Pero siyempre, medyo nawawala rin tayo sa landas, kaya nga maganda ang weekly Bible study dahil you get to replenish your soul.

“Ang dami kong pinagdaanan, naging mag-isa ako, I was trying to figure out what to do with my life."

Kaya nga raw malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil dumating sa kanya ang Kadenang Ginto, ang teleserye ng ABS-CBN noong 2018, na nagpa-busy sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng 44-year-old actor, “Kapag ikaw lang mag-isa, para kang nakulong. Kadalasan, paglabas Born Again na, kasi nagkakaroon ka ng time to know yourself better.

“Lahat ng mga ibinibintang mo, babalik sa ‘yo dahil malalaman mo kung ano ang mga mali mo. Hanggang sa natuto talaga ako, and I learned that the biggest, most important thing na bihira sa mga tao is acceptance.”

ERIC’S RENEWED FAITH

Napatunayan daw ni Eric na totoong may Diyos dahil sa isang mabigat na pangyayaring umabot sa wala na siyang ganang mabuhay.

Ito ay nang maghiwalay sila ng kanyang asawa, ang ina ng apat sa lima niyang anak.

Ang panganay ni Eric na si Frederick Fructuso, 20, ay anak ng aktor sa dati nitong karelasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Eric, “Lahat naman yata, ganoon. Lahat yata, dumaraan sa ganoon.

“Pero I was at the point of my life na hindi na ako nagpa-plan kung ano ang future ko dahil wala na akong plano.

“Hindi na ako ganadong mabuhay. Hindi na talaga ako ganado.

“E, ako pa naman yung tao na, dati, nagme-mentor pa ako, motivational speaker. Pero nang dumating yung naghiwalay kami ng asawa ko, mabigat yung bagay na ‘yon.

“Yung gusto ko nang sumuko, pero biglang may mga bagay na nangyari."

Hanggang sa tinawagan daw si Eric ng isang kaibigan sa Facebook na hindi niya personal na kakilala.

"Hindi ko siya close, comment-comment lang siya sa Facebook.

“Sabi niya sa akin, ‘Brother, kung anuman yung binabalak mong gawin, huwag mong gawin. Kasi kinausap ako ng Diyos na meron ka yatang hindi maganda na nararamdaman kaya kailangan kitang tawagan.’”

Mula noon, nagbago raw ang pananaw ni Eric at nagtagumpay siya dahil pinili niya ang mga taong sasamahan. Higit sa lahat, pinairal niya ang takot sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It took a while bago ako naka-move on. Ang ginawa ko na lang, pinaligiran ko ang sarili ko ng mga positibong tao at mga taong may takot sa Panginoon.

“Iniwasan ko yung mga tambay lang, inuman na walang kuwenta, yung mga gumagawa nang hindi maganda.

“Pinairal ko ang takot ko sa Panginoon. Yung temptations, iniwasan ko na.

“Sabi ko, once and for all, kung hindi ko susundin ang Panginoon, hindi Niya ibibigay ang mga gusto ko.

“Ang Panginoon, parang magulang natin. Kapag may hihingin ka sa magulang mo, kailangan sundin mo sila, kung hindi, hindi nila ibibigay yung gusto mo.

“Ako pa rin itong sira-ulo, ako pa rin itong luko-luko… I am the same person.

“It’s just that I’m trying my best to avoid mistakes. Para walang masabi ang mga tao, para walang masabi ang Panginoon.”

Ayon kay Eric, araw-araw siyang umiiyak dahil sa nararamdamang magkahalong saya at lungkot.

“Araw-araw akong umiiyak dahil sa lungkot at sa saya. May lungkot but, at the same time, masaya kapag naiisip mo yung kakayahan mo, yung mga blessing mo at inspirasyon ka sa marami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mga mensahe niya sa publiko?

Tugon niya, “Don’t just look but see. Don’t just share but listen. Tingnan mo kung ano talaga ang istorya. Hindi yung kung ano lang ang nakikita nila at kung ano ang maririnig mo, huwag agad maghuhusga.

“Pakinggan muna ang panig ng tao.”

RELATIONSHIP WITH HIS MOTHER

Ang relasyon nila ng kanyang ina ang isa sa mga pinagtutuunan ngayon ng pansin ni Eric.

Aminado si Eric na naging pasaway siya noong kabataan niya. Para makabawi sa mga pagkukulang niya, hindi nawawalan ng panahon si Eric para sa kanyang ina na naninirahan sa Naic, Cavite.

“May bahay ako sa Batangas, and I also stay in my mom’s house sa Naic, Cavite.

“Nag-iisang anak lang ako, and I’m trying to make up for the times na medyo pasaway ako noong bata pa ako.

“Ang ganda-ganda ngayon ng relationship namin ng mom ko. Hindi kami nag-a-argue,” lahad ni Eric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May anekdota rin ang aktor tungkol sa nanay niyang mahigpit daw inililihim ang edad.

“Her name is Menchie. Naku, dyusko, 18 years old ang nanay ko! Dalaga pa siya…

“Ever since noong bata ako, wala siyang sagot kundi 18 kapag tinatanong ko ang edad niya. Til this day, hindi ko alam ang edad niya.

“Hindi ko na inalam ang totoong edad niya, dadalhin ko hanggang sa hukay na hindi ko alam ang kanyang edad. Basta ang alam ko, 18 years old siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ERIC’S DREAM

Bahagya namang natigilan si Eric nang tanungin ng PEP.ph kung ano ang mga pangarap niya.

Napagtanto raw kasi niyang matagal na siyang nangangarap para sa ibang mga tao, pero hindi para sa sarili.

Paliwanag niya, “Kasi ang mga pangarap ko, para sa ibang tao, hindi para sa akin. Ang ipinagdarasal ko palagi, ibang mga tao, hindi ako.

“Sa kasasabi ng mga kaibigan ko na, ‘Hindi mo na kailangan ‘yan, Eric Fructuoso ka na. Hindi mo na kailangan ng magarang sasakyan, Eric Fructuoso ka na, maganda kapag simple ka lang.’

“Sa kasasabi nila nang ganoon, nagkaroon ako ng mindset na, Oo nga, I am already someone. Ipasa na lang natin ang tulong sa ibang mga tao.

“Ako na lang ang magiging instrument.

“Pero kung babalikan ko ang tanong mo kung ano ang pangarap ko sa sarili ko, ang sa akin, gusto ko lang maging mabuting tao para sa lahat at para sa mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maging maganda sana akong example sa lahat.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Eric Fructuoso, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Fructuoso: “Ako pa rin itong sira-ulo, ako pa rin itong luko-luko… I am the same person. It’s just that I’m trying my best to avoid mistakes. Para walang masabi ang mga tao, para walang masabi ang Panginoon.”
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results