Hindi napigilan ni Xian Lim, 31, na maiyak nang sabihing kailangang operahan ang kanyang lola dahil sa breast cancer.
Ang maternal grandmother ni Xian na si Leonida Malatag Cruz ay 87-anyos.
“So, today’s a different type of day…” kaswal na simula ni Xian sa video na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ngayong hapon ng Lunes, August 24
Sa sumunod niyang pahayag ay napuputol na ang pagsasalita ng aktor, at halatang pinipigilang maluha.
“We are bringing my lola to the hospital.
"I think the procedure is called mastectomy, where they have to remove, I guess, her left or right breast, because they found cancer.
“So my grandma has cancer right now.”
Sa halos four-minute video, ilang beses naiyak at nagpahid ng luha ang Love Thy Woman star.
Si Xian ay lumaki sa pag-aaruga ng ina nitong si Mary Anne Lim, katuwang ang lola ng aktor.
Bagamat personal, naisipan daw ni Xian na ibahagi ang kalagayan ng kanyang lola para hikayatin ang supporters niyang huwag sayangin ang oras upang makasama ang mga mahal nila sa buhay.
Pagbabahagi ni Xian, "I guess it’s more for people to take a moment and enjoy the moments you have with family and friends.
“So, basically, that’s it. If you have a moment of your time right now, just go to your mom, dad, your, grandpa, your lola, and say, ‘I love you’ to them.
"Enjoy them while they're around."

Tila mas tumimo kay Xian ang kalagayan ng kanyang lola, lalo pa’t may pinagdadaanang pandemya ngayon.
“She’s still around, malakas pa naman siya. It’s just that, you know, may mga uncertainties in life, and there’s moments talaga na hindi natin nako-control, so don’t take time for granted.”
Diin niya, “Don’t take time for granted and love your parents, love your grandparents, ‘cause all the money in the world, all the things that you have, wala 'yang laban sa time.
“So just please reach out to your family now and just give them a hug and say, ‘I love you.’”
Sa puntong ito ay sinikap pagaanin ni Xian ang vibe sa kanyang video matapos niyang maging emosyunal.
“The grandma is okay, this is not a farewell video. I just want share something.
“I barely share anything. I’m a closed person, pero yun nga, sa lahat ng nangyayari, [I] just want to share some positivity to my viewers.
“To all that’s watching… na baka may mapulot kayo something na aral na… just to love the people around you.”
Ngayong gabi, ipinost ni Xian ang ilang larawan at video kasama ang kanyang lola at ina.
Matutukoy sa video na bumisita kay Xian ang kanyang ina at lola.
Sa isang punto ng video, kung saan sumasakay na sa kotse ang ina at lola ni Xian, maririnig ang aktor na sinabihan nito ang kanyang lola ng “Pagaling ka, Mama.”
the love of XIAN
Dati nang nabanggit ni Xian na nakamulatan niyang hiwalay ang kanyang mga magulang at itinaguyod siya ng kanyang ina.
Noong 2016, ang ibinigay niyang Christmas gift sa kanyang ina at lola ay Nissan Patrol na kotse.
Noong 2018 naman, trip to Belgium ang regalo niya sa dalawang babaeng mahalaga sa kanyang buhay.
Caption ni Xian noon sa kanyang Instagram post: “My mom and Grandmas trip in Belgium.
"Hope you guys are having fun after all the years na pag alaga sakin, you deserve to travel nalang and enjoy life...love you both”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
