PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang answers Baninay Bautista's boyfriend; Baninay apologizes for causing panic

Baninay Bautista apologizes to Pokwang in private.
by Arniel C. Serato
Published Aug 20, 2020
Pokwang (left) to Bont Bryan Oropel (center), Baninay Bautista's (right) boyfriend: "BE RESPONSIBLE YUN LANG PAKISABI SA GIRL FRIEND MO!”
PHOTO/S: File / Courtesy: @BaninayBautista on Twitter

Sinagot ni Pokwang ang mensahe sa kanya ni Bont Bryan Oropel, ang boyfriend ng dating Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate na si Baninay Bautista.

Si Bont ay isa ring vlogger katulad ni Baninay.

Unang nagpadala ng mensahe si Bont kay Pokwang sa Twitter, matapos pagsabihan ng comedienne si Baninay na maging responsable sa kanyang vlog at huwag mag-clickbait para lang kumita ng pera.

Nag-panic kasi si Pokwang at ilan nitong mga kasamahan sa trabaho matapos mapanood ang “I AM POSITIVE” vlog ni Baninay, na in-upload nito sa kanyang YouTube channel noong August 18.

Kaka-guest lang ni Baninay sa bagong game show ni Pokwang sa TV5, ang Fill In The Bank, noong August 16.

Ngunit base sa vlog ni Baninay, noon pa palang July 16 siya nagpa-test para sa COVID-19, kung saan nagpositibo siya.

At nang muli siyang nagpa-test noong August 2, negatibo na ang resulta nito.

Sa madaling-salita, wala na siyang COVID-19 noong August 18 nang mag-"I AM POSITIVE" vlog siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-react si Pokwang dahil sa takot na idinulot ng "late post" ni Baninay.

HURTFUL WORDS

Sa pamamagitan ng Twitter kagabi, August 19, pinuna ni Bont si Pokwang dahil sa masasakit daw nitong salita kay Baninay.

Mensahe ni Bont, "Hi Miss Pokwang, Nakikipagusap po kami ng maayos ni Baninay sa production nyo.

"Bago po sya sumalang sa show nyo ay Negative na po sya sa swab test 2 weeks na. Sinabi nya po yun sa TC at sa nurse sa show nyo.

"Bago po kayo mag simula diba po may rapid test at negative sya."

Dagdag niya, "Bakit po kailangan pa magsalita ng masasakit na salita? Kumpleto naman po ang detalye na binigay nya.

“At saka sobrang sama na po ng pinagdadaanan namin, namatayan po ako ng ama. Si baninay po ang katabi ko ng mawalan ng hininga ang papa ko na hindi kami inintindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot ito ni Pokwang.

Sabi ng Kapatid host, nakikiramay siya kay Bont sa pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19.

Pero sinabi rin ni Pokwang na dapat maging maingat ang kanyang nobya sa pag-a-upload ng maseselang usapin sa vlog nito, lalo na tungkol sa nakamamatay na COVID-19.

Saad ni Pokwang, “Nakikiramay ako sa nangyare sayo pero ang sinasabi ko dito yung GF mo dapat inayos nya ang pag upload para di nag cause ng panic sa mga nakasama nya at di nya dineklara sa show na nagkasakit pala sya!"

Diin ni Pokwang: "may anak ako at nanay na may sakit natural lang ang reaksyon ko iho!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin ni Pokwang na hindi niya dini-discriminate ang mga taong nagkaroon ng COVID-19 dahil "tumutulong pa nga ako e!"

Ang pinupunto raw niya ay "yung panic at anxiety na dulot nito kapag iresponsable sa mga vlog."

Paalala ni Pokwang, "BE RESPONSIBLE YUN LANG PAKISABI SA GIRL FRIEND MO!”

"BE RESPONSIBLE"

Sa isa pang mensahe ni Bont, sinabi nitong alam naman daw ni Pokwang na negative na sa swab test si Baninay noong August 2. Kaya bakit daw kailangan pang mag-tweet ng "hate" ang komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana raw ay kinausap na lamang sila ni Pokwang nang maayos.

Saad ni Bont, "Alam nyo naman po pala na negative na sya ng august 2 sa swab at rapid test sa show nyo bakit kailangan pa po magtweet ng hate?

"Para san? Di nyo din po alam ang pinagdadaanan namin. Sana po kinausap nyo kami maayos. Nakikipagusap po kami ng maayos sa prod nyo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon naman ni Pokwang: "nalaman ko ngayong umaga lang kung di pa sya tinanong ng mga staff dahil may mga nakapanood na ng vlog nya!

"kaya sa takot ko umiyak ako at nag panic nauunawaan mo ba na may 2yrs old akong anak at 80 edad na nanay!???

"Hindi nyo alam pakiramdam ng isang ina!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang post ni Pokwang sa kanyang Twitter account kagabi din, naglakip siya ng larawan ng inang si Gloria Subong at anak na si Malia O'Brien.

Ang mga mahal niya sa buhay ang dahilan daw ng kanyang panic at nerbiyos.

Saad ni Pokwang: “ito at sila ang dahilan bakit ganon ang naging reaksyon ko sa vlog mo sila ang buhay ko, sila ang dahilan kung bakit kahit takot ako lumabas para maghanap buhay ay kinailangan kong gawin dahil mahal na mahal ko sila pamilya ko tanging yaman ko.

"again, #BeResponsible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala pa niya sa mga vloggers, “sa ganitong panahon maging responsableng vlogger naman! hindi yung puro pera pera lang... wag ganon!!!!!”

BANINAY APOLOGIZES

Samantala, sa pamamagitan din ng Twitter, ipinaliwanag ni Baninay kung bakit hindi kaagad niya na-post ang vlog ukol sa pag-positive niya sa COVID-19.

Ayaw raw kasi niyang maging tampulan ng tukso at pangungutya ang mga taong nagka-COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “I DO NOT TOLERATE ANY KIND OF DISCRIMINATION TO COVID PATIENTS, FRONTLINERS & EVEN SURVIVORS.

“This is one of the main reasons why we delayed the upload of our videos. We waited until everything went well. Thank you for all the love & prayers, stay safe everyone.”

Sa huli, sinabi ni Baninay na nagkausap na sila ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi raw siya ng dispensa para sa kanyang vlog na nagdulot ng takot sa mga taong nakasalamuha niya.

Saad niya, “We already talked and settled things in private. I apologized for causing fear and ngayon po ay clear na lahat.

“Again, sorry po. Wala po talaga akong intensyon na masama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (left) to Bont Bryan Oropel (center), Baninay Bautista's (right) boyfriend: "BE RESPONSIBLE YUN LANG PAKISABI SA GIRL FRIEND MO!”
PHOTO/S: File / Courtesy: @BaninayBautista on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results