Pauleen Luna threatens to sue basher of daughter Tali; gets public apology

by Jet Hitosis
Aug 22, 2020
Pauleen Luna personally sends a message to the basher of her daughter Tali, and gives him two options: either he issues a public apology or he gets sued for "cyberbullying a minor."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang panlalait ng isang basher sa two-year-old daughter niyang si Tali Sotto.

Agad niyang kinontak ito sa Facebook messenger, at sinabihang kakasuhan niya ang basher for "cyberbullying a minor."

Si Tali, o Talitha Maria Sotto, ay anak ni Pauleen, 31, at ng comedian-TV host na si Vic Sotto, 66.

Nitong Miyerkules, August 19, nag-viral ang post ng Facebook page na @TRNDSmnl.

Makikita rito ang pakikipagpalitan ni Pauleen ng private messages sa basher na may Facebook username na “Patrich Walter L. Harris.”

Ang screenshots ng posts at conversation compiled sa post ng @TRNDSmnl ay nanggaling lahat sa Facebook page ni “Patrich Walter L. Harris.”

BASHER'S PANLALAIT

Nagsimula ang lahat nang i-repost ng basher ang June 21, 2020, Father’s Day tribute mula sa Facebook page ni Tali.

Hindi matukoy ang eksaktong date nang nag-repost ang basher, pero in-upload ito nitong nakaraang linggo.

Tampok sa post ang dalawang litrato kung saan nakatingin at nakangiti si Vic sa camera habang kalong ang anak.

Continue reading below ↓

Sa caption pinintasan ng basher ang unica hija nina Pauleen at Vic.

Vic Sotto daughter

Mahihinuhang umani ng batikos ang basher, at ipinagtanggol nito ang sarili sa comments section.

Sa screenshot ng @TRNDSmnl, ipinakita ang sagot ng basher sa mga nag-react sa caption niya.

Wala raw siyang pakialam sa komento ng iba sa kanyang post. Pinandigan rin nito ang ginawang pamimintas.

PAULEEN CONFRONTS, WARNS BASHER

Kasunod nito ang screenshot ng unang private message ni Pauleen sa basher.

Ayon sa media reports, nagpadala ng private message ang aktres sa basher ilang oras matapos i-repost ng huli ang litrato nina Vic at Tali.

Continue reading below ↓

Maayos na nagpakilala si Pauleen. Bilang sagot, tinawag siyang “mars” ng basher kasabay ng pangungumusta.

Sagot ni Pauleen: “Ay hindi po tayo magka mars [smiling with closed eyes emoji]”

Napa-reply na lang ng “sorry namn” ang basher.

Diretsahan pero kalmadong sinabi ni Pauleen ang kanyang sadya.

Pinaalalahanan niya ang basher na maaari niya itong kasuhan “for shaming and cyberbullying a minor.”

May smiling with closed eyes emoji uli sa dulo ng mensahe ni Pauleen.

Continue reading below ↓

BASHER HAS TWO OPTIONS

Inaya ng basher si Pauleen na mag-usap sila, at tinangka nitong mag-audio call sa aktres.

Hindi sinagot ni Pauleen ang tawag, bagkus ay nag-message ito ng “my precious baby is sleeping beside me.”

Nagtanong ang basher kung hindi raw ba maaaring “iwan muna saglit” ni Pauleen si Tali para makapag-usap sila.

Sagot ng aktres, hindi raw niya iyon magagawa dahil isa siyang responsableng ina.

Idinugtong ni Pauleen: “I hope you’re responsible too when you post.”

Continue reading below ↓

Dito na binigyan ng aktres ng dalawang options ang basher: “We can take this up in court if you like. Or you can post a public apology to the innocent child you’ve been shaming.”

Hindi sinagot ng basher si Pauleen.

Sa halip, ipinost niya sa Facebook ang screenshots ng convo nila ng aktres.

“Going jail” ang caption dito ng basher, kalakip ang speak-no-evil monkey, see-no-evil monkey, smiling with three hearts, at heart eyes emojis.

Ayon sa basher, mas gugustuhin pa niyang makulong kaysa mag-public apology.

Continue reading below ↓

A PUBLIC APOLOGY TO PAULEEN’S FAMILY

Pero sa huli, nag-post din ng public apology ang basher sa kanyang Facebook page.

Nag-sorry siya sa pamilya ni Pauleen, sa followers at fans ng pamilya Sotto, at sa lahat ng mga magulang na nasaktan niya.

Narito ang bahagi ng post ng basher (published as is): “ako ay taos pusong humihingi ng sorry sainyong lahat. ako ay nagsisi sa mga nasabi kong mali sainyong lahat at sana tanggapin niyo. Ang taos pusong paghingi ko ng sorry.”

Continue reading below ↓

Sa isang hiwalay na Facebook post, nagbigay din ng mensahe ang basher sa mga nambu-bully at nagpapadala raw ng death threats sa kanya.

Tiniyak ng basher sa mga ito na napatawad na siya ni Pauleen sa kanyang ginawa.

Sabi ng basher sa mga namba-bash sa kanya: "okay na kami nag sorry na ako tapos na. Kaya sana kayo rin maging okay na."

Continue reading below ↓

Bilang patunay, ipinost niya ang mensaheng ipinadala ni Pauleen sa kanya matapos siyang mag-post ng public apology.

Mababasa sa mensahe ni Pauleen: “Thank you, Please think before you click next time. And always remember, wag man dadamay ng inosenteng bata.”

At press time, hindi na aktibo ang Facebook account ng basher.

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna personally sends a message to the basher of her daughter Tali, and gives him two options: either he issues a public apology or he gets sued for "cyberbullying a minor."
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results