Umani ng batikos ang controversial internet personality na si Buknoy Glamurrr, na Andrew Luis Lapid sa tunay na buhay.
Ito ay dahil sa isang panibagong video na kumalat sa social media nitong mga nakaraang araw.
Kilala si Buknoy bilang isang vlogger at influencer. Mayroon siyang mahigit 200,000 subscribers sa YouTube, 122,000 followers sa Twitter, at 1.4 million followers sa TikTok.
Sa Twitter, nag-upload ang 16-year-old social media personality ng video kung saan naglalakad ito sa kalsada nang hindi naka-face mask.
Mapapanood sa 21-second video na sumisigaw rin ito ng "Sino single? Sana all may jowa. Sana all tsismosa. Sana all may pera na dimunyu ka!"
Wala na sa Twitter account ni Buknoy ang video, ngunit ilang netizens ang nakakuha nito at nag-reupload ng kopya sa Twitter.
Maraming netizens ang nag-call out kay Buknoy dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol—ang pagsusuot ng face mask sa public spaces.
Nabanggit ng ilang netizens na tila nilabag din ni Buknoy ang curfew ng kanilang lugar dahil lumabas ito sa kalagitnaan ng gabi. Ngunit hindi kita sa video kung anong oras lumabas ang influencer.
Sa panayam ng News5, sinabi ni Buknoy na hindi niya inaasahang magiging malaking isyu ang kanyang video.
Kuha raw ito sa labas lang ng kanilang bahay sa isang di pinangalanang subdivision.
Aniya, "Bigla lang maglalasing-lasingan kasi gabi, and ang ganda ng content na naisip namin, agad-agad."
Nagsisi raw ito sa kanyang ginawa.
Dugtong niya, "Stop bashing na kasi marami na akong natutunan at pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Wag magpadala sa fake news kasi kami rin ang nahihirapan, hindi sila.”
AWRA VS BUKNOY
Nag-react ang dating child star at FPJ's Ang Probinsyano actor na si Awra Briguela sa video ni Buknoy.
Sa isang tweet, sinabi ng 16-year-old Kapamilya talent: "SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACE MASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL, AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR."
Tila nagparinig naman si Buknoy kay Awra sa sumunod nitong tweet.
Pahayag nito: "Laki talaga ng galit saken ng isang influencer Dyan, imbis na idm [i-direct message] ako para sabihan na mali ako siniraan pa nga [emoji]."
Agad namang sumagot si Awra: "be katakot ka idm baka ma edit na naman, remember last time? [tea emoji]"
Dagdag na tweet ni Awra: "bakit kase nag-aantay ka na may magtama sa yo di mo kayang itama sarili mo?"
Base sa reply ni Buknoy, palaisipan para sa kanya ang pag-react ni Awra: "Hala Wala po kong alam, Alam ko lang ang laki ng galit mo sa kin."
Tanong naman ni Awra kay Buknoy: "Hala kelan ka magkakaalam?"
Sinabihan ni Buknoy si Awra na pinapalala raw ng reaksiyon ng huli ang sitwasyon.
Sagot nito sa tanong ni Awra, "Kapag di nyo na po ko sinisiraan ate, Sana maintindihan nyo na wala naman akong ginawang masama sadyang Ikaw Lang nagpalala."
Sa hiwalay na tweet, patuloy ni Buknoy: "teh! I will not argue anymore. I know mainit sa akin ang netizens dahil sa mga kamalian ko. I’m not perfect.
"I made mistakes and I’m willing to change. Tulungan mo ko instead of adding flame to the fire. Pero kung masaya ka dyan, May God enlighten you na lang. I rest my case."
BUKNOY REFLECTS ON HIS ACTIONS
Humingi naman ng paumanhin si Buknoy sa kanyang nagawa at kusang nag-14-day quarantine matapos ang nangyari.
Sabi niya, "For now, I will monitor myself and the people I had contact with for 14 days.
"And if I show any symptom, magpapa-swab test po agad ako. People of the Philippines, I am sorry.
"Sige po batuhin nyo lang ako. I am ready to fall down, but more than willing to stand up again."
Bagamat marami siyang hate comments na natanggap dahil sa video, nagpapasalamat pa rin si Buknoy dahil may ilang netizens na patuloy daw sumusuporta sa kanya.
Saad nito sa Twitter, "Reading hate comments on my tweets makes me weak.
"Pero sa libo libong taong isinusumpa ako kahit wala naman ako ginagawa sa kanilang masama, ang isa o dalawang support tweets na nabasa ko keeps me going.
"As long as may naniniwala at sumusuporta sa akin, tuloy lang ang buhay."
Sa sumunod na tweet, sinabi ni Buknoy na nasasaktan siya sa tuwing nakakabasa ng comments na humihiling na sana ay nagkaroon siya ng COVID-19.
Aniya, "It’s sad to know that some people can really say na 'Sana totoong may corona virus ka na', 'Ay Sayang'.
"Ang sakit, pero I need to accept the fact na I can never please all of you again. Haaays [disappointed face emoji]."
PREVIOUS ISSUES
Ngunit hindi pa natapos ang bangayan nina Buknoy at Awra sa Twitter.
Tinawag ni Buknoy si Awra na "plastik" dahil naging maayos naman daw ang naging pag-uusap nila nung kasagsagan ng unang isyung kinasangkutan nila nito noong nakaraang buwan.
In-upload ni Buknoy ang isang bahagi ng kanilang usapan sa Twitter kung saan sinabi ni Awra na, "Hoping to see buknoy to clarify everything" at "basta po okay kami ni buknoy."
Sa kanyang tweet, sinabi naman ni Buknoy, "Oh ayan! Ayaw mong tumigil? Ano edited pa rin ba? Gusto mo pa-authenticate pa sa twitter yan? Sino gusto makipag-collab? Hope to see me soon? Ok tayo?
"Ang plastik mong b***a! Manager ko gusto pagbatiin na tayo.
"Sabi ko ok lang sakin. Anong sabi ng kampo mo? Wag daw! I have proof!"
Ayon naman kay Awra, mali ang pagkakaintindi ni Buknoy sa kanyang sinabi.
Sabi ng Kapamilya teen star: "hope to see you soon to clarify everything not to collab with you. gets mo? ganda ganda ng english ko dyan e di mo pa din naiintindihan."
Depensa ni Buknoy: "Oh dear that’s not the point! You said here sa convo natin na you wanted to help and support me. You want to meet up. I admired you pa naman kala ko totoo ka.
"I think you need to drink 10 glasses of water a day para maliwanagan ka. Baka 8 glasses lang intake mo. #DrinkyourwaterB"
CONTROVERSIAL VLOGGER
Nitong July, unang nag-viral sa social media ang pangalan ni Buknoy matapos umano nitong maliitin ang mga tricycle driver, habang nagbibigay ng payo sa kanyang followers na patuloy abutin ang kanilang pangarap.
Sa video, makikitang sinasabi ni Buknoy, "Pero ang gusto ko talaga sabihin sa inyo is huwag na huwag kayo sumuko mangarap.
"Huwag na huwag kayong sumuko na tuparin yung mga pangarap niyo kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating, tulad nito [tricycle driver]."
Bukod dito, naungkat din ng netizens ang ilang racist remarks umanong ginamit ni Buknoy sa mga TikTok videos nito.
Humingi ng pasensiya si Buknoy sa mga na-offend ng kanyang mga videos.
Sa kasalukuyan, si Buknoy ay mina-manage ng Star Image Artist Management, ang talent agency na humahawak din sa career ng iba pang social media infuencers gaya nina Xander Ford at "You Do Note" girl Majo Lingat.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
