Bumisita ang bagong Kapuso star na si Kisses Delavin sa Cataingan, Masbate, nitong Martes ng hapon, August 18.
Ginawa ito ng 21-year-old actress ilang oras matapos yumanig ang 6.6 magnitude earthquake sa lugar.
Tubong-Masbate si Kisses.
Kinoronahan siya bilang Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016. Naging Miss Teen Masbate din siya noong 2013.
Sa mga larawang ibinahagi ng netizens, makikitang bumisita si Kisses kasama ang kanyang mga magulang sa isang evacuation center doon.
Ayon sa post ng isang tagahanga, “Kisses Delavin together with her parents, visited an evacuation center at Cataingan, Masbate to help their fellow Masbateños who have been affected by the earthquake.
"She has always been a silent worker and for that, I’m so proud to be one of her supporters. #KissesCares #KissesDelavin”
Nagbahagi rin ng kahalintulad na post ang Triple A management, ang namamahala ngayon sa showbiz career ni Kisses.
THE 6.6 MAGNITUDE QUAKE
Bandang alas-otso ng umaga kahapon, niyanig ang Masbate ng malakas na lindol na umabot sa 6.6 magnitude ang lakas.
Naramdaman din ang pagyanig ng mapinsalang lindol sa mga karatig-probinsiya ng Northern Samar, Albay, at Aklan.
Isa ang namatay sa pagyanig nang natabunan ito ng kanyang gumuhong bahay.
Maraming mga konkretong bahay sa nasabing lugar ang gumuho. Marami ring nasirang government infrastructure sa Cataingan.
Apektado ang halos anim na libong katao dahil sa lindol.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
