Jessy Mendiola on most offensive criticism hurled at her: "Nung tinatawag ako palaging ahas."

by Rachelle Siazon
Aug 25, 2020
Jessy Mendiola admits she once doubted Luis Manzano's intention to marry her: "It's more of, like, darating sa point na, 'Will it ever happen? Totoo kaya sinasabi niya?' Kasi siyempre, lahat naman tayo may trust issues din."
PHOTO/S: Jessy Mendiola Youtube

Inamin ni Jessy Mendiola na ang pinakamasakit na batikos na ibinato sa kanya ay nang akusahan siyang "boyfriend stealer."

Naungkat ang isyu sa Q&A nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano sa vlog ng aktres noong August 22.

Tinanong ni Luis si Jessy kung ano ang pinaka-offensive na negative comment na nabasa niya sa social media.

Diretsahang sabi ni Jessy, "Siguro naman, hindi maipagkakaila na sobrang na-offend ako nung tinatawag ako palaging 'ahas' or 'third party.' So, that's a given."

Lubos daw naapektuhan si Jessy dahil walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya.

"Actually, sinasabi kasi ng iba, 'Dapat di ka nasasaktan kasi hindi totoo.'

"But it's more of, like, mas masakit kasi hindi nga totoo. That's how I look at it.

"It even hurts more when it's not true. Kasi kung totoo, 'Sige, hahayaan ko kayong sasabihin 'yan.'

"Kumbaga, deadma, totoo, e, so hindi ako mao-offend.

"Pero it's more offending kapag di totoo tapos they throw those things at you."

Continue reading below ↓

Hindi idinetalye ng magkasintahan kung anong insidente ang tinutukoy niya.

BACK STORY

Pero hindi kaila sa publiko na nahaluan ng kontrobersiya ang simula ng relasyon nina Jessy at Luis noong 2016.

Pinutakti si Jessy ng kritisismo mula sa netizens na nagsasabing sinulot niya umano si Luis sa girlfriend nito noong si Angel Locsin.

Noong kasagsagan ng isyu, nanindigan si Jessy na labas siya sa hiwalayan nina Angel at Luis, at nanligaw lang daw sa kanya si Luis noong single na ito.

Nang sumunod na taon, noong June 2017, idinetalye ni Luis na hiwalay na sila ni Angel bandang January 10, 2016.

Hindi raw totoong nag-overlap ang pakikipagrelasyon niya kay Angel at kay Jessy.

Back to present time, going strong ang four-year relationship nina Luis at Jessy.

Si Angel naman ay happily engaged sa fiancé niyang si Neil Arce.

FIRST TIME JESSY SAID "I LOVE YOU" TO LUIS

Sa pagpapatuloy ng vlog ni Jessy, inalala nila ni Luis na unang beses silang nagkasama nang matagal sa birthday party ng TV host-actor noong April 2016.

Continue reading below ↓

Si Jessy raw ang pinakahuling bisitang natira sa venue, at natatandaan daw niyang masinsinan silang nag-usap ni Luis sa pool area na may view ng beach.

Inamin ni Jessy na noon pa lang ay naramdaman niyang "may chance" na maging nobyo niya si Luis.

Tandang-tanda rin ni Jessy na nanliligaw pa lang si Luis ay panay na ang "I love you" nito sa kanya.

Pero "mid-June" noong 2016 ay saka lang daw niya naramdamang mahal na niya si Luis.

Balik-tanaw ni Jessy, "June 25, 2016, na-realize ko na mahal kita na one of those times na sinabi mo na nag-'I love you' ka.

"Naramdaman ko na lang yung feeling na I want to say I love you back. So yun, biglang sinabi ko na yung 'I love you too.'

"So, guys, that's why our anniversary is June 25."

ON LUIS'S INTENTION TO MARRY HER

Aminado si Jessy na sa tagal nilang magkarelasyon ni Luis, may puntong nagduda siya kung talaga bang seryoso ang binata sa intensiyon nitong pakasalan siya.

Continue reading below ↓

"It's more of, like, darating sa point na, 'Will it ever happen? Totoo kaya sinasabi niya?'

"Kasi siyempre, lahat naman tayo may trust issues din. Masusuntok tayo konti ng doubts. It's a normal thing."

Hindi raw maiwasan ni Jessy na isipin iyon noon dahil marami silang "detractors" ni Luis.

Hirit naman ni Luis, "Puwede siya pagdududahan pero antayin na lang."

Sa ngayon, sinabi ni Jessy na hindi na siya tatablan kahit pa kuwestiyunin ng bashers ang relasyon nila ni Luis.

Kumpiyansa raw si Jessy sa estado ng relasyon nila ni Luis at kung saan ito papunta balang araw.

THE PROMISE RING

Ipinakita rin ni Jessy ang promise ring na bigay sa kanya ni Luis. Iyon daw ang pinaka-meaningful na regalo sa kanya ng nobyo.

"Lagi ko suot. Na-touch ako nung binigyan mo ako ng promise ring kasi, kumbaga, you respect my time also. Hindi ka nagmamadali," ani Jessy.

Si Jessy ay 27 taong gulang, habang si Luis ay 39.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "When a guy gives you jewelry, it's a special gesture.

"Na parang, 'Wow, pinag-isapan niya talaga.' And at the same time, bongga, di ba.

"It's a symbol of promise."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola admits she once doubted Luis Manzano's intention to marry her: "It's more of, like, darating sa point na, 'Will it ever happen? Totoo kaya sinasabi niya?' Kasi siyempre, lahat naman tayo may trust issues din."
PHOTO/S: Jessy Mendiola Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results