PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal to body-shamers: “I’m no skin and bones! I’m skin and muscles!”

“I’m fed up with this kind of people, trying to shame me into eating more.”
Published Aug 25, 2020
Kapuso actress-entrepreneur-fitness enthusiast Kris Bernal has long been a victim of body-shaming, with netizens calling her “sobrang payat,” “anorexic,” “parang maysakit,” “kulang sa sustansiya,” "tuyot," and “losyang.”
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Pagod na si Kris Bernal sa kakadepensa sa kanyang sarili laban sa body-shamers.

Kahit ilang beses nang naipaliwanag ng 31-year-old Kapuso actress-entrepreneur na fit and healthy siya, marami pa ring netizens ang pumupuna sa kanyang timbang.

Ganito ang nangyari nang mag-post siya sa Instagram nitong Sabado, August 22, ng mirror selfie pagkatapos niyang mag-workout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maraming Instagram followers ng aktres ang pumuri sa kanyang abdominal muscles at sa fit niyang pangangatawan.

Pero mayroon ding mga pumuna na “sobrang payat” na raw ni Kris.

May tumawag sa kanya ng “anorexic,” “parang maysakit,” “kulang sa sustansiya,” at “losyang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang netizen ang nagpayo kay Kris na dagdagan ang carbohydrates sa kanyang diet dahil “tuyot ka na tingnan, parang lalakeng nagpalagay ng boobs.”

Sinabihan pa si Kris ng ilang netizens na bantayan ang kanyang pagkain, habang isa ang nagtanong kung hindi raw ba nagugutom ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADDRESSING BODY-SHAMERS

Sa kanyang Instagram Stories nitong Lunes ng gabi, August 24, sinagot ni Kris ang kanyang body-shamers.

Nag-post siya ng serye ng kanyang pictures habang nakasuot ng workout clothes.

Ang ganda ng ngiti ni Kris sa mga litrato, habang ibinabandera ang muscles sa kanyang upper body, na resulta ng araw-araw niyang pagwo-workout.

Mensahe ng aktres sa body-shamers, tigilan na ang pagdidikta kung ano ang dapat niyang kainin dahil “YOU’RE NOT MY MOTHER.”

Ayon kay Kris, napapagod na siya sa mga netizens na “TRYING TO SHAME ME INTO EATING MORE.

“I WON’T. I KNOW MY BODY BETTER THAN YOU DO. [winking face emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MY METABOLISM IS INSANE!”

Muli ring nagpaliwanag ang aktres sa netizens na “CONCERNED” sa kanyang timbang.

Tiniyak ng aktres sa mga ito na mismong doktor na niya ang nagsabing “PERFECTLY HEALTHY” siya.

Sinabihan daw si Kris ng kanyang doktor na magdagdag ng maraming calories sa kanyang kinakain. Napakaaktibo kasi ng metabolism ni Kris, sabi raw ng doktor.

Ang metabolism ay ang proseso ng pag-convert ng katawan ng lahat ng kinakain at iniinom sa energy. Nagko-combine ang oxygen at ang calories na nasa pagkain at inumin upang makapag-release ang katawan ng energy, ayon sa mayoclinic.org.

Sa kaso ni Kris, dahil aktibo ang kanyang metabolism, mabilis na nako-convert ng kanyang katawan sa energy ang kinukunsumo niyang calories, o iyong tinatawag na “burning calories.”

Dahil na rin ito sa regular niyang pag-eehersisyo.

Natural na hindi magdadagdag ng timbang ang isang tao kung mabilis niyang na-burn ang calories na kinokonsumo niya.

“I’M SKIN AND MUSCLES!”

Iwinasto pa ni Kris ang mga nagsasabing sobrang payat niya: “I’M NO SKIN AND BONES! I’M SKIN AND MUSCLES!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huling picture sa serye ng posts ni Kris, ibinandera niya ang muscles sa kanyang likod.

Caption ng aktres: “ONLY.. FITNESS ENTHUSIAST/BUFFS WILL UNDERSTAND..”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat abala sa mga teleserye at sa personal na pag-aasikaso sa mga negosyo, regular pa ring nagwo-workout si Kris.

Nang magpatupad ng enforced quarantine ngayong taon, mas napadalas ang pagwo-workout ng aktres.

Sa katunayan, isang fitness journey vlog ang inilunsad ni Kris noong nakaraang linggo.

Sa Instagram post ni Kris para sa vlog niyang ito, sinabi ng aktres na hindi mapipigilan ng body-shamers ang gusto niyang patunayan sa sarili na siya'y "healthy and 100% at my best."

Binigyang-diin ni Kris: "Your body weight or figure should not define who you are but rather it should be a motivation for you to stay healthy and improve yourself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress-entrepreneur-fitness enthusiast Kris Bernal has long been a victim of body-shaming, with netizens calling her “sobrang payat,” “anorexic,” “parang maysakit,” “kulang sa sustansiya,” "tuyot," and “losyang.”
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results